CHAPTER 7
Hindi pa ako agad nakatulog nang umuwi si Gabriel. Alas tres na rin yun pero hindi pa ako inaantok. Kaya binuksan ko muna ang desktop, facebook at hanap. Gabriel... Hindi ko pa pala alam ang apelyido niya.
Pinuntahan ko ang FB ni kuya, malamang naman friends sila. Friends nga sila. Gabriel Carlos. One friend in common. Add as friend?
Bakit ko naman siya-add as friend. baka tanungin pa ako ni Kuya. Maging issue pa.
Hanggang may mag-pop sa messenger.
"Why are you not adding me up yet?"
Tapos may lumabas na friend request. Gabriel Carlos wants to add...
Bakit niya ako ina-add?
Confirm? Confirm. Confirmed!
"You've confirmed my friend request. Now, let's chat."
"Kaka-open ko lang ng computer," sagot ko.
"Why still awake?" tanong ulit niya.
"Bakit andami mong tanong?"
"Ayaw mo?"
"Okay lang. Sige tanong ka lang."
"Actually, it wasn't easy searching for you. You aren't a Mendoza like Albert."
"Yup, Cruz ako, sa nanay ko."
"Antagal nating magkasama kanina, hindi mo pa nasabi."
"Kung sinabi ko, e di wala na tayong pag-uusapan ngayon."
"Ine-expect mo palang mag-uusap pa tayo ngayon. Bakit hindi mo pa ako in-add kanina?"
Ha? Give away ba ako? Bakit niya alam?
"Seenzoned na ba ako? Bawal mag-isip. Sagot lang nang sagot."
Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa screen nang matagal.
"Hindi ko nga pala alam number mo." Tanong ulit niya.
09159825136 binigay ko ang number ko.
Nag-ring ang phone ko.
"Okay, nakuha ko na ang number mo." Sagot ko. "Anung ilalagay ko?"
"Sagutin mo ang phone mo."
"Bakit?"
"Kasi nagri-ring?"
Hindi lang pala ito miscall. Natapos ang chat namin.
"Hello." Sagot ko.
"Hello," Sabi ni Gabriel.
"Kuha ko na ang number mo, anong ilalagay kong pangalan."
"Boy pogi."
Natawa ako.
"Ang kapal!" sabi ko. "Gabriel Carlos."
"You have my full name naman, why did you not add me up in Facebook?"
"Bakit ka English pag kausap, pero pag sa chat, Tagalog?"
"I'm practicing my Tagalog," sabi ni Gabriel. "But don;t change the topic, why did you not add me up?"
"Mag-chat na lang tayo," sinubukan kong baguhin ang usapan. "Kung napansin mo kanina, hindi ako sanay magsalita."
"Sasanayin kita like sinasanay ko ang self kong magtagalog."
"Ano?"
"Chats gives you time to filter your thoughts," sabi ni Gabriel. "But when we are actually talking, walang edit-edit ng conversation."
BINABASA MO ANG
Oh Boy! I Love You!
Подростковая литератураBuong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si Jessie. Ang problema, pagtungtong ni Alex ng college, senior nya ulit si Jessie. Mabuti na lang at nakilala ni Alex ang antidote, si Gabriel...