[ Jasmine’s POV]
“R-rafael… m-may tao” – pag aalanganing gising ni jasmine kay Rafael..
Iminulat naman ni Rafael ang mata nya.. at nabigla sya sa nakita .. naka tutuk sa kanya ang isang baril na hawak ng isang hindi masyadong katandaang lalaki , napatingin naman sya kay jasmine na hawak ng dalawang tao na armado.. hirap na hirap ito, at nagpupumiglas!
“a-anong kaylangan nyo? Bitawan nyo-----*bogggssh*” hindi na natapos ni Rafael ang kanyang sinabi ndahil nawalan na ito ng malay-tao, dahil sa malakas ng hampas mula sa ulo.
“RAFAEL!!!!!!!!! *sob* ,bitiwan nyo ko …” – pagmamakaawang sabi ni jasmine
“dalhin nyo yang mga yan!” utos ng isang lalaki
Habang tinatahak ni Jasmine ang daan, hindi nya maiwasan na hindi tumingin kay Rafael, habang buhat buhat ng mga kawatan..
“manong, parang awa nyo na, pakawalan nyo po kami.. wala po kaming kasalanan” muling pagmamakaawa ni Jasmine habang hawak hawak pa rin sya ng mga rebelde.
“tumahimik ka! Kung ayaw mong masaktan!” sigaw ng nasa kanan nyang lalaki.
Wala ng nagawa si jasmine kaya, umiyak na lang sya ng umiyak..
-SA KUTA NG MGA REBELDE-
“igapos ang mga bihag!” utos ng isang lalaki
“opo, komander” sagot naman ng isa..
“Sige, igapos yan!”
“parang awa nyo na po.. huhuhu, paalisin nyo na kami, y-yung kasama ko T____T” – sabi ni jasmine
“ kasama mo? Hahaha! Wag kang mag-alala iha, magkasama kayung igagapos” sabat naman ng isa
At itinali nga sina Jasmine sa isang kubo na walang laman, kundi isang lamesa..
“ohh ayan! Tapos na” sagot ng isang lalaki at isa isang umalis, hanggang sa matira na lang sina Jasmine..
“ra-rafael.. *sob* gumising ka.. uiiii, *sob* n-natatakot ako, kasalanan ko ang lahat ng to,”
Napaupo si Jasmine, umiyak lng sya ng umiyak.. alam nyang wala ring mangyayari sa kanila, ni hindi nga nya kayang matulungan si Rafael, damay lang sya sa kagagahang pinaggagagawa nya.
Matapos yun, ay unti-unting pumikit ang mga mata nya, dala na rin sa kakaiyak at sa matinding pagod sa paglalakad..
[ DJ’s POV]
Tingnan mu tong babaeng to, nakatulog na din.. t—teka diba, may kinukwento to sakin.. patay tayo nyan! Hahaha.. nakatulugan ko, aawayin na naman ako nito panigurado.. mabuti pang maghanap muna ako ng kakainin naming, sobrang gutom na ko, Hindi pa to nagrereklamo pero, If I know .. gutom na rin yan.
Lumabas ako ng kubo, maganda ang sikat ng araw! Buti na lang at mabuti na yung pakiramdam ko.. Inalagaan nya kase ako ( napangiti) teka nga’t makapag hanap ng makakain.. I feel so hungry, I know hindi ako laking Boy Scout, but I learned some things, that in case na maka encounter ako ng ganitong sitwasyon mabubuhay ako..
Kaya naman heto, naglakad lakad ako.. malakas naman ako mag memorize kaya, go lang ng go, ( sablay nga lang nung nawala kami ni Erich dito -___- sa sobrang katarantahan, hindi ko na nasaulo yung doon, pasaway kasi yung babaeng yun)
BINABASA MO ANG
Chances for my Prince [ On-Going Series]
Fiksi RemajaWhat if dahil sa kagustuhan mo na makuha ang isang tao na hindi naman pala para sayo, hindi mo namamalayan na lahat ng nakapaligid sayo ay unti unti ding nagbago. All things turn to be complicated, and your life was one of it.. Ipagpapatuloy mo pa b...