Chapter 22

12 2 1
                                    

Ivo's POV

Sa ilang araw kong nakasama si Sophie medyo gumaan ung loob ko sa kanya. Yung mga sweet gestures ko, di ko alam kung bakit ginagawa ko yun pero ung mas malala ay gusto ko ang mga bagay na yun. Walang halong pagpapanggap ewan ko ba kung anong nangyayari sakin.

Nung nakita ko si Sophie na kausap nya ang lalaking yun bigla nlang nag-init ung ulo ko lalo na nung paglapit ko ay nakahawak pa sya sa kamay ng lalaking yun.

Yung feeling na gusto kong putulin ang kamay ng lalaking yun at may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Letche lang!!!!!

Out of the blue, sasabihin nlang bigla ni Sophie na ayaw na nya sa "fake relationship" namin. Tangina lang!!!!! ang sarap pumatay kung pwede lang!!!!!! Ayos naman kami sa 2 weeks naming pagsasama pwera nlang kay Wayne na alam kong may gusto siya kay Sophie pero no choice ako eh kelangan ko si Sophie.

Pero ano 'tong nangyayari ngayon? parang sasabog ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon lalo na nung pumunta ako sa bahay nila ni Sophie para mag sorry pero TANGNA lang!!! ung maabutan ko silang magkayakap? Di ko alam pero nakaramdam ako ng selos at sakit dito sa puso ko.

Alam kong masakit yung mga nasabi ko sa kanya pero di ko mapigilang masabi yun at di ko sinasadya yun.

Muli kong tinungga ung beer ko at medyo naparami na din ako ng nainom pero wala akong pakialam ang gusto ko lang mawala man lang itong sakit na nararamdaman ko.

Sinabi ko na sa sarili ko noon na di na ako muling magmamahal pa ng iba dahil sa ginawa niya sakin dati pero ano itong nararamdaman ko ngayon? Nung una di ko nlang ito pinapansin pero habang tumatagal lalo na't kasama ko siya lagi lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Brad, tama na yan napapadami na yang iniinom mo ah" biglang sabi ni Kier sakin na kakarating lang habang si Lawrence, ayun kasama na naman yung mga babae niya.

"Kaya ko pa naman kaya pabayaan mo nlang muna ako kahit ngayon lang" pagkasabi ko nun ay tumango lang si Kier at tahimik na pumunta sa isang mesa na di kalayuan sakin.

__________

Sydrick's POV

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko kay Trish habang tinitignan ung necklace na binigay ko sa kanya. Nakalagay yung name nya habang sa may T part ay nakalagay dun ang pangalan ko.

"Ahhh, o-oo. Salamat huh!" parang di maalis yung paningin nya sa binigay ko kaya kinuha ko na yun at isinuot sa kanya.

Simula nung naging kami halos araw-araw na kaming nagkikita na di ko mapigilan ang sarili kong mamiss siya habang nasa school ako palagi ko siyang tinetext pero pag vacant namin ay tinatawagan ko siya.

Walang araw na di kami masaya habang magkasama kami. Na parang kami lang ung nag-eexist kapag magkasama kami. Na wala kaming paki-alam sa paligid namin.

Kahit ngayon lang gusto kong sumaya kapiling ung babaeng totoong mahal ko hindi ung pilit na pinagsisiksikan ung sarili sakin.

"Baby" bigla akong bumalik sa katinuan nung tinawag nya ako at ang sarap lang sa pandinig na tinatawag nya ako ng "baby".

"Yes, baby?" kunot-noong tanong ko sa kanya kasi bigla nlang itong namula at yumuko.

Hinawakan ko agad yung kamay na nakapatong sa mesa kaya napatingin agad siya sakin na parang may gustong sabihin.

"A-ano kasi eh" tapos parang kinakabahan siya " I............."

"I?" tanong ko sa kanya.

"Arghhhhh!!!!! I love you baby ko!!!" tapos tinakpan nya agad yung mukha nya. Kaya pala kinikilig. I love the way she blush coz it made me turn-on.

"I love you more baby" tapos hinalikan ko ung kamay niya. Ang saya lang ng araw na 'to sobrang perfect lahat-lahat kapag kasama ko si Trish parang kontento na ako sa kung anong meron ako.

Biglang tumunog ung phone ko kaya tinignan ko kaagad at si Kier pala 'to.

Nagdidinner kasi kami ngayon ni Trish kaya tumigil na muna ako sa pagkain at tinignan ko si Trish na parang tinatanong kung sino ung tumatawag.

"Si Kier" kaya sinagot ko agad.

"Bakit Kier?" -ako

"Pucha!!! Bitawan niyo ako!!!" rinig na rinig kong sabi ni Ivo.

"Ano bang nangyayari diyan?" -ako

"Si Ivo lasing na lasing at di namin alam kung anong problema na gagong ito at pinagsusuntok yung mga lalapit sa kanya pati nga kami ni Lawrence eh muntik ng masapul" sabi ni Kier na may halong inis.

"Ge, pupuntahan ko nlang kayo. Kasama ko kasi si Trish ngayon"- ako

"Cge"- Kier then the call ended.

Napatingin agad ako kay Trish at sinabi kung ano ung nangyari kay Ivo kaya hinatid ko na agad siya sa bahay nila at nagmadaling pumunta dun sa bar kung nasaan sila Ivo.

Pagkarating ko nakita ko nlang nagsusuntukan si Ivo at si Wayne. Ano bang nangyari? Akala ko maayos na sila? Alam kong may issue sila dahil kay Sophie pero akala ko tapos na yun kasi maayos naman sila nung mga nakaraang araw pero ano to?

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon