//Steven Adrian Reyes's POV//
Three days nalang before pasukan. Tsk! Mukhang magkikita nanaman kami ni Ma'am Arellano ah? Sino si Ma'am Arellano? Guidance Counselor namin. Oo. Suki ako ng guidance office! Lagi akong nasasangkot sa mga away-away at bugbugan! Tsk. Andaming kasing asungot na sisiga-siga dun na akala mo naman ay magaling. Pag nakipagsuntukan naman sakin lelembot lembot. Kainis!
"Lalim ng iniisip mo anak ah? Basketball tayo maya?" sabi sakin ni Daddy saka siya umupo sa tabi ko.
"Ayoko Dad." Ang init init nga kasi sa labas tapos paglalaruin pa ko ng basketball. Mag-iinit lang ulo ko.
"Tinatamad ka nanaman? Tsk. As Usual! Anu pa ba ang bago?" sabi ni Dad. Alam naman pala tapos magtatanong pa. -_-
"Alam mo naman pala Dad eh! Nagtanung ka pa" sabi ko. Ganito ang samahan namin nila mommy. Parang magkakatropa lang din. Pa-bagets kasi mga magulang ko eh.
Lumapit saakin si mommy saka niya hinila ng mahina ang ilang hibla ng buhok ko.
"Alam mo ang cold cold mo! Ikaw bata ka! Gangster ka ba? Ha?!" sabi saakin ni Mommy habang nakapamewang.
"Hindi! Gangster?! Tssss. Bad boy pwede pa!" sabi ko. Gangster? Korni!
"Tsk! Tignan mo, Yhan! Nagmana yata kay Jenessa to! Sabi ko kasi sayo eh! Wag mo ng pag-initan si Jenessa eh." sabi ni Dad. Sino namang Jenessa yang pinaguusapan nila?! Andami nilang laging pinaguusapan na di ko kilala.
"Ewan ko sayo! Manahimik ka na nga lang kung wala kang matinong sasabihin!" Sabi sainyo eh. Pa-bagets sila. Feeling nila kasing edad nila ako.
"Alam niyo Mom and Dad masyado kayong pa'bagets" Parang iritang iritang sabi ko. Sa totoo lang, nakakainis naman kaai talaga. Tss.
"Anong sabi mo?!" sabi ni Mommy sabay poke ng tagiliran ko.
"Ang sabi ko po, masyado po kayong pa-bagets!" sabi ko.Pinoke nanaman ni mommy yung tagiliran ko. Ganito ang madalas na ginagawa sakin ni Mommy. Ginagawa akong baby. Kainis nga eh. -_-
"Ma! Di na ko Bata para ganyanin mo!" Iritang sabi ko. Umupo si Mommy sa tabi ko. Tapos pinoke ng pinoke ang tagiliran ko.
"Aba! Nagrereklamo ang baby boy ko!" Sabi sainyo eh. -_- Bwisit talaga kapag ganito si mommy.
"Ma! 16 years old na ko! Di na ko baby! Kainis naman eh!" sabi ko sabay hawi ng kamay ni mommy.
"Ang arte mo naman!" sabi ni Mommy. Palibhasa Only child ako kaya ganito si mommy eh. -_-. Aalis na nga lang ako! Gigimik ako magisa! Tumayo na ko sa sofa. Pumunta ako sa kwarto ko. Nagbihis na ko at kinuha ang backpack ko saka lumabas na ng kwarto ko
"Ma! Alis lang ako ah?" pagpapaalam ko. Pinagtaasan naman niya ko ng kilay.
"San punta?" sabi ni Mommy. Hula ko, pipigilan na naman ako nito. Lagi naman e. Ano pa bang bago? Sanay na ko sakanila pero sila hindi sanay sakin.
"Kahit san" sabi ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla akong pigilan ni Mommy.
"Balik! Hindi ka aalis! Dito ka lang!" Napakamot ako sa ulo ko. Bumalik ako at umupo sa sofa.
"Alis ka na lang ng alis!" reklamo ni Mommy. Di ko lang siya pinansin. Magiisip ako ng plano. Kailangan kong maka'alis sa boring na bahay na to. Ahh alam ko na! Tumayo na ako at kunwaring pupunta ng CR.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...