CHAPTER 16
Something has changed within me. Something is not the same. I'm through with playing by the rules of someone else's game...
"Anung kanta yan?" tanong ko kay Gabriel.
Hindi ko alam ang tumutugtog sa kotse niya. Parang may bagong playlist si Gabriel dahil magi-isang buwan na rin akong sanay sa mga kanta niya, ngayon may bagong tunog.
"Parang narinig ko na, pero parang hindi," dugtong ko.
"Wicked," sagot ni Gabriel. "Defying Gravity. Kinanta din yan sa Glee, kaya ka familiar."
"Wow parang sinabi mo namang wala akong alam sa mga musical," sabi ko.
"Sorry," sabi ni Gabriel.
Natawa ako.
"Joke lang, wala talaga akong alam," sabi ko.
Dumating kami sa bahay namin. Sa tapat na rin kami nagpark. Nandoon pa rin ang mga karpentero, nananghalian na. Niyaya nila ako, pero tumanggi ako. Ngayon ko lang napansin ang mga karpenterong nakahubad na kumakain. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala sila. At ang mga katawan nila, kahit payat ay namumugto ang mga muscles. At napansin ko, fuck, nagiging bading na yata talaga ako.
"Kain, Alex," sabi ng isang mukhang bata pa, siguro siya ang anak nung matandang gumagawa. Tatlo lang naman sila, yung isa, yung pinsan niya.
"Sige, salamat," sagot ko.
"Alex," bulong ni Gabriel. "Nakatitig ka. Kumakain sila, hindi sila ang pagkain."
"Sorry," sagot ko.
Dumeretso kami sa loob ng bahay.
Wala na'ng mga gamit.
Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko. Wala na rin.
Kinuha ko ang telepono ko.
"Hello Ma!" sabi ko nang sumagot si mama. "Ma, nanakawan ba tayo? Wala ang mga gamit ko? Ang kama ko, ninakaw?"
"Hindi ninakaw ang kama mo, nandito na sa bahay ni Raul," sagot ni mama.
"Alam kong hindi mananakaw yun, pero bakit nandyan?"
"May uupa na diyan sa bahay natin pagkagawa, ditto na tayo kina Raul titira."
"Ambilis naman?"
"Mas maaga may tumira, mas maaga tayo may kita," sagot ni mama.
"Hindi mo man lang ako hinayaang magluksa?"
"O, mukhang nandyan ka na naman, sige na, halikan mo na lahat ng sulok ng bahay, magpaalam ka na. Tapos sunduin na lang kita sa apartment ng kuya mo."
Umupo ako sa isang sulok ng kwarto ko matapos ibaba ni mama ang phone.
Tumabi sa akin si Gabriel.
Minasdan ko ang bawat sulok ng kwarto kong wala na ngayong laman. Ang luwag. Hanggang sa humarap ako kay Gabriel na nakatingin sa akin.
"Sad?"
"Hindi ko alam," sagot ko. "Siguro."
"It will be okay," sabi ni Gabriel.
"Alam ko. Ang dami lang nagbabago sa akin. Kahapon, kanina, o mula nung makita kita, alam kong may mababago sa akin. Noong una, hindi ko alam kung gusto ko iyun, pero kagabi, kanina, alam ko, gusto ko na. At masaya ako na gusto ko 'yun."
"And I am very hapy to hear that," sabi ni Gabriel. "This would have been very romantic kung hindi patay si lola..."
"At hindi ako magpapaalam sa kwarto kong ito."
BINABASA MO ANG
Oh Boy! I Love You!
Teen FictionBuong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si Jessie. Ang problema, pagtungtong ni Alex ng college, senior nya ulit si Jessie. Mabuti na lang at nakilala ni Alex ang antidote, si Gabriel...