Chapter 16

19 2 1
                                    

Enjoy Reading mga Brad ^_____^

============================

Ivo's POV

Biglang tumunog yung cellphone ko habang nakahiga ako. Sinagot ko agad kahit di ko alam kung sino yung caller.

"t-tulungan m-mo a-ako p-plea-" nang pagkarinig ko yun bigla akong kinabahan kasi alam ko kung kaninong boses yun at siya rin yung kanina ko pang iniisip. Si Sophie.

"Shit!" bumangon agad ako at nagbihis na para puntahan agad siya sa bahay nila.

Habang nagdadrive ako, di ko maiwasang di mag-alala dahil sa boses pa lang niya alam kong may nangyaring di maganda. Full speed na ang ginamit ko para lang makarating agad.

"Sophie" kanina ako nagsisigaw at binuksan lahat ng kwarto na makikita ko.

"So- shit!" tumakbo agad ako ng makita ko syang nanginginig at putlang-putla.

"W-wag m-mo a-akong i-iwan"

"Shhh. Di kita iiwan dito lang ako" sabi ko habang nakayakap sa kanya para mabawasan yung ginaw nya.

"Ang init mo. Dadalhin na kita sa ospital"

"W-wag" nakita kong may luhang lumabas sa mata nya na parang takot na takot sya nung pagkasabi ko na dadalhin ko siya sa ospital.

"Okay, hindi na. Bibili lang ako ng gamot saglit"

"Wag mo akong iwan"

"Saglit lang ako"

bago ako lumabas naghanap na muna ako ng kumot.

"Halika, uminom ka muna saglit"

Tinulungan ko siyang umupo at ang init niya at nanginginig pa.

"Wag mo akong iwan, please?"

"Promise kaya humiga kana"

Humiga naman agad siya pero yung isa kong braso ay hinahawakan niya. Tapos bigla siyang nanginginig na naman. Andami na ng kumot na nilagay ko, di ko alam kung anong gagawin. No choice, kelangan ko siyang yakapin para mabawasan ng konti man lang. Kaya dahan-dahan akong humiga at niyakap agad siya.

Habang nakayakap ako di ko maiwasang mapatingin sa mukha niya tapos sa lips niya.

"Aish >_< ano ba tong iniisip ko?"

Mga isang oras na yatang nakalipas at nakaramdam ako ng antok pero bago yun may narinig akong kalabog pero inaantok na talaga ako.

Sophie's POV

Nagising ako sa masarap na amoy kaya napabangon agad ako pero sa kamalas-malasan nga naman nahulog ako sa kama.

"Waaaaaaaahhhhh!!! *boogsshhh* Ouch >_<"

tapos bigla nalang may sumigaw habang papalapit sa akin.

"Are you okay?"

"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong kay Ivo pero naalala ko agad yung nangyari kagabi. Waaaahhh TT^TT nakakahiya.

"May lagnat ka kasi kagabi"

"Thank you" yun nalang ang nasabi ko sa sobrang hiya. Bakit si Ivo pa ang natawagan ko? pero ayos lang yun kesa mamatay ako.

"Nagluto ako sa ibaba. Halika na"

"sige"

Habang kumakain kami napansin kong ang laki ng eyebags nya kahit maputi sya mapapansin mo pa rin yung dark circle sa mata nya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Thank you at sorry" nakatungo kong sabi.

"Ayos lang yun. Diba girlfriend kita?"

G-girlfriend? totoo ba yun? potek!!! Ang mga alaga kong horsie nagwawala na naman pati yung butterflies sa tummy ko... omeygad!!!! may sakit yata ako sa puso baka yun yung nangyari kagabi kaya di ako makahinga..magpapacheck-up nlang siguro ako.

"Sophie?"

"Bakit?"

"Pagkatapos natin dito punta na muna tayo sa bahay tapos ihahatid na agad kita sa school niyo"

"Okay"

Tapos naligpit na namin agad yung pinagkainan namin. Nagtalo pa nga kami kasi ako na sana yung maghuhugas ng pinggan pero ayaw niya kasi baka mabinat lang daw ako kaya ayun wala akong magawa kasi ang sama na nung tingin ng boyfie ko sa akin.

Boyfie talaga? hahaha. Kahit fake to medyo masaya naman.

" Ivo, san ka- Sophie!!" pagkarating namin sa bahay nila , nakita namin agad yung mommy niya na super saya nung nakita ako.

"Good Morning, Maam" sabi ko sabay konting bow. Koreana lang ang peg? medyo nakakailang kasi yung may pabeso-beso.

"Maam? No, call me mommy. Got it?

"Yes, Ma- I mean Mommy"

"Magbibihis na muna ako" sabay alis ni Ivo.

"Kumain ka muna"

"Ahhh, tapos na po. Salamat nlang"

"Hon, let's go? biglang sabi ng Daddy ni Ivo.

"Ohhh, I forgot. Aalis pala kami. Sophie dear, next time nlang tayo magkukwentuhan ahh? Bye" sabay hug tapos kiss sa cheeks sakin.

"Bye, Sophie" sabi nung Daddy ni Ivo.

"Sige po, ingat kayo"

Wala naman akong magawa dito kaya pupuntahan ko nlang si Ivo. Pero may nadaanan akong kwarto na nakabukas, di na sana ako papasok pero may nakita akong picture na naging dahilan para lapitan ko para makasigurado ako kung tama ba yung nakikita ko.

"Dba si- si-" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita kaya nahulog yung album at kumalat lahat sa sahig yung pictures.

"A-anong ginagawa mo dito?"

===========================

Thank you for reading mga brad ^_______^

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon