The One More Time Again

8K 255 100
                                    

CHAPTER 39

Ito pala yung nakabibinging katahimikan.

Isang mahabang innnnnggggggggg lang ang naririnig ko habang nakasakay sa kotse ni Gabriel. Wala siyang imik mula nang mag-U-turn kami. Nanatiling nakahawak ang dalawang kamay niya sa manibela. Ang mga mata niya, sa kalsada lang nakatingin. May mga ilang mabibigat na paghinga minsan, pero walang sumusunod na salita tulad nang inaasahan ko.

Nung una ay mga patakas pa ang pagtingin ko sa kanya. Sinusubukan ko kung titingin si Gabriel. Wala. Hanggang sa tumitig na lang ako sa kanya. Baka kasi hindi nagkakasalisi lang kami ng tinginan. Tutok na, nakapaling na ang katawan ko't ulo sa side niya, pero wala. Wala talaga.

Nanatili na lang ako sa ganoong posisyon. nakaharap kay Gabriel. Hindi ako sumuko. Umasa akong lilingunin niya ako, haharap siya sa akin. Magsasalita, magpapaliwanag.

Ganun naman diba dapat? May mga away na kami dati. Pag may na-late sa usapan, may namiss na bilin, pag hindi nakasagot sa text. at yung pinakamalala, yung hindi niya ako inimik dahil... pero nalampasan naman namin yun. pinansin niya ako. Pinansin ko siya, nag usap kami.

Ganun din sana ngayon. Ayoko lang kasing manguna, yung parang itatanong ko sa kanya kung galit siya. Kasi mukhang oo. Yung oo na pwede syang sumagot na, 'tanga ka ba? tinatanong mo pa kung galit ako, syempre galit ako.'

Kaya dun na lang ako sa hindi obvious.

"Bakit ka galit?" tanong ko.

Umiling lang si Gabriel. Hindi ko alam kung ibig bang sabihin nun ay hindi siya galit, o na-shrug off lang ang tanong kong pinag-ipunan ko ng lakas ng loob.

Nakabalik kami sa mansion na iyun lang ang tanging conversation namin. Bakit ka galit? Iling.

Bumaba ako ng sasakyan. Nanatili ako sa

"Salamat, Gab," sabi ko. "Kita tayo sa Monday. Text kita."

Tumango si Gabriel. Hindi humaharap sa akin.

Tumalikod na ako. nakahakbang na, pero wala pa rin siyang imik. Hinawakan ko na ang pinto pero wala pa rin siyang paramdam.

Ambigat-bigat pala sa dibdib nito. Ako yung tumalikod pero parang ako yung tinatalikuran. At kapag naglakad ako palayo, parang may maiiwang takot sa akin, dahil baka wala akong mabalikan.

Kaya hindi muna ako humakbang. Tumalikod ako at bumalik sa sasakyan. Umupo. Sinara ang pinto.

Ilaw lang ng kotse ang bukas habang nasa harapan kami ng mansion ni Tito Raul. Maaari siyang lumabas kahit anung oras, pero atsaka ko na popreblamahin yun. Itong si Gabriel ang mas mahalaga.

Hinawakan ko ang binti ni Gabriel tulad nang paghawak niya sa aking binti palagi. Pero nanatili pa rin ang kamay niya sa manibela, ang mga mata sa kalsada. Hindi niya hinawakan ang aking kamay.

"Mas mahalaga ka, Gabriel," sabi ko. "Pero kailangan ko munang harapin si Jessie. Huwag mo sanang isipin na inuuna ko na naman siya. Alam ko, kahit biglaan, nakagawa tayo ng plano na aalis, at oo nasira rin yun agad-agad sa pagdating ni Jessie. Pero hindi si Jessie ang inuuna ko..."

Bago pa ako makapagpatuloy ay hinawakan na niya ang kamay ko.

"I understand, but that doesn't make it okay. " sabi ni Gabriel.

"Ang sakit-sakit kasi dito," tuloy ni Gabriel habang sinusuntok ang dibdib niya. "My heart's every beat calls for your name, but you just keep on walking away."

"Gab, huwag kang masaktan, please," sabi ko. "Hindi ako lumalayo sa iyo. Wala naman akong ibang pupuntahan."

"No," sabi niya na sa wakas ay humarap din sa akin. "Don't do those poetics with me. Just right now, you decided to go back here and go back to that Jessie. Kaya don't tell me na wala kang ibang pupuntahan dahil papunta ka na sa kanya... at inihatid pa kita. Fuck!"

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon