The One Where He Forgets

10.3K 317 29
                                        

CHAPTER 20

"You will be staying in my house," matigas na sabi ni Gabriel.

Nakasakay kami sa kotse niya at tulad ng dati, passenger seat ako at siya ang nagmamaneho. Nasabi ko na rin ang isang linggong delubyo ko sa bahay nina Jessie. 

Galit na galit si Gabriel. Lulusob na sana siya papunta sa bago naming bahay, pero napigilan ko siya. Ayoko nang palakihin ang issue. Bumalik na lang kami sa campus para magpakalma.

"Opo," pagsang-ayon ko sa gusto ni Gabriel. 

Nakakatakot kasi ang tono niya. Sa unang pagkakataon, napaka-authoritative niya.

Napansin niya ang gulat ko sa pagkakasabi niya. Huminto muna siya at tinanggal ang seatbelt. Niyakap ako.

"This is so unfair," sabi niya. "You don't deserve that."

"Salamat," sabi ko. 

Pero hindi na ako naiiyak o nalulungkot o natatakot. Ang yakap niya ang nagtanggal ng lahat ng iyon.

Pagkabitaw niya ay ibinalik niya ang seatbelt.

"Call tita," utos niya. "Tell her na hindi ka uuwi. Forever."

Iyun nga ang ginawa ko.

"Kabago-bago lang natin dito, hindi ka na agad uuwi?" iyun lang ang sagot ni Mama. 

But of course may kasundo pa iyun matapos nang isang mahabang pag-iisip.

"Para namang pinapa-feel natin kay Tito Raul mo na ayaw mo dito sa kanila," tuloy niya.

Ayoko naman talaga, gusto ko sanang sabihin, pero hindi ko naman iyun madedepensahan

Nakabalik na kami ni Gabriel sa bahay niya. Nakaupo ako sa sofa. Samantalang nasa kusina si Gabriel. Naka-boxer shorts na at apron. Kailangan bang ganito ang nakikita kong lalaki sa harap ko habang kausap si mama?

"Isang linggo pa lang tayo dito, they are very welcoming. Kahit si Je-Ar, iniwan muna ang boarding house just to complete our new family," tuluy-tuloy na sabi ni mama. "Anung idadahilan ko, sad kasi ang anak ko dito?"

"Hindi na ma, tapos na tayo dun," sagot ko. "Nalalayuan lang ako sa Paranaque."

"Kaya nga sasabay ka kay Jessie."

"Wala akong helmet."

"Bumili na si Jessie para sa'yo!"

"Ay, gusto na niya akong ibangga?'

"Ano?"

"Wala po, Ma."

"Ay umuwi ka," sabi ni Mama. "Sige, palipas ka muna diyan nang gabi, pero bukas, umuwi ka na."

"Ma, hindi pwede."

"Bakit hindi?"

"Finals week na kami Ma," totoo ang finals week, pero ang dahilan, hindi. "Yung pagre-review ko kakainin ng biyahe. Sayang naman."

"Alex," sabi ni Mama na may kakaibang tono sa boses. "Baka naman kung anung exam ang gagawin mo ngayong lingo. Kasama mo ba si Gabriel ngayon? Pakausap."

"Ma," tutol ko. "Wala ha. Huwag mo nga akong pag-isipan ng masama."

"Ay hindi kita pinag-iisipan, pero tigilan mo yan. Bata ka pa."

"Akala ko dati okay lang?" sagot ko.

"Dati yun. Ibang issue yung makikitira ka na sa bahay ng boyfriend mo."

"Ma," sigaw ko.

Napalingon si Gabriel na nagluluto. Napangiti habang hinahalo ang kung anumang niluluto niya sa kaserola.

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon