Chapter 33 - Always Here

92 3 1
                                    

[Chapter 33]

( DJ's POV )

matapos kung sabihin kay Erich ang mga katangang iyon, bigla na kang kami nakarinig ng isang putok ng baril..

" Erich! dapa!" madali kung sigaw sa kanya, agad naman kaming dumapa!

Shit! ano bang nangyayari, naguguluhan na rin ako. May gera ba ngayon?

"D-Dj! natatakot ako" sabi ni erich habang mangiyakngiyak na nakadapa ..

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya, at ramdam na ramdam ko ang panginginig nito..

"Don't worry! I will protect you" sagot ko naman.

Nang tumahimik na sa paligid, agad kaming tumakbo. Humanap ako ng pwede naming pag taguan. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang isang malaking bato, malapit na malapit lang sa kinatatayuan namin.

"Erich, dito tayo" dinala ko sya sa isang malapad na bato ..Kaya heto kami ngayon nakaupo . Napatingin ako sa kanya, umiiyak sya habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

"O-okey ka lang?" Hinahawakan ko sya sa dalawang balikat at pinunasan ang mga luha nya.

" I'm here, Hindi kita pababayaan" mahinang sabi ko sa kanya..

Tumango lang sya sakin.

(Jasmine's POV)

"Hayup ka! san mo ko dadalhin! BITAWAN MO KO!"

pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sakin, pero lalo nyang hinigpitan ito.

"tumahimik ka kung ayaw mong sayo ko to ibaril" sabi nya sakin habang tinutuk ang kalibre kwarentang baril .

Natakot ako bigla kaya naman tumahimik na lang ako at umiyak! Nanginginig pa rin akong hinihigit sa isang damuhan.

"wag kang maingay!" babala pa nya sakin ng tumigil kami sa isang malaking puno.

Takot na takot , Gulong gulo na rin ng isip ko, Hindi ko alam ang gagawin ko. Si rafael, kaylangan ko syang balikan, baka kung ano nangyare sa kanya.. Napapikit ako. at nagdasal.

"Lord, Please help us, wag nyo po kaming pababayaan,huwag nyo pong hahayaan na magtagumpay ang may kasalanan" mahina kung sabi.

Pagkatapos kung banggitin iyon ay, bigla kong narinig ang sunod sunod na putok ng baril. Nakikipag palitan ng putok ang kasama ko sa mga sundalo..

Nakakabinging ingay! Lalo akong natatakot, Parang hindi ko na kayang tingnan ang mga nangyayari, mga granadang pinapasabog nila! Mga iba't ibang klase ng baril na ginagamit nila sa pagpapatayan! Kaylangan kong umalis sa kinatatayuan ko. Kaylangan kong makatakas sa kamay ng lalaking ito.

Mga ilang saglit pa ang nakaraan ng hatakin na naman ako ni Leo at tumakbo, nagpalipat lipat kami ng puno na pagtataguan!

"parang awa mo na! pakawalan mo ko" pagmamakaawa ko sa kanya.

"hindi ako gago para gawin yun! Gagawin ko ang lahat makaganti lang ako sa mga hayop na yan" sagot nya habang nanlilisik ang mata sa galit.

"Wala kaming kasalanan, please" sagot ko

"Puta! Kung di ka pa tatahimik! uunahin na talaga kita" galit na sabi nya.

"Sige! patayin mo na lang ako!" sabi ko naman!

Mas okey pang mamatay na lang ako kaysa masaksihan ang mga nakikita ko, tutal ako naman ang dahilan kung bakit pati kami ni Rafael ay napunta sa ganito.

" Huwag mo kong subukan miss" at itinutok nya sakin ang baril nya.

Napapikit ako ng mata! Siguro hanggang dito na lang. Sana maging masaya ang mga mahal ko kahit wala na ko, sana mapatawad nila ako sa lahat! at kahit nasa kabilang buhay na ko hindi ko makakalimutan ang taong nagpasaya at nagbigay sakin ng inspirasyon. Rafael paalam!

"BANG!!!!" ( tunog ng baril, sarey naman! yan ang alam kung tunog e hahah)

Napaluha ako, napaluha ako sa mga nakita ko... nahihirapan din ako sa paghabol ng hininga, parang gusto ng katawan kong bumigay, nanlalambot na din ang mga tuhod ko.... Iginala ko ang mga mata ko! nang mahagip nito sa di kalayuan si Erich, umiiyak itong nakatingin sakin.. nakatingin na may halong pagkabigla!

---------

Chances for my Prince [ On-Going Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon