Chapter 25

13 0 0
                                    

Sophie's POV

Medyo pagod akong lumabas sa building kung saan ako nagtatrabaho bilang secretary ni Kyo. Nakakahiya nga eh kasi yung mismong boss ko pa ang sumundo sakin sa bahay namin. Di naman kasi niya sinabi sakin na siya pala ang magiging boss ko. Di naman masyadong mahirap eh, medyo naninibago pa ako pero masasanay din ako dito.

"Sophie, uuwi ka na ba? Hatid na kita" tanong ni Kyo na papauwi na rin.

"Naku sir wag na po magjejeep nlang ako" pagtanggi ko sa offer ni Kyo kasi nakakahiya na. Sobra-sobra na nga iyong naitulong niya sakin.

" I insist Sophie" pagpupumilit ni Kyo sakin.

"Sir wag----" naputol ung sasabihin ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"No need, ako na ang maghahatid sa girlfriend ko" sabi ni Ivo. Pano niya nalaman na andito ako?

"Oh, I'm sorry. Akala ko kasi walang boyfriend si Sophie" sabi ni Kyo.

Naku nakakahiya kay Kyo itong pinaggagawa ni Ivo eh.

"Ngayong alam mo na, pwede ka ng umalis" deretsong sabi ni Ivo na parang galit na galit.

Teka lang di ko na kaya itong inaasta ni Ivo ah.

"Ivo! Ano ka ba! Boss ko yan!!" sigaw kong sabi kay Ivo kasi medyo di ko gusto yung pananalita niya ngayon. Lasing yata to eh kasi may naaamoy akong alak.

"Ahmmm sir sorry po sa inasta nya at di ko po siya boyfriend. Kakilala lang po" baling ko kay Kyo. Yun naman talaga ang totoo eh na di ko siya boyfriend na lahat ng yun ay peke lang.

"Okay, mauna na ako sa inyo. Magkita nlang tayo bukas, Sophie" pagpaalam ni sir at biglang lumapit sakin at hinalikan ako sa cheeks. Medyo nabigla ako sa ginawa niya pero binaliwala ko nlang.

At tuluyan na nga siyang umalis. Aalis na rim sana ako nang biglang higitin ni Ivo yung kamay ko at kinaladkad papunta sa sasakyan niya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pagsisigaw ko habang kinakaladkad niya ako. Ang sakit lang ng pagkakahawak niya at medyo natatakot na din ako sa kanya pero tinatago ko lang.

"SHUT UP!!" pagkasabi niya nun ay pinasok niya agad ako sa kotse niya.

"Ivo!!! Uuwi na ako! Di ba tapos na tayo ay mali pala tapos na ang pagpapanggap natin kaya please lang tama na!"

"Bakit? para sumama ka sa lalaking yun? at sinabi mo pang di mo ako boyfriend? Tangna Sophie!!"

Medyo natatakot ako sa inasta ni Ivo at ang bilis ng pagpapatakbo niya. Di ko alam kung saan kami pupunta.

Ilang sandali ay tumigil na yung sasakyan at nasa bahay na pala nila kami ngayon. Hinila na naman niya ako papasok sa bahay nila.

"A-ano to?" tanong ko nung may makita akong mesa sa gitna ng garden nila tapos may mga flowers pa.

" Sophie, sorry sa mga sinabi ko sayo dun sa SM. Di ko sinasadya yun" biglang nag-iba yung mood ni Ivo. Naging kalma na ang pagkakasalita niya.

"Ivo, ayoko na. Tama na yung mga pagpapanggap natin kasi nagkakasakitan na tayo at sa huli marami din tayong masasaktan" naiiyak kong sabi sa kanya.

Gusto ko pa naman siyang makasama ng matagal pero natatakot akong mahulog sa kanya ng tuluyan at sa huli magmumukha akong kawawa kasi nagpadala ako sa pagpapanggap namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon