Thank You pala sa gumawa ng new book cover ko, I like it !!
============================
Ivo's POV
"Why?" agad kong tanong sa kapatid ko.
" I saw it" sabay smirk na parang may nalalaman syang importanteng bagay tungkol sakin pero di ko pinapahalata na nabigla ako sa sinabi niya.
"About what? -_-" bored kong sagot kasi medyo inaantok na ako at lumakad agad ako sa papunta sa kwarto ko pero biglang nagsalita si Ivan na naging dahilan para mapahinto ako.
"Kiss" pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na ito pero muli itong nagsalita.
"And I have a proof" at tuluyan na syang umalis habang ako'y nakatingin sa kanya papalayo.
May pagkatuso kasi itong kapatid ko pero mabait naman yun sadyang mahilig lang nya akong i blockmail para makuha ang gusto nya.
Pumasok na agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama pero di pa rin nawawala sa isip ko yung nangyari kanina.
"Bahala na nga" ayun natulog na agad ako at mamaya ko nalang iisipin yun o kakalimutan ko nalang.
*Next Day*
Sophie's POV
Naramdaman ko yung sinag ng araw sa mukha ko pero di pa rin ako bumangon sa kama ko- teka lang lang bakit parang ang lambot yata ng hinihigaan ko ngayon? at bakit di ko naramdaman yung mga tadyak at sipa ni Mae?
Unti-unti kong minulat ang mata ko pero parang iba yata yung kulay ng kwarto namin ngayon ahh. Nung naging malinaw na yung nakikita ko may napansin akong lalaking nakatingin sakin pero di ko naman kilala.
"Waaaaaaaaahhhhhhh!!! Sino ka? Bakit ka andito sa kwarto ko? Anong ginawa mo sakin?-" napatigil ako at kinapa ko yung katawan ko kung meron pa bang damit at sinilip ko na din.
Di naman nagbago yung suot ko kaya napatingin agad ako sa lalaking naglalakad papunta sakin.
"You don't remember anything about what happen last night?" may pagkamalandi niyang sabi tapos hinawakan yung mukha ko.
"Manyakis!!! Wag mo akong hawakan, kadiri kang bata ka" kahit di ko alam ang nangyari kagabi pero di ko pinapahalata na natatakot na ako. Asan ba talaga ako? Kinidnap ba ako ng batang to? Pano ako napunta dito?
"Manyakis? hahahahahaha" tawa siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?" tanong ko batang baliw.
"Hoy, Manang! Kahit ikaw nlang ang babaeng natitira dito sa mundo, di kita papatulan" maarte niyang sabi.
"Hoy, Batang Baliw. Kahit na maging dalagang thunder (tanda o matanda) na ako, di rin ako magkakamaling pumatol sayo. Kadiri ka >_<" inis kong sabi sa batang baliw na nasa harapan ko na ang sarap ibitin patiwarik o ihulog sa bangin.
Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mukhang walang kabuhay-buhay na si Sungit. Anong ginagawa niya dito?
"Let's go-" napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin nya si - ano palang pangalan ng batang to, Batang Baliw na nga lang.
"What are you doing here" kunot noong tanong niya kay Batang Baliw.
"I'm just checking her out" sagot ni Batang Baliw.
"Tsss =_=" yun lang ang sinabi ni Sungit.
Biglang tumayo si Batang Baliw at tumalikod sakin pero tumingin ito ulit sakin.
"Bye, Manang. See you next time." ngiting sabi niya.
"Yah! Batang Baliw!" sigaw ko sa kanya.
Lumabas na ng tuluyan yung batang baliw at kami nalang ni Sungit ang andito. Medyo ang awkward ng atmosphere pero di ko alam kung bakit.
Lumapit siya sakin at hinawakan yung wrist ko at hinila paalis sa kama pero nung pag baba ko ay bigla akong nadulas at bigla akong napayakap sa likod nya.
Habang nasa ganoong pwesto kami biglang may nagclick na camera at pagtingin namin ay andun yung batang baliw pero may biglang dumating na dalawang tao at napansin kong biglang humigpit yung pagkakahawak ni Sungit sakin.
============================
Thanks for reading ^_^

BINABASA MO ANG
Scared of fallin'
Fiksi RemajaScared of Fallin'? sa tagalog ,takot mahulog.. Mahulog sa kanal, hahaha..syempre takot mainlove..