Chapter 19

12 2 1
                                    

hello!!!! for how many months na di ko nabuksan itong wattpad ko sa kadahilanang medyo naging busy na sa school pero eto ako ngayon kakayaning magsulat ulit kasi inspired ako ngayon sa bagong wattpad crush ko na si River Robert Parker *_______* kaloka lang!!!!! I'd prefer to have a crush on a wattpad character than to a real person ,,, bakit?? SECRET!!! hahaha

Enjoy Reading Fellas!!!!

----------------------------------------------------------------------------------------

Di ko alam kung bakit ganun nlang umasta si Wayne. Okay naman kami at pati na rin sila ni Ivo. Baka may problema lang siguro or whatsoever. Pero habang katabi ko si Wayne , andun pa din ung sakit eh about dun sa sinabi nya kahapon. Oa lang pakinggan noh? Yung may gusto ka sa kanya noon pa man at kahit minsan di mo makuhang magtapat sa kanya dahil natatakot kang masira ung pagkakaibigan nyo at iwasan ka nya, medyo nanghihinayang ako pero ayos na din yun. Masaya naman ako nung panahong nakasama ko sya at naramdaman ko naman na mahalaga ako sa kanya pero di ko alam ang ibig sabihin nun kung may gusto ba sya sakin o ginagawa lang nya yun na parang kuya. Haayyyy, buhay nga naman. So back to reality na muna tayo at tama na itong pagsesenti ko.

"Sorry" yun nlang ang nasabi ko kasi andun pa din ung awkward atmosphere dahil sa nangyari kahapon.

Nabigla ako nung biglang sumandal si Ivo sa balikat ko at enintertwined nya ung mga kamay namin. At ayan na naman ung abnormal heartbeat ko na kung makatibok parang wala ng bukas sa sobrang lakas. IVO NAMAN EH, BA'T KA BA GANYAN? .

"Thank you" tapos bigla syang napatingin sakin at ako naman di ko alam pero nakipagtitigan din ako sa kanya at kitang-kita ko ung mga brown niyang mata tapos ung eye lashes nya parang pangbabae lang kasi mahaba tapos nag-curl sa dulo kaso nga lang andun ung eyebags nya na ako ang may dahilan pero bagay rin lang naman sa kanya.

"Eheem, di pa ba kayo natutunaw?" biglang singit ni Cindy kaya umiwas agad ako ng tingin pero sa kamalas-malasan nga naman pagtingin ko sa left-side ko nakatingin din pala sa amin si Wayne kaya ang nangyari ay muntik ko syang mahalikan sa sobrang lapit.

"Sorry" yun na lang ang palagi kong sinasabi kay Wayne at di ko alam kung bakit. Ung feeling na parang nagchecheat ako kay Wayne pero di naman kami baka dahil lang siguro yun sa pagkacrush ko sa kanya. Ewan ko nlang ko paano ko pa masasabi ko sa kanya itong lihim kong pagtingin. Bahala na nga lang baka sa susunod na araw ay mawawala rin ito. SANA NGA LANG (_ _")

*Sydrick's Resort*

Andito na yata kami kasi biglang tumigil ung sasakyan kaya ginising ko agad si Ivo, medyo nakatulog din kasi ako kanina sa biyahe. Parang 1 hour yata papunta dito.

"Ivo, gising na" sabay tapik ko sa mukha nya ng mahina para magising.

"Hmmm?" sabi nya bago dumilat. "Andito na ba tayo?" tanong nya.

"Tara na guys! Excited na akong makita ung view!" sigaw na sabi ni Cindy kaya nagsibabaan na agad sila.

"Oo" sagot ko na lang sa kanya. Obvious naman siguro dba? kakasabi lang ni Cindy.

Ang cute lang tignan ni Ivo kasi medyo sumingkit ung mata nya sa kakatulog nya. Tapos ung buhok nya medyo magulo kaya inayos ko ng konti.

"Ayusin natin ng konti ung buhok mo" sabi ko sa kanya. Parang nagiging kumportable na rin ako sa kanya kasi alam ko naman na mabait at parte rin lang naman ito "fake relationship" namin eh.

"Tama na yan baka lalo ka pang ma-inlove sakin. Hahaha" birong sabi nya sakin. Dumadalas na yata ang pagngiti nya ngayon at pagsasalita baka parte lang din ito ng fake relationship namin para di mapansin ng iba. Sabi nga nya na "go with the flow" nlang daw ako. Ayos rin lang naman sakin kasi kaibigan ko na rin lang naman ang masungit na 'to.

"Baliw. Ge mauna ka na at gigisingin ko muna itong si Wayne"

Tumingin sya likod ko at nakita nga nya si Wayne na natutulog.

"Ge" tapos bumaba na agad siya.

Di ko alam kung paano ko gigisingin si Wayne kasi ang himbing ng tulog nya habang nakikinig ng music gamit ang earphone nya. Ang gwapo nya pa din kahit papaano medyo naging matured na pero isa un sa mga factor ng pagiging gwapo nya.

"Wayne?" tawag ko sa kanya habang sinusundot ko ung mukha nya.

Biglang bumukas ung mata nya at tumingin sakin na parang nagtatanong kung nakarating na kami.

"Andito na tayo. Tara na?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa braso nya.

"Ouch >.<" biglang sigaw nya nung nahawakan ko ung braso nya.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Yeah, I'm fine" pero alam kong hindi sya okay kaya nagsalita ako ulit kasi naman parang may masakit sa kanya kanina eh.

"Sinungaling. Akin na nga ung braso mo" pagkahawi ko nung jacket nya ay nakita ko ung sugat nya na medyo malaki at dumudugo dahil siguro sa pagkahawak ko kanina.

"Ayos lang ako kaya wag ka ng mag-alala, okay" ayan na naman ung smile nya. Hayyyy. Ang lakas pa din ng impact sakin. Kahit nasasaktan na sya, di nya yun pinapakita sa iba para di mag-alala sa kanya.

" Dyan ka naman magaling ehh. Kahit nasasaktan ka na sinasabi mo pa din na okay ka. Akala ko nag-iba ka na sa tagal nating di nagkita, pero di pla. Masokista ka pa din"

"Oo nga eh. Ang sakit na nga, SOBRA" talagang inemphasized nya talaga ang salitang sobra. Ganun ba talaga kasakit ung sugat nya? Masakit nga yun, ang laki pa naman nun.

"Halika na at gagamutin ko yang sugat mo" nag-smile muna ako sa kanya tapos bumaba.

"Sana nga pati asdfghjkl~" di ko narinig masyado ung huli niyang sinabi kasi bigla akong tinawag ni Trish.

"Ano?" tanong ko ulit sa kanya

"Ah wala. Sabi ko tara na" kaya ayun sumunod agad kami sa mga kaibigan namin.

Alam kong di ito ang gusto kong mangyari sa muli naming pagkikita pero ayos na rin ito kasi nakakasama ko na sya at nakaka-usap ko na rin lagi. Sana nga lang di sya magbabago.

=========================================

Thank you :))

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon