CHAPTER50
Pinakamahirap talaga ang gabi.
Noong una, ayoko kahit maidlip dahil sa masasamang panaginip, ngunit mas pipiliin ko na iyun, kesa ngayon, na kahit anong pilit kong matulog, e hindi ko magawa dahil sa sakit.
Dahil bakasyon, ipinagkatiwala ni Kuya ang unit niya sa amin. Ako na muna ang nasa kwarto niya, at si Mama, sa kwartong ipinahihiram sa akin ni Kuya dati. Ilang araw na ito. Mabuti nga at wala nang pasok dahil ilang araw na akong inaabutan ng galit sa manok. Dahil sa oras na mapipikit na ako, doon nila maiisipang mag-ingay. Hindi naman nila kasalan.
Ako ang may kasalanan. At ito ang kabayaran ko. Hindi ako makatulog. Pero ano bang kasalanan ko? Mahal na mahal ko si Gabriel. Alam kong mahal na mahal niya, pero bakit kailangan naming maghiwalay? Bakit kailangan niyang makipaghiwalay sa akin?
Pero iyun naman talaga. Araw-araw may hanash si Mama sa breakfast.
Noong una, hindi ako makausap. Pero magaling si Mama.
"Anak, Walang forever. Lahat nagbabago, lahat naghihiwalay. Tingnan mo kami ni Raul. Natapos din."
Napansin ni Mama na ayokong mapag-usapan ang kahit anong may kinalaman sa pamilya ni Jessie.
"Sorry, bad example," sabi ni Mama. "Tingnan mo na lang ako at ang Daddy mo. Akala ko, happy na, pero ano, Nagkaroon ng kabit ang Daddy mo. Nagkataon nga lang na ako ang kabit. Kaya move-on lang."
Napahiya si Mama. Ayokong maramaman niya iyun kaya napilitan akong sumagot.
"Eh bakit sina Lolo at Lola?" tanong ko. "Kinatandaan at kinamatayan na nila ang isa't-isa? Ano yun long term fling? Friends with benefits?
"Anyare? Nauna naman ang lolo mo, di'ba? Na deds," defend ni Mama. "Kahit lolo't lola ko, walang magagawa kapag naki-third party na sa kanila si Kamatayan. Walang forever."
"Wala namang naki-third party sa amin ni Gabriel," sabi ko.
"Ano si Jessie?" sabi ni Mama. "Hindi ba, siya nga ang lalaki 1 mo? Shet, Nak, ampangit pakinggan. Pag inalis mo yung one, magiging, 'siya ba ang lalaki mo?' Hindi maganda."
"Ma, hindi ko lalaki si Jessie," sabi ko. "Hindi ko siya mahal. Si Gabriel ang mahal ko."
"Mahal mo si Jessie," sabi ni Mama. "Sa kung anong freak of nature na dahilan, hindi ko alam. Pero mahal mo siya anak."
Napahinto ako.
"Pero lagi ko namang sinasabi kay Gabriel na hindi ko mahal si Jessie, na kahit anong mangyari, siya ang pipiliin ko, at iyun ang ginagawa ko."
Tumayo si Mama. Hinawakan ang ulo.
"Alex, hindi maitatago nito," tinuro ni Mama ang ulo bago lumipat ang kamay sa dibdib ko. "Ang nararamdaman nito. At nararamdaman ni Gabriel iyun."
"Pero mas mahal ko si Gabriel," sabi ko.
"Bakit ba tayo iniwan ng Daddy mo?" tanong ni Mama.
Hindi ko alam kung anong point of comparison.
"Sinabi rin niya iyan sa asawa niya, na mas mahal niya siya kesa sa akin. Hindi iyun pwede. May chance kasi na galingan ko ang performance ko, at magawa kong mas mahalin ako ng asawa niya, kesa sa kanya. Hindi pwedeng mas mahal mo si Gabriel. Dapat walang comparison. Dapat siya lang."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon.
"Kaya mo yan, Alex," sabi ni Mama. "Puso lang yan, malayo sa bituka."
Hindi pa rin ako sumagot.
"Ay, ayaw mangiti," sabi ni Mama. "Gusto mo ba ng kasama? Pwede naman akong hindi pumasok muna."
BINABASA MO ANG
Oh Boy! I Love You!
Подростковая литератураBuong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si Jessie. Ang problema, pagtungtong ni Alex ng college, senior nya ulit si Jessie. Mabuti na lang at nakilala ni Alex ang antidote, si Gabriel...