[Kinabukasan]
// Rainier Charlo Ferrer's POV //
Andito ako ngayon sa Jollibee at kumakain. Makikipagkita ako mamaya kay Ian. Gigimik kami mamayang hapon. Inagahan ko na ang pag-alis kasi ang boring sa bahay. Nakakaantok! Kasawa kayang matulog ng matulog.
"Akalain mo yun Dude! Ang isang bad boy at sisiga siga sa S.H.U sa Jollibee lang pala kumakain?" narinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko. Narinig kong nagtawanan ang mga kasama niya. Lumingon ako at hindi nga ko nagkakamali kung sino yun! Siya si Lawrence Delgado. Siya yung sisiga siga sa school na akala mo naman kung sinong magaling eh mukha namang taong gubat.
"Ikaw lang ba may karapatang kumain dito?" kalmang sabi ko. Syempre diba dapat cool lang para maasar siya. Asar talo naman yang ulikba na yan e.
"Aba! Siga ka ah?!" sabi niya sabay lumapit siya sakin at kinwelyuhan ako. Kinwelyuhan ko rin siya.
"Matagal na kong siga! Ngayon mo lang nalaman?! Ang tanga mo naman." sabi ko sabay bitaw sa kwelyo niya at tinulak ko siya ng malakas. Agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko. Paalis na sana ko ng bigla niya hawakan ang braso ko.
"Charlo! Di pa tayo tapos" sabi niya sakin. Anong Charlo?! Sinabi ko bang tawagin niya ko sa 2nd name ko?! Ang ayaw ko ay yung tinatawag akong Charlo!
"Rainier ang pangalan ko! Wala kang karapatang tawagin akong Charlo!" sabi ko. Aalis na sana talaga ako ng bigla niya kong iniharap sakanya at sinuntok ako. Agad naman akong bumawi ng suntok sakanya. Yung napakalakas na suntok. Bumagsak siya sa sahig. Nakita kong nagpapanic na yung mga tao pero binalewala ko lang siya. Bumawi siya ng suntok at ganun din ako. Sunod sunod ang pagsuntok ko sakanya. Agad namang tumulong yung 2 pa niyang kasama. Bumagsak na ko sa lapag at pinagtutulungan na nila ko.
Akala niyo magpapatalo ako sa mga ungas na to?! Asa! Agad kong sinipa ng malakas yung isa at sinuntok ko rin yung isa.Sinipa ko rin si Lawrence. Agad akong tumayo at binawian ng suntok silang tatlo. Bumawi naman ulit si Lawrence.
Biglang dumating yung guard at agad kaming pinigilan. Dumating na rin yung manager na parang iritang irita.
"What's Going On here?!" sabi nung Manager. Di namin siya sinagot. Tumingin lang kami ng masama sa isa't isa.
"Sa presinto nalang kayo magpaliwanag! Kakaloka ang mga kabataan ngayon!" sabi nung manager. Ang arte naman ng manager na to.
***
Hinihintay nalang namin ang magulang namin dumating. Tsk. Buti pa yung 2 pa niyang kasama nakauwi na. Gusto ko ng umalis dito! May lakad pa kami ni Ian eh.
Habang naghihintay ako ng himala ay biiglang dumating yung Mommy ni Lawrence na namamaypay at palinga-linga na para bang hinahanap niya yung anak niya. Ang lakas nga naman ng kapangyarihan ng gluta! Ang puti ng nanay nito ni Lawrence.
"What happened to you My Dear Son? Oh my gosh! Who did this to you ?! Kawawa naman ang gwapong face ng anak ko!" Shet! Ang arte ng nanay niya. -___- Buti nanay ko hindi ganyan. Kabwisit.
"Siya po Mommy!" sabi niya sabay turo saakin. Wtf?! Mama's boy ang putik! Lakas ng loob mang-away tapos mama's boy pala?! Shet! Katawa.
"You!! Bakit mo binugbog ang anak ko ha?! You bastard!!" sabi nung mommy niya saka lumapit saakin at hinampas-hampas ako. Di ko ininda ang sakit ng pag hampas nung mommy niya dahil mas masakita pang masuntok ni Daddy kesa dito e.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...