Chapter 24

10 0 0
                                    

Sophie's POV

Urgh >_< ang laki ng eyebags ko sa kaka-iyak dahil sa bwisit na sungit na yun. Di ko pa din makalimutan yung mga sinabi niya. Grabe lang walang preno tagos hanggang buto eh kahit di naman totoo yung mga pinagsasabi niya. Akala ko okay na kami pero di pa pla. Ang tanga ko lang kasi eh at hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya ng ganun ka bilis. First time ko kasing magkanobyo at ang mas malala pa ay peke lang ang lahat. Bahala na, may mas malala pa akong problema ngayon at kelangan ko pang magtrabaho.

Makakalimutan ko din siya agad gaya ng pagkahulog ko sa kanya ng ganun nlang kadali.

Handa na ako papasok sa trabaho at si Kyo nlang ang hinihintay ko.

"Anak, ano ba yung trabaho mo?" tanong ni Mama Wena sakin.

"Ahmm, secretary po ma" sagot ko sa kanya.

"Pano na pag-aaral mo?"

"Ma, tapos na naman ung finals namin kaya di na muna ako papasok sa June o kaya ay night classes nlang ang kukunin ko" pagpapaliwanag ko kay mama.

Alam ko na nag-aalala si Mama sakin pero kelangan kong maging malakas para matulongan ang pamilya ko sa ganitong panahon.

Mapatunayan ko man lang sa papa ko na kaya ko.

"Ate! May naghahanap sayo" sigaw ni Xianne sa labas.

"Andyan na yata yung kaibigan ko ma na tumulong sakin na makapasok sa trabaho" tumango lang si Mama.

Pumunta agad kami sa labas para salubungin si Kyo.

"Good Morning Sophie at Good Morning din sa inyo" nakangiting sabi ni Kyo samin. Ang gwapo niyang tignan pag nakangiti siya kaya ang gaan niyang kasama kasi puno siya ng goodvibes.

"Ahmm. Kyo, mama ko pla tapos kapatid ko" pagpapakila ko sa kanila.

"Tita Wena nlang at ito si Xianne" paliwanag ni mama

"Salamat nga pala iho sa pagtulong mo sa anak ko ah"  nakangiting sabi ni Mama.

"Walang anuman po. Ahmm, kelangan na po naming umalis at nice to meet you po" sabi ni Kyo.

"Mag-ingat kayo ah" sabi ni mama kaya nagpaalam agad kami ni Kyo sa kanila.

Habang nasa sasakyan kami medyo kinakabahan ako. First time ko kasing magkatrabaho.

Keep calm lang Sophie kaya mo yan para sa pamilya mo!!! pagpapakalma ko sa sarili ko.

"Hey, kumalma ka lang. Andito lang ako para tulungan ka" sabi ni Kyo sakin kaya nginitian ko nalang siya.

_________________________

Chachi's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Kier at magpapaturo sana ako sa kanya nung beat na di makuha-kuha pero di niya alam kasi malalaman din naman niya pagdating ko dun kasi magkikita rin naman kami. Useless lang tapos wala rin naman akong load.

Nagdadrive ako ngayon gamit yung sasakyan namin. Minsan ko lang ginagamit to pag trip ko lang at pag ayaw kong ma hassle na sumakay ng jeep. Nung malapit na ako sa nina Kier ay may nakita akong lalaking nakatalikod sa may garage nila kaya tinignan ko lang muna ito. Di naman si Kier to kasi may pagkatotoy ang itsura nun eh tapos parang nerd lang kasi may eyeglasses. Pero nung bigla itong humarap parang di ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Kier?" natanong ko nlang sa sarili ko kasi ibang iba ung itsura niya ngayon. Parang nagtransform from nerd to a HUNK? Oo , inaamin ko na ang gwapo niya ngayon. Nacucurious ako dito sa lalaking ito ah.

Bigla nlang itong pumasok sa kotse niya at nagdrive palabas kaya naisipan kong sundan ito.

*Salo Gaol Bar*

Bar? Anong ginagawa niya dito? Bumaba na rin ako para sundan siya sa loob kahit ganito ako di naman ako ignorante sa mga bar kasi I was once a party girl in the past. Pero nung pagkapasok ko ay nakita ko nalang si Kier na may kahalikang babae at parang walang paki-alam sa paligid.

Ganyan naman talaga sa bar eh, kanya-kanyang buhay. Lahat ng bitches at sluts at mga malibog na lalaki nagkalat doon kaya dapat handa ka pagpumasok ka ng mag-isa doon.

Kier, malalaman ko din ang tunay mong pagkatao. Aalamin at aalamin ko yun.

At lumabas na nga ako sa bar at umuwi na para makapagrelax kasi medyo na stress ako sa nalaman ko.

*ring* *ring*

Cindy Calling......

Ano kayang problema ng babaeng ito? gabing-gabi na ah?

"Hello"

[Chi, pumunta ka dito sa bahay namin si Sophie iyak ng iyak]

"Anong nangyari?"

[Tungkol sa kanila ni Ivo. Pumunta ka nlang agad dito at dito ko nlang ipapaliwanag. Andito na rin pla si Aki at Trish]

"Sige, bye"

Letche!!! Sabi ko na ba eh, masasaktan lang sila kapag pumasok sa letcheng relasyon na yan.

Nagmamadali agad akong nagdrive papunta kina Cindy.

_____________________________________

Salamat sa pagbabasa

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon