Chapter 15

20 2 1
                                    

Hayyy, wala na yatang nagbabasa nito pero okay lang padadaliin ko nlang para matapos agad sayang naman yung pinagpaguran ko..

Enjoy Reading mga brad( kung meron man)

============================

"Hi Guys!" sabi ni Sydrick pagkababa.

"Asan si Sophie?" tanong ni Wayne.

"Ahhh, wala pa- si Sophie ba yun?" biglang sabi ni Cindy kaya napatingin agad kami sa kung san siya nakatingin.

Sophie's POV

Pagkadating namin sa gate nakita ko yung mga kaibigan ko at MGA KAIBIGAN NI IVO? Anong ginagawa nila dito? Patay!! Pano pag nakita kami?

" Ivo, w-wag mo nlang akong ihatid k-kasi andun sila" napatingin agad sya dun sa tinuro ko.

"Let them see us. Don't worry, I can handle this"

"Sigurado ka?" tumango lang siya.

Nung nakababa na kami halos nakatingin lang silang lahat sa amin.

"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Wayne kaya napatingin agad ako sa kanya. Pero nakatingin din pala siya sakin.

"K-kasi-"

"She's my girlfriend" deretsong sabi ni Ivo na nakatingin kay Wayne. Parang may electricity sa pagitan nilang dalawa.

Grabe yung tension sa paligid. Di ko naman inexpect na ganito pala ang mangyayari.

"Totoo ba yun, Sophie?" tanong ni Wayne habang nakatitig sa akin pero umiwas agad ako ng tingin sa kanya para di mahalata.

Masakit para sa akin. Alam nyo naman na si Wayne ang gusto ko pero pumayag pa din ako sa deal ni Ivo.

"oo" mahinang sabi ko kasi parang gusto ko ng maiyak dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.

"Well, congrats for the two of you" di ko alam kung masaya ba sya o ano kasi sa tono ng pananalita nya parang hindi eh. Pero nung pagkasabi nya nun, ang sakit pala na mismo galing sa mahal mo. Na masaya siyang kasama mo yung ibang lalaki.

"Ahhh, 8 na pala. Alis na kami" sabi ni Lawrence para mabasag ang katahimikan.

" Oo nga noh?! kami rin ehh. Sige bye, ingat kayo" masiglang sabi ni Cindy pero alam ko naman na ginawa niya yun para maalis ung tension sa paligid.

***********

"Anong nangyari?" tanong ni Trish na may halong pag-aalala.

"Sorry" yun lang ang sinabi ko at tuluyan ng lumabas yung luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Shhhh. Handa kaming maghintay kapag ready kana tyaka mo nlang kami sabihan. Okay? Tahan na" si Aki habang tinatap yung likod ko.

Walang nangyari buong araw kasi palagi lang akong nakatulala at iniisip yung mga sinabi ni Wayne. Matagal ko na yung gusto eh, akala ko magiging maayos na kasi nagkita na ulit kami at may chance na kami. Naalala ko pa ung mga pangako namin sa isa't isa na paglaki namin magpapakasal kami at bubuo ng masayang pamilya pero parang malabo na yata dahil di naman niya yata ako gusto. Diba nga masaya pa sya na naging kami ni Ivo. Siguro nga para sa kanya isang kaibigan lang ako. Kelangan ko nlang tanggapin ang lahat pero di ko paring maiwasang masaktan.

Nung tanghali nga di ako kumain at pati ngayong dinner. Wala talaga akong gana.

"B-bat ang lamig?" nagising ako sa sobrang lamig na feeling ko mamatay na ako.

Pagtingin ko sa kabilang kama wala si Mae(Xianne) . Naalala kong nasa probinsya pala sila ngayon pati yung parents ko.

Anong gagawin ko? Kinapa ko agad yung phone ko. Bahala na kung sino ang matawagan ko, di ko talaga kaya at parang naninikip yung dibdib ko.

"T-tulungan m-mo a-ako p-plea-" di ko na kinaya at nawalan na ako ng malay.

============================

Salamat sa pagbabasa ^____^

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon