Chapter 22 - Ano daw?

4K 93 2
                                    

//Emerald Shanelle Libunao's POV//

"HOOOOOY! ANO BA! ARAAAAAY! WAG MO BILISAN!"

"WAG KA NANG UMANGAL! MAS MASARAP KAPAG MABILIS! WHOOOO!"

"GAGOOOOOOO! TAMA NA! AY POTAAAAAA! BWISIT KAAAA!"

"MANAHAMIK KA NALANG AT MAGENJOY!"

Nanahimik nalang ako at hinayaan siyang idrive ang motor niya ng napakabilis. Bwisit kasi. Parang nakikipagkarera sa iba pang nagmomotor. Jusko po. Feeling ko hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko at feeling ko din anytime malalaglag ako sa motor nitong si Steven.

"ANO? SABI SAYO MASAYA E!" Hindi ko siya pinansin at dinama ko nalang ang malakas na hangin na nahampas sa mukha ko.

"DIBA NAKAKAENJOY?" Seriously, walang nakakaenjoy dito sa ginagawa niya. Nakakainis ho sagad sa butobones.

"WALANG NAKAKAENJOY! PAKER KA! AKALA KO MAWAWALAN NA KO NG KALULUWA!" Narinig kong tinawanan niya lang ako at pinaandar ang motor sa tamang speed. Buti naman at inayos na niya ang padrive. 

"AYAN NA. INAYOS KO NA" sigawan na kami ng sigawan dito susko. Baka may ibang nakarinig saamin. Nakakahiya naman yun.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy lang niya ang pagdadrive. Saan ba naman kasi kami pupunta? Ah. Baka magaarcade lang to. Ay pota! Oo nga pala. Nagcutting kami. Shemay. Ang grades ko. Huhuhuhu.

Ayokong bumagsak shems. Kinakabahan ako. Baka makaabot din ito kay Sir Randy. Baka itigil na niya ang pagpapaaral saakin. Ayoko pa namang tumigil. Nakakainis kasi itong si Steven e.

Pinikit ko ang mga mata ko. Medyo nahihilo na din ako. Parang naalog ang ulo ko kanina at parang bumaligtad yung sikmura ko. Feeling ko anytime masusuka na ko. Idagdag mo pa yung feeling na nakayakap ako sa bewang niya. Yun ang pinakanakakasuka sa lahat.

Nagulat ako ng biglang huminto ang motor. Anyare? Naaksidente na ba kami ng hindi ko namamalayan?

"Andito na tayo bitaw na" Dumilat ako at bumitaw sakanya. Bumaba na ako sa motor at tumingin sa paligid. Isa tong tahimik na lugar. May dagat, at natatanaw ko dito na may parang garden sa may dagat.

Kitang kita ko ang ang mga paru parong lumilipad lipad. Tanaw ko din dito sa loob ang gazebo sa garden. Napakaganda dito.

"Bibig mo baka mapasukan ng langaw" sabi ni Steven sabay itinulak niya pataas ang jaw ko at ngumiti ng wagas. Napangiti din ako sakanya. First time niya kong ngitian ng ganito. B-bakit ganito ang nararamdaman ko?

"You're blushing" sabi niya sabay turo sa pisnge ko at matawa tawa siyang umiling iling. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.

"Mainit lang!" sabi ko sakanya.

"Tanga! Mahangin dito, paano magiging mainit?" Matawa tawa niyang sabi. Ang tange ko talaga. Lame ako masiyadong magexcuse. Nyeta.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumakbo ako papunta sa may dagat. Masarap ang sinoy ng hangin dito. Fresh na fresh.

"Alam mo ba. Nung bata ako, ipinangako ko sa sarili ko na dadalhin ko dito ang babaeng mamahalin ko." Ha? Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya sinasabi saakin to?

Tumigin ako sakanya at nakita kong nakangiti siya. Ibang Steven ang nakikita ko ngayon. Hindi siya yung Steven na arogante, mayabang, basagulero, masungit, at masama ang ugali. Isang Steven na maamo ang nakikita ko ngayon.

"Andami kong nakalimutan nung bata ako. Buti naalala ko yun. Alam mo ba, may dinala na ko dati dito. Bata palang kami noon." Nagmahal na pala itong si Steven. Hindi halata sa mukha niya.

When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon