Chapter 18.2

3.9K 104 1
                                    

//Emerald Shanelle Libunao's POV//

"Salamat sa paghatid kahit pinagtripan mo ko kanina!" sabi ko sabay behlat kay Rainier at tinawanan lang ako ng loko. Nagwave na ko sakanya at sinarado na ang pinto ng kotse niya.

Pagkasarado na pagkasarado ko ng pinto ay agad siyang umalis. Papasok na sana ko nang makita ko si Marielle sa tapat ng gate na nakapameywang at nakataas ang kilay na kasingtaas ng Mt. Fuji.

"Una si Steven, tapos ngayon si Rainier. Ano bang gusto mong mangyari?!" Galit na galit na sabi ni Marielle na parang kaunting nalang, magbubuga na siya ng apoy.

"Wala." cold kong sabi sakanya at papasok na sana ko ng bigla niyang hablutin ang braso ko.

"Wag mo kong talikuran. Kinakausap pa kita" Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa braso ko.

"Aray! Anu ba?!" pagdaing ko sa sakit ng pagkahawak niya sa braso ko. "Alam mo ayos lang saakin tong paghawak mo ng mahigpit sa braso ko kung nakakabawas to ng fats ko sa braso. Kaso hindi e! Kaya bitiwan mo ko! Wala tayong dapat pag-usapan" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko at binanatan na siya ng layas. Wag lang sana niya ko isumbong kay Ma'am Mary.

***

"Really? Ang swerte mo talaga!" sabi ni Marianne habang nagtatatalon at inaalog alog ako. Kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari kahapon. Kakatapos ko lang ngayong maglinis ng bahay nila.

"Hala! Anong swerte dun? Eh pinagtripan nga ko" Kainis talaga yun. Parehas silang magpinsan. Lagi nalang akong pinagtitripan. Suntukin ko ngala ngala nila diyan e. Dejoke lang.

"Swerte ka padin kasi nakasama mo siya! Ako nga e, minsan lang. Sweet siya pero sa lahat naman yata ng babaeng kaclose niya, sweet siya" sabi ni Marianne sabay pout.

"Anong sweet?! Pinagtitripan nga ko tapos sweet?!" maya maya na lamang ay naalala ko yung inalok niya ko ng tubig. Hindi ba sweet yun? "Pero sabagay. Inalok niya ko ng tubig kahapon nung nasa gymnasium kami" sabi ko.

"Oh tignan mo! Sweet din pala sayo e! Di mo tuloy malaman kung sino ba talaga gusto niya" Nagpout nanaman siya. Tama si Marianne. Kung ganoon lang ang asal ni Rainier palagi, hindi namin malalaman kung sino ba talaga ang gusto niya.

"Kaya nga e. O siya, tulog na tayo. May pasok pa bukas." tumango lang si Marianne saakin at pumasok na kami sa mga kwarto namin.

//Steven Adrian Reyes's POV//

Nakahiga lang ako sa kama ko. Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ako makatulog. Pabiling biling na ko dito sa kama ko. Ewan ko ba pero nasa utak ko ngayon yung probinsyanang yun!

Kahit saan ako tumingin siya ang nakikita ko. Tangina! Ayaw ako patulugin! Insomnia ba to o ano?! Nabibwisit na ko ah! Ayaw niyang maalis sa utak ko! Nakakagago!

"TANGINA EMERALD! PATULUGIN MO KO UTANG NA LOOB!"

When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon