[ Chapter 32]
( Jasmine's POV )
Iminulat ko ang mga mata ko, Inilibot ang tingin sa kinaroroonan at napabuntong hininga.. Nandito ako ngayon sa isang papag, nakahiga. Ano nga ba ang mga nangyare? ...
Teka bakit nandito ako? Napabalikwas ako sa pag kakahiga at tumayo, Nasan si Rafael? B-bakit wala sya dito? Pumunta ako sa kinaroroonan ng pinto at inaasahang mabuksan ito, pero nagkamali ako, nakakandado ito.. Hindi ko na mapigilan ang sarili sa pag-alala, Si Rafael? Asan sya?
Buong pwersa kong itinutulak ang pinto, pero Hindi ko pa rin mabuksan.
"Rafael!! ,asan ka?" -- sigaw ko
"Miss pwede ba! Tumahimik ka!? - galit na sigaw sakin ng isang lalaki na nasa labas.
" parang awa nyo na, wag nyong sasaktan ang kasama ko" pagmamakaawa ko.
" Kung ayaw mong masaktan! pwes, tumahimik ka!" sabat ng lalaki
"Kuya, nasan yung kasama ko, nagmamakaawa ako, wala po kaming kasalanan" sabi ko naman
Bigla tumahimik ang kausap ko, narinig ko rin ang isang yabag ng paa na palapit sa kinaroroonan ko, bigla akong napaurong.
Nabuksan ang pinto at nakita ko si Rafael na hirap na hirap, akay- akay ng dalawang kawatan..Ang mukha nya puro sugat at bugbug, halos di ko na sya makilala, sa mga pasa sa mukha, puro dugo ang damit nya,naawa ako.. agad ko syang nilapitan ng bitawan sya ng dalwang lalaki.
"Ra-rafael" naiiyak kong sabi, naawa ako sa sinapit nya .. wala akong magawa.
Napatingin sya sakin, hinaplos ang mukha ko at ngumiti kahit hirap na hirap na, at dun ako napahagul-gul..
Bakit sya ang laging napaparusahan,sya ang laging nahihirapan? ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, sakin lahat nagsimula..dapat ako ang nahihirapan! bakit lagi nya akong sinasalo? Bakit?
Patuloy pa rin ako sa pagiyak, nagulat naman ako ng Iginalaw nya ang kanang kamay nya at ipinuwesto sa mga pisngi ko, pinupunasan nya ang luha ko at binanggit ang katagang..
"W-whatever happens, I-I will protect you"
Pagkatapos nun ay napapikit sya at sumandal. Ako naman, heto nakatitig sa mukha nya, wala na naman akong magagawa.. ganito lang ba ang role ko sa buhay nya? Napaka wala kong kwenta, Pumatak ulit ang mga luha ko.. Hindi ko kayang tingnan syang ganyan, nahihirapan dahil sa kagagawan ko.
Ilang minuto ang katahimikang namayani samin ng biglang may pumasok, nagulat ako.. Isang matandang babae, t-teka.. may babae silang kasama?
"I-iha, nasan sya ng magamot ko?" tanong nya.
Itinuro ko naman ang kinaroroonan ni Rafael, may dala syang isang planggana na may lamang kung ano-anong dahon.
Hindi ko pa rin maintindihan, may babae silang kasama? sino ba tong mga ito? bakit nila kami hinuli?
"mga NPA kami, Rebelde kung tawagin ng mga taga patag"
nagulat ako ng sabihin nya iyon, habang ginagamot si rafael.. kung ganun, nasa kuta kami ng mga rebelde?
"alam nyo na siguro kung bakit naman ito ginagawa" sambit pa nito
"p-pero hindi ko po maintindihan, wala kaming kasalanan, H-hindi po kami sangkot sa mga nangyareng kaguluhan sa pagitan nyo" sagot ko naman
"sigurado ka bang, wala talaga?" tanung nya sa akin.
Napakunot ang noo ko sa tanung nyang iyon. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa matapos na nyang gamotin si Rafael.
BINABASA MO ANG
Chances for my Prince [ On-Going Series]
Novela JuvenilWhat if dahil sa kagustuhan mo na makuha ang isang tao na hindi naman pala para sayo, hindi mo namamalayan na lahat ng nakapaligid sayo ay unti unti ding nagbago. All things turn to be complicated, and your life was one of it.. Ipagpapatuloy mo pa b...