Chapter 12

19 1 0
                                    

Kakatapos lang maglunch ^____^ kakagising ko lang pla kasi natulog ulit pagkatapos mag jogging at volleyball at ayun andami kong pasa pero ayos lang kasi medyo marunong na ako \(^___^)/ mgpaparty akooo!! hahaha

============================

Di pa rin mawala sa isipan ko ung sinabi ni Ivo sakin. May sasabihin pa sana sya kanina pero bigla akong tinawag ni Mae kasi nakarating na pala kami nun. Kaya bumaba ako agad at eto ako ngayon nababaliw na sa kakaisip dun sa sinabi nya.

"BWESIT" bigla kong sigaw at nakalimutan ko pala na nasa classroom pala ako.

"Ms. Perez, get out of my class. NOW!!" patay, napalabas tuloy ako dahil sa sungit na yun.

Kinuha ko nlang yung mga gamit ko at tinignan yung mga kaibigan ko na parang naaawa sakin pero nginitian ko nlang sila na parang sinasabi na ayos lang ako. Tumayo na agad ako pero bago ako nakalabas ng classroom ay may biglang dumating and to my surprise si IVO lang naman ang nandito ang taong naging dahilan kung bakit napalabas ako.

"Good Morning, Maam. Can I excuse Ms. Perez from your class?" bigla akong napatingin sa kanya. Ano naman kaya ang kelangan nito? Baka tungkol dun sa tinanong nya kanina.

"Sure" ngiting hanggang tenga na sagot ni Maam. Ang tanda nga lumalandi pa din, nakakita lang ng gwapo. Psh.

Gwapo? este bakulaw pla . Pero sa suot nya ngayon, medyo cute sya.

"Let's go?" tanong ni Sungit sakin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko pero parang kinikilig na natutulala parang ganun tapos may pa ngiti-ngiti pa.

"SOPHIE!! Ang gwapo naman ng boyfriend mo!"

"Pakilala mo naman samin!!"

"Kuya Pogi, akin ka nlang"

"Pwede pa autograph?"

Grabe!! Ganito ba kagwapo si sungit? Yung mga babae parang lalabas na ung mata sa kakatitig sa kanya at yung mokong may pa ngiti-ngiti pang nalalaman. Ano bang nangyari sa mundo? tapos na naman ung end of the world daw para magbago si Sungit baka nasapian ng masamang espirito? Diyos ko po!!! Ibalik nyo na ung dating IVO!!

"HOY!! Mga linta, manahimik nga kayo kung ayaw nyong mahalikan ang sahig" ayun nagsalita na si Cindy.

"Tara na?" tanong ni sungit sakin.

"A-ah, okay" syete >////< bakit ganun parang di ko kayang makipagtitigan sa kanya tapos ang lakas pa ng tibok ng puso ko parang may mga kabayong nag-uunahan. Ano ba to? May sakit kaya ako sa puso?

"Okay, then let's go" hinawakan nya agad yung kamay ko na di ko ini-expect na isang IVO? hahawakan ang kamay ko? Syete nga naman oh!! Andyan na naman yung heartbeat ko nagiging abnormal na naman. Magpapacheck-up nlang ako bukas baka malala na tong sakit ko.

"Kyyyyyaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh" ung tilian rinig ng mga classmates ko rinig hanggang dito sa labas.

Nakarating na kami sa sasakyan niya ng ganun pa din ang ayos na nakaholding hands.

"Get in" sabi niya sakin na parang bumalik ang dating masungit na Ivo. Bipolar lang? Ayun pumasok nlang ako at siya naman pumunta na sa driver's seat.

"I have to tell you something" sabi nya bago inistart yung kotse nya. Tumango nalang ako as a sign ng pagsang-ayon.

============================

Thank you sa pagbabasa mga brad. Miss Chariepot!!!! eto na po ung update sana magustuhan mo ^____^ Baguhan plang ako kaya sana maintindihan nyo . Sorry, if its not good enough .

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon