CHAPTER51
"Nasaan ako?"
Naramdaman kong may mga daliring nakapagitan sa aking mga daliri. Malabo ang paligid habang unti-unti akong dumidilat. Medyo naguguluhan ako. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Naging pamilyar na lang ang lahat nang mapansin ko ang green na telang nakapalibot sa akin. Ang puting kama na may bakal na frame. At ang ilaw. Infirmary ito.
Tiningnan ko ang kamay ko. At ang kamay na may hawak dito. Si Jessie.
Agad kong binawi ang aking kamay. Napaatras din ako. Nakaramdam ako nang kaunting kaba. Minsan naaalala ko pa rin na binubugbog ako ng lalaking ito. Pero agad na rin iyong nawawala. Naalala ko rin kaagad na iba na ang dahilan kung bakit niya ako nilalapitan.
Sa ala-alang iyon, lalo akong lumayo. Pero hindi takot ang dahilan. Inis. Galit. Poot.
"Bakit ba ayaw mo na lang akong layuan?" sabi ko.
Mahina ang boses ko pero naramdaman kong nagtiimbagang ako. Naiiyak ako sa galit.
"Hinimatay ka," sabi ni Jessie.
"At ano?" sabi ko, habang unti-unting nagbabalik ang nangyari sa maiinit na kalsada. "Ikaw ang tagapagligtas ko? Hindi ikaw Jessie, hindi ikaw?!"
"Bakit ka ba galit na galit?" tanong ni Jessie.
"Lapit ka kasi nang lapit?" sagot ko. "Sinira mo ang buhay ko noon, piatawad kita. At ngayon, nandyan ka pa rin, sinisira mo pa rin ako."
Halata kong hindi naiintindihan ni Jessie ang mga sinasabi ko.
Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil may humawi sa green na kurtina. Si Mama, lumapit sa akin at yumakap. Nakasunod sa kanya si Daddy.
"Sobrang init daw po, Ma... Tita... Ma'am," sabi ni Jessie. "Baka gutom daw siya o puyat o parehas."
"Doktor ka ba?" taong ni Mama. "Salamat sa pagtawag sa akin, Jessie. Pwede ka nang umalis."
"Ikaw si Jessie?" nakita ko ang galit sa mata ni Daddy.
Napaatras si Jessie. Pero maliit ang lugar namin. Nahawakan pa rin siya ni Daddy sa collar. Nakaambang sasapakin.
Nakita ko ang ngiti ni Mama.
"Daddy, huwag na po," mahina, pero may igting kong sinabi.
Binitawan ni Daddy si Jessie mula sa kanyang pagkakapitsara.
"Umalis ka na lang at huwag kang magpapakita sa akin," sabi ni Daddy. "Pagbubuhulin ko kayo ng tatay mo."
Lumapit sa akin si daddy.
"At ikaw Alex," sabi niya sa akin. "Hindi kita pinagsasabihan dahli alam kong wala akong karapatan. Pero pagagalitan kita ngayon. Kapag may nananakit sa iyo, huwag mong sasarilinin. Sabihin mo sa amin, o sige, kahit sa nanay mo na lang. Hindi namin kakayanin na may mangyaring masama sa iyo. At kung may taong gagawa nun sa'yo, mananakit sa'yo. Uunahan namin yung taong yun. Hinding-hindi kami papayag na masaktan ka nila."
Hindi ko napigilan ang luha ko . Ang haba ng speech ni Daddy. Sinubukan kong huwag pansinin pero hindi ko maiwasan. Tama siya. Pinilit kong hindi umiyak dahil ayokong tama siya. Pero ko kaya.
Tumango na lang ako.
Dumating ang doctor at kinausap ako at sina Mama at Daddy. Matapos ang ilang pirmahan, proseso. Pinalabas na kami.
Sa unang pagkakataon, kahit sa image lang, nakita kong buo ang pamilya ko. Ako ang nasa gitna habang nasa magkabila ko sina Mama at Daddy, naglalakad papalabas ng infirmary.
BINABASA MO ANG
Oh Boy! I Love You!
Ficção AdolescenteBuong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si Jessie. Ang problema, pagtungtong ni Alex ng college, senior nya ulit si Jessie. Mabuti na lang at nakilala ni Alex ang antidote, si Gabriel...