CHAPTER46
"Pasado ako."
Iyun ang hatol ko sa sarili ko. Nagsinungaling ako. Niloko ko ang sarili. Pero hindi mali ang ginawa ko. May bahagi nang mga sinabi ko ang totoo.
Marahil ay bumibigay ang katawan ko sa pang-aakit ni Jessie. May timbang na rin siya sa aking puso. Pero alam ko, sa isip ko, kay Gabriel lang ako. Kay Gabriel ko lang isusuko ang aking pagkatao, at kay Gabriel ko lang ihahain ang puso ko. Kung may kahati man siya dito, kundi man kaya nang biglaan, uunti-untiin ko. Aalisin ko.
Pumili na ako.
Mas mahal ko ang bumago sa akin. Ang nagpakilala sa akin kung sino ako at kung saan ako masaya. Si Gabriel ang nagligtas sa akin mula kay Jessie.
Siya ang nagtayo sa akin noong nakasadsad ako sa lupa, putikan at bugbog mula sa pananakit ni Jessie. Siya ang nagtago sa akin nang gugulpihin ako ni Jessie sa CR. Siya na nagpasakay sa akin sa kotse noong habulin ako ni Jessie habang umuulan.
At kahit nakita ni Jessie ang aking pagsisinungaling. Kung hindi man makatotohanan ang pagkakarinig ni Gabriel sa akin sa telepono. Magiging totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya.
"Pwede rin naman kasing kinukumbinsi mo lang ang sarili mo, pwede yun, ganun yun minsan," sabi ni Sir Cabalfin. "Yung totoo, ano ba talaga ang gusto mo? Ano bang pumipigil sa'yo?"
"Mahal ko po si Gabriel," sagot ko. "Hindi pa ba sapat yun?"
"Sapat," sabi ni Sir. "Eh ano bang ginawa ni Jessie at iniisip mo pa rin siya?"
Napaisip ako habang naglalakad kami ni Sir pababa ng building. Hinintay ko ulit matapos magpacheck lahat ng classmates ko bago ko ipasa kay Sir ang revised final plates. Tapos iyun, hingi ulit ako ng payo. Hindi ko naman alam na matapos ang mga payo, may mga tanong pa si Sir sa akin na kailangan ko na namang pag-isipan.
"Wala," sagot ko.
"Wala siyang suot," sabi ni Sir. "Yan ang sabihin mo. Kung nalaglag kaya ang twalya niya habang tinitikman niya ang bacon mo, hindi ka kaya napadamba sa katawan niyang kung idescribe mo kanina ay parang Lupang Hinirang. Namemorize mo ring masasabi."
"Nagtanong ka kasi Sir. Kung di mo naman tinanong, hindi ko naman sasabihin yung mga detalye."
"Okay," sabi ni Sir. "Eh bakit nga ba kasi binibigyan mo pa ng chance ai Jessie na mapalapit sa iyo? Hindi ka na lang bumalik sa bahay ni Gabriel."
"Cool off nga kami. Nakakahiya namang isiksik ko ang sarili ko..."
"Kung gusto mo talaga, huwag kang papigil, walang hiya-hiya," untag ni Sir.
"Nahihiya talaga ako," sabi ko. "Sinarhan na nga niya ako ng kotse. Ayokong masarhan din ng pinto."
"E bakit hindi mo subukang tumira sa kuya mo?" tanong ni Sir.
"Ayokong maipit si Kuya. Damay nga siya dito dahil kapatid niya ako at bestfriend niya si Gab, pero hanggang doon na lang. Kapag tumira ako kay Kuya. Mapipilitan yung maging tulay para magkabati kami."
"Ayaw mo ba nun?"
"Hindi yun ang gusto ni Gabriel. Ako ang may problema, ako ang sosolusyon."
"Sinabi ba yun ni Gabriel?" tanong ni Sir.
"Hindi po."
"Bakit ka assuming?"
"Ito po ang nararamdaman kong dapat kong gawin. Alam kong nasa tamang direksyon ako, Sir," sabi ko. "Kung hindi, hindi na sasagutin ni Gab ang tawag ko. Wala ng chance siyang ibibigay."
BINABASA MO ANG
Oh Boy! I Love You!
Novela JuvenilBuong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si Jessie. Ang problema, pagtungtong ni Alex ng college, senior nya ulit si Jessie. Mabuti na lang at nakilala ni Alex ang antidote, si Gabriel...