The One With the Fast Ride

9.8K 325 55
                                    

CHAPTER 22

"Kumapit ka," sabi ni Jessie.

Pero hindi ko iyun sinunod. Kumapit ako sa likod ng motor at sinubukang panatilihin ang balance ko kahit weird ang posisyon ko.

Si Jessie naman parang nanandya. Lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo. Ilang beses ako muntik na malaglag pero tinibayan ko lang ang kapit ko.

Pero nang sobrang bilis na, hindi ko nakayanang kumapit. Napabitaw ang kanang kamay ko at napahawak ako sa bewang ni Jessie. Agad kong binawi ang kamay ko ngunit hinawakan niya ito at idinikit sa katawan niya. Wala na akong nagawa. Ikinapit ko na rin ang kaliwa kong kamay kay Jessie. Sa ganitong posisyon, pinanatili ni Jessie ang mabilis niyang pagpapatakbo ng motor.

Hanggang sa huminto kami sa stoplight. Doon ko lang muling narinig ang pag-ring ng aking telepono.

"Akin na 'yan," utos ni Jessie.

"Ayoko nga," sabi ko.

"Iiwan kita dito."

Napalingon ako sa paligid. Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito. Hindi ko alam. Wala rin akong pera, Friday na, ubos na ang baon ko, wala akong pang taxi. Hindi rin ako makakabalik kay Gabriel. Iniwan ko siya.

Bago pa ako makapagdesisyon, bumaba si Jessie sa motor at kinuha ang telepono ko. Pinatay niya ito at ibinulsa.

Muling umandar ang motor sabay sa pag-green ng stoplight.

Mabilis akong bumaba sa motor pagkahinto nito sa loob ng bakuran ng bahay nina Jessie. Hinubad ko ang helmet at iniabot kay Jessie. Hindi niya ito pinansin. Ang humahangos na kasambahay nila ang kumuha ng helmet at nagmamadaling nag-aya sa akin.

"Sir dun po sa kwarto," sabi ng kasambahay.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni ate, pero sumunod na lang ako sa kanyang paghangos. Dumeretso siya sa loob ng bahay, umakyat patungo sa kwarto nina Mama at Tito Raul. Napahinto lang ako nang huminto si ate at binuksan ang pinto. Hindi siya tumuloy. Nakatingin lang siya sa akin, hinihintay na pumasok ako. Iyun naman ang ginawa ko.

Muling napabilis ang pagkilos ko nang makita si Mama na nakahiga sa kama. Tumingin sa akin na parang nanghihina.

Agad akong lumapit kay Mama, naupo sa kama, sa tabi niya. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Mamamatay na yata ako," sabi niya.

"Anung meron, ma?" tanong ko.

"Nasa trabaho ako kahapon nang bigla na lang akong nahilo at nawalan ng malay," paliwanag ni Mama na may namumuo pang luha sa mga mata. "Tapos hindi ko na alam ang nangyari Nagising na lang ako, nasa clinic na ako, at sabi ng doctor..."

"Overfatigue," narinig ko si Tito Raul na kapapasok lang sa kwarto, parang wala lang ang pagkakasabi.

"Anu ba'yan, Raul," sabi ni Mama na naging singlamig na rin ng tinig ni Tito Raul ang boses. "Nagda-drama pa ako, eh."

"Veronica, okay lang kung ako lang ang dramahan mo," sabi ni Tito. "Pag-aalalahanin mo pa ang anak mo."

Bumaling sa akin si Tito Raul.

"Alex, nasobrahan sa pagta-trabaho ang mama mo," sabi ni Tito Raul sa akin. "Parang hindi sanay na hindi ka nakikita, hindi sapat na ako lang ang kasama niya, iyan, ginugol ang pagkamiss sa iyo sa trabaho."

"Ma?" sabi ko. "Hindi mo naman kailangang gawin yun."

"E name-miss kita, eh?" sabi ni Mama. "Mapipigilan ko ba 'yun?"

"E di sana tinawagan mo ako?" sabi ko.

"Tapos sasabihan mo ako na malaki ka na, kaya mo na, huwag na kitang kulitin, hindi mo na ako kailangan..." tulut-tuloy na sabi ni Mama.

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon