Chapter 21

16 1 1
                                    

2nd week na namin ngayon ni Ivo sa fake relationship namin. Minsan nahihirapan na ako kasi di ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya. Ung feeling na kapag andyan siya ang lakas ng tibok ng puso ko at minsan pag andyan siya feeling ko safe ako at comfortable na din sa presence nya. Nalilito na nga ako sa nararamdaman ko para sa kanya at kay Wayne pero mamaya ko nlang iisipin yan kasi mas may malaki kaming problema ngayon , financial problem.

Andito kami ngayon ng family ko sa sala at nag-uusap.

"Siguro kelangan nyo munang tumigil sa pag-aaral. Wala na akong trabaho" umiiling na sabi ni Papa na para bang mas may malaki pa siyang problema kesa pagkawala ng trabaho nya.

"Pero pa-" aniya ni Xianne na para bang kahit anong oras tutulo na ung mga luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata nya. Naaawa ako sa kanya or should I say na awang-awa ako sa estado ng pamilya ko ngayon. Siguro kelangan ko munang mag-sacrifice kahit konti man lang para makatulong sa pamilya namin.

"Xianne, please. Wala na akong magagawa di ko na kayang tustusan ung pag-aaral niyo" aniya ni Papa.

Ung parang gusto kong maiyak sa mga nakikita ko na sobrang nasasaktan at parang nawawalan na ng pag-asa ung pamilya ko. Si mama kahit di siya umiimik alam kong nasasaktan siya ng sobra. Si Xianne na alam kong gusto niyang makatapos ng pag-aaral para matupad ang mga pangarap niya.

"Pa, ako nlang po ang titigil at maghahanap na rin ng trabaho. Kakayanin kong mabayaran ung pag-aaral ni Xianne" sabi ko na parang gusto kong bawiin ung sinabi ko kasi ayokong tumigil sa pag-aaral pero kelangan eh o kaya kukuha nlang ako ng ilang units for night class.

"Di ko nga kaya, ikaw pa kaya? Wag kang masyadong magmagaling" sabi ni papa na di ko inakalang masasabi nya yun. Na misinterpret nya yata ung sinabi ko pero ang sakit lang isipin na nasabi nya yun sa harapan ko at iniisip niyang di ko kaya .

"Pa, mali ang iniisip mo. Sorry, di ko sinasadya ayoko lang talagang tumigil sa pag-aaral si Xianne" ang sakit sobra, ung kinakausap nya akong parang ibang tao. Pero baka mainit lang ang ulo ni papa dahil nawalan siya ng trabaho.

"Bahala kayo sa buhay nyo" pagkatapos nun ay umalis agad siya ng bahay at iniwan kaming tatlo sa sala.

Pagkatapos nung nangyari sa sala kanina ay napag-isipan kong maghanap agad ng trabaho para makatulong man lang. Pumunta agad ako sa mga fastfood chains para mag-apply at nagpass na din ng mga resumé ko. Kahit anong trabaho basta legal ay papasukin ko nang makatulong man lang.

*tsik**tsik* (message tone ko)

Ivo:

Asan ka? Pwede ba tayong magkita?

Kelangan ko na yatang tapusin itong kabaliwan namin ni Ivo at mag focus na muna sa pamilya ko tutal malapit lang naman ako sa SM kaya dun nlang ako makikipagkita sa kanya.

Me:

SM. Sa bandang foodcourt nlang tayo magkita.

Nung papunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita ay may nakabunggo sa sakin na sa sobrang lakas ay napa-upo sa sahig at ang sakit lang!!! tangina!!!!! at ang mas malala pa ay ung mga resumé na dala ko kanina ay nagkalat sa sahig.

"I'm sorry miss" aniya niya.

"Ayos lang" tatayo na sana ako pero sa kasamaang palad ay napa-upo ako ulit sa sobrang sakit. Napuruhan yata ako.

"Ouch >_<" sabi ko habang nakahawak sa pwet ko.

"Hey, tutulungan nlang kita" kaya ayun tinulungan niya akong tumayo at dinala sa isa sa mga mesa sa foodcourt. Habang hinihimas ko ung likod ko biglang nagsalita ung lalaki.

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon