Chapter 11 - Representative

4.9K 119 7
                                    

// Emerald Shanelle Libunao's POV //

Nyets! Nakakabored! Kanina pa dada ng dada yung teacher namin pero mukhang wala naman yatang nakikinig eh. Nakakaantok magturo! Parang nanghehele. Ajujuju!

 "Ay Class! I Have an announcement! Next Week, We'll have a singing contest! I want Ms. Marianne Janelle Silvestre to be the representative of your section. Alam ko namang never pang natatalo yang si Marianne kaya siya ang napili ko. So, Marianne be ready ah!" sabi ni Ma'am kay Marianne. Huwaw! Magaling pala talaga kumanta si Marianne. Gusto ko ulit Marinig. Yiiieee! I want I want! Hihi. Enebeyen naka'shatol nanaman yata ako.

"Okay Ma'am" sabi ni Marianne. Bumulong ako sakanya. "Hey! Ikaw ah! Di mo sinasabi sakin na magaling ka pala kumanta! Pag uwi! Sample ha!" Tumingin siya sakin at kumindat lang ako sakanya. "Oo nalang" sabi niya. Nyehehehehe. Kunwari di ko pa naririnig XD

"Osige! Class, Class Dismissed." sabi ni Ma'am  sabay alis. At as usual nagkagulo nanaman ang mga kaklase namin. Inayos ko na ang mga gamit ko. 

"Hoy! Sa Saturday! Wag mong kalimutan. Susunduin daw namin kayo." sabi ni Steven saakin sabay alis. Wow! Ang ganda niyang kausap. -_- . Hindi pa man ako nasagot babanatan na ko ng layas? Grabe ah?

"Waaah! Ka'Excite yung sa Saturday! I'm sure magiging masaya yun!" sabi ni Marianne habang nagtatatalon. Seriously?! Siya lang ang excited.

Feeling ko gagawin akong alila nung ipis na yun! Tsk. Baka utus-utusan lang ako. Kaya di ako excited eh! Malakas talaga ang kutob ko na gagawin niya kong alalay niya. For his information katulong ako nila Marianne at hindi nila. Ay! Di pala niya alam yun.

"Ikaw lang ang excited!" sabi ko saka siya inirapan. Excited siya kasi andun si Rainier na crush niya. Ay Mali! Na crush naming dalawa. Hohoho! Di ko pwedeng kalimutan ang sarili ko. hihi. Teka! Parang nakashatol na ko! Kanina BadVibes tapos biglang nagswitch to goodvibes. Diba ang galing? XD 

"Taray mo talaga! Tara na nga!" Hinila niya ko bigla palabas ng classroom. Yehey! Uwian na. Hohoho. Pahinga naaaaa! Ay Mali! Wala pala akong pahinga. May trabaho pa pala ko. Nyetski! Sakit na ng buong katawan ko. Plus masakit pa yung ibang sugat na natamo ko dun sa pambubugbog saakin. Totally tortured na talaga ko. Kung hindi lang to para kila Nanay malamang tinigilan ko na to.

//Marielle Jenylle Silverstre's POV//

"Oh My Gosh! I'm So Happy! Ako nanaman ang representative!" sabi ko while clapping my hands.  Masaya kaya maging representative ng singing contest! It's like they're proud of you. Masarap kaya sa feeling na may proud sayo. OMG! I'm really happy! 

"Psh! Tapos si Marianne nanaman ang kalaban mo? Tapos talo ka nanaman?" sabi saakin ni Macey. GRR! Panira talaga tong babaeng to ng moment! 

"Alam mo masiyado kang panira e! Baka gusto mong ulit makita how a Marielle Jenylle Silvestre gets mad?!" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

"Psh! I'm just telling the truth. Totoo naman na lagi kang talo sa kapatid mo." Aba. Lumalaban na siya saakin! How dare her?! Ang kapal ng mukha niya ganituhin ang leader niya. I'm The one who made her a part of this group! Ako ang dahilan kung bakit siya sumikat then ito ang igaganti niya sakin?!

"Ha! Baka Gusto mong mawala sa THE QUEENs?! Tandaan mo! I'm The One Who made you a part of this group?! Ako ang dahilan kung bakit ka sumikat missy! Masiyado naman yatang makapal ang mukha mo para ganyanin ako." I pushed her ng malakas. Psh! Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Kung makapagsalita siya akala mo kung sino! Weak naman! Tsss. Binigyan ko siya ng death glare. Tumayo siya at pinagpag ang palda niya. 

"K.Fine! I'm Just telling the truth tapos magagalit ka. Hay! Kung hindi lang kita bestfriend baka kung anu na magawa ko sayo!" sabi niya saakin.

" I Don't Care! Psh!" Inirapan ko lang siya. Akala niya huh?! Masiyado siyang plastic at famewhore! Her excuses are so lame! Palibhasa gusto mamaintain ang kasikatan! Psh! Die Famewhores Die! Tsk.

Habang bwisit na bwisit ako kay Macey ay biglang kong nakita si Esme at si Marianne na nagtatawanan while walking. Psh! Lemme ask them. Lumapit ako sakanila.

 "Hey ate! Representative ka din ano?! Magkalaban nanaman tayo!" sabi niya sabay wink saakin. Psh! I knew it. Masiyado kasi siyang paborito ng mga teachers dito dahil maganda at talented daw?! Psh! I'm better than her! Pero I don't know why lagi nalang siya! Psh! Isa pa yang kakambal ko! She's a famewhore too!

"Pft! I know right! Lagi namang ikaw e! Let's Go na nga, Ryla. Hindi na kasi maganda ang simoy ng hangin!" sabi ko sabay irap sakanila at alis. Bahala sila sa buhay nila! Tsk. I Hate Them! Panira ng araw!

//Marianne Janelle Silvestre's POV//

"Anu nanaman pinuputok ng butse nun?!" sabay na tanong namin ni Esme dun sa dalawa pang kaibigan ni ate na si Ryla at Macey. 

"Wala na kayo dun! It's none of your monkey bussines. " sabi saamin ni Ryla sabay irap saamin at hinila si Macey palayo saamin. Hala! Ano nanamang pinuputok ng butse nung tatlong itlog na yun?! Aynako! Dapat hindi THE QUEENs ang pangalan ng grupo nila e! Dapat The Menopausal Princesses!

"Hay nako! Naka'kain yata ng apoy yung mga teklang yun! Masiyadong mainit ang ulo." Tama! Nakakainis talaga yung tatlong yun! Ang sarap nilang pakainin ng ipis at daga. Kahit kambal ko pa si Ate Marielle. I really hate her attitude! I don't know why Mom is spoiling her! Pero sabagay! Mom's attitude is really like ate's.

"Yo gals!" sabi ni Rainier saamin. Uy! Yung crush ko. hihi. Proud ako e nuh? Tama na nga ang kalandian! Kainis naman oh! Lumelentot nanaman ako.

"Oo nga pala. Emerald! Sabi ni Ian bro ay Steven pala, ano daw! Teka ano nga ba yun? Ay sorry nakalimutan ko" sabi niya sabay kamot sa may batok niya. Ang cool niya tignan dun ah! hahaha! "Ge. Isipin mo muna" sabi ni Esme.

"Ah ayun! Tama! Sa Saturday mag-ayos ka daw. Dapat maganda ka daw. Ayaw niya na mapahiya sa pamilya namin. At kung pwede daw matuto ka ng magayos ng sarili mo para di ka daw mukhang asabukot araw araw kasi baka anytime dumalaw dito sila Mamita . Yak ang corny! Ay ano ba yan! Tska anu daw pala. Tawag dun? Ah Tama! Bibilhan ka daw niya ng maayos na damit kasi mukha ka daw basahan sa mga damit mo kasi ang baduy mo daw! Palitan mo na din yung medyas mong may ruffles dahil mukha ka daw elementary! Yun LANG daw" sabi niya. Wow! Andami! At ano daw?! Magayos? Aba! Expert ako diyan. Ako mag-aayos sakanya! Wiiiieee. Nababaliw nanaman ako -_____-. Di ko alam pero minsan nagiging childish na ko. Hindi pa naman bagay saakin.

"Putakte! Andami namang requirements! Anu ba akala niya saakin utusan niya?! Kung utus-utusan niya ko ah! Ihampas ko yung ulo niya sa pader diyan na parang yelo e!" At ngayon ay kumontra nanaman po si Donya Emerald Libunao. Si kontra to palagi! Ayaw niya yun?! Lalabas yung ganda niya.

"Wag ka ng kumontra! Akong bahala sayo" bulong ko sakanya. Pumalatak lang siya. "Oo na Oo na! Gagawin ko na lahat ng bilin niya. Pakisabi Salamat kamo sa napakadaming utos! Sa susunod ulit master. Yun lang. Salamat."  sabi ni Esme sabay hila saakin at dinala niya ako sa garden ng school. 

//Emerald Shanelle Libunao's POV//

Umupo ako sa ilalim ng puno at ganun din ang ginawa ni Marianne.

 "Grabe! Andami niya talagang kaek-ekan! Mababaliw ako sakanya e!" sabi ko kay Marianne. Nakakabanas talaga! -_- Napipika na ko sa letseng lalaking yun! -______- Sarap Ihampas ang ulo sa pader! Tsk.

 "Wag ka na ngang magreklamo! Ako na ngang bahala diba?" Waaah! Ba't kasi kailangan pang magpaganda e! Mas maarte pa sa babae yung ipis na yun kainis!

Nakaka'Ewan siya! Ugh!

To Be Continued....

When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon