Wayne's POV
Inaamin ko na gusto ko si Sophie, obvious naman di ba? pero huli na eh may boyfriend na pala siya at ang masaklap ay kaibigan ko pa. Alam ko na alam ni Ivo na gusto ko si Sophie pero wala eh sinulot nlang niya bigla at di ko alam kung anong naisip ni Sophie na sagutin ito. Iba kasi si Sophie, yung ugali ang tinitignan niya at di yung pisikal na anyo ng isang tao.
Yung gabi na nilagnat si Sophie, andun ako pero naunahan na naman ako ni Ivo. Sa nakikita ko okay naman sila pero pinapangako ko na kapag sinaktan ni Ivo si Sophie ay babawiin ko talaga siya at yung sugat ko na nakita ni Sophie ay natusok yun nung tumalon ako sa pader nila nung papaalis na ako. Di ko na kasi kaya ung nakikita ko na nagyayakapan silang dalawa. Ang hirap eh, yung gusto mo may kayakap na iba.
Ito ang nakakapagpainit ng ulo ko, nung nasa SM ako bigla nlang akong may narinig na nagsisigawan. Ang di ko inaasahan si Sophie at Ivo pla yun kaya nakinig nlang ako sa pagtatalo nila.
Masaya na sana ako sa nalaman ko na peke lang pala ang lahat kaya ganun nlang kabilis na naging sila pero nung nakita kong umiiyak si Sophie sa mga masasakit na sinabi ni Ivo parang gusto ko na siyang sugurin at pagsusuntukin pero kailangan kong e-control ang sarili ko para makapag-isip kung ano ang pwede kong gawin.
Andito ako ngayon sa bar dahil tinawagan ako Kier na andito daw sila at ang gago nagawa pang uminom. Lagot ka sakin ngayon *smirk*
"Ivo, may problema ka yata? Si Sophie ba?" tanong ko sa kanya pagka-upo ko sa harapan niya.
Wala kasi dito si Kier at Lawrence, nasa kabilang table.
"Tsk. Mind your own business, Wayne" tinungga niya ung beer niya kaya ganun narin ang ginawa ko at oras na para komprontahin ko na siya.
"Tigilan mo na si Sophie" tapos napatingin siya sakin na parang galit na galit. Bahala siya basta ipaglalaban ko si Sophie kahit na ikakasira pa ng pagkakaibigan namin yun.
"Alam ko na ang lahat na peke lang ang lahat ng sa inyo ni Sophie at wala siyang kinalaman sa nalaman ko kasi narinig ko kayo kanina sa food court. Ganyan ka ba kadesperado para makahanap ng babaeng gagawin mong laruan. Ang tagal na nung nangyari sa inyo ng ex mo at please lang wag si Sophie kasi iba sa siya sa mga babaeng pinaglalaruan mo kundi magkakamatayan tayo" galit kong sabi sa kanya.
"Naiinggit ka ba? Kasi ang taong mahal mo ay girlfriend ko? Hahaha. Sasabihin mo na iba siya sa lahat ng babae? Eh mas malandi pa nga yun eh, ang bilis bumigay tapos kung kaninong lalaki sumasama---" di na niya natapos yung sasabihin niya nung biglang sinuntok ko siya.
Nagkakagulo na ang lahat at ni isa sa amin ni Ivo ay walang nagpapatalo. Di ko papalampasin yung pambabastos na sinabi niya kay Sophie. Walang hiya 'tong gagong 'to!! Hinayaan ko na nga si Sophie sa kanya pero ano 'to?
"Gago! Wag na wag ka ng lumapit pa kay Sophie!" galit kong sigaw sa kanya habang inaawat na kami nina Lawrence at Kier nung biglang dumating si Sydrick.
"Brad, tama na yan" sabi ni Sydrick.
"Ilayo niyo si Ivo sakin baka mapatay ko pa ang gagong yan" sabi ko nlang sa kanila.
Yung mga taong nakakita sa amin ay nagtataka kung bakit nagsusuntukan kami. Alam kasi nila kung gaano kami ka-close ng barkada ko kaya takot ang mga yan na banggain ang isa sa amin.
Narinig ni Kier at Lawrence ang lahat kasi nasa likod lang sila ni Ivo habang nag-uusap kami. Lumapit kasi sila nung nakita nila ako kaya sinenyasan ko nlang sila na dun nlang muna sila. Kaya alam na nila ang problema at sila na ang bahalang magpaliwanag kay Sydrick.
Umalis agad ako ng bar.
Someone's POV
*click* Saved
Hahaha, tama talaga yung suspetsya kong may mangyayaring maganda ngayon. Kawawang Ivo, nagsisimula pa lang ako sa mga plano ko pano pa kaya pagnagawa ko pa ung susunod. I'll gonna break your friendship and the best part is you'll broke into pieces Ivo. Mas malala pa sa ginawa mo sa kapatid ko ang gagawin ko sayo Ivo at pasensya ka nlang Wayne kung pati puso mo ay madadamay pero alam kong magagamit kita sa mga plano. Hahaha. Andami ko palang mapaglalaruan.
_____________________________________
Hey! Karen, ito na yung update oh!!! hahaha kung di mo sinabing mag-update ako baka di ako nakagawa.

BINABASA MO ANG
Scared of fallin'
Genç KurguScared of Fallin'? sa tagalog ,takot mahulog.. Mahulog sa kanal, hahaha..syempre takot mainlove..