// Emerald Shanelle Libunao's POV //
Andito kami ngayon sa ilalim ng puno ni Marianne at nagmumunimuni lang. Walang magawa eh.
"Ano kaya meron dun sa Steven na yun at ang sama ng ugali?! Buti pa yung Rainier kahit papaano mabait pero bad boy padin eh! Alam mo Marianne, iniisip ko kung babait pa yung dalawang yun o magbabago kahit kaunti! Pero mukhang hindi na eh!" Teka! Pansin ko lang. Kanina pa ko dada ng dada dito eh hindi ako sinasagot ni Marianne at pangitingiti. MunShunga tuloy ako!
"Huy! Marianne! Nakikinig ka ba?!" sabi ko sakanya. Lumingon lang siya saakin at binigyan niya ko ng clueless na tingin. Mukhang hindi yata to nakikini saakin. Seriously?!
"Ha?" Anak ng Tinapa ni Tiya Pasing! Hindi nga nakikinig. Mukha na pala talaga akong tanga kanina kasi dada ako ng dada wala naman palang nakikinig saakin? Aba!
"Kanina pa ko dada ng dada dito! Hindi mo ko sinasagot! MunShunga na nga ko eh!" sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Kakaloka naman kasi itong si Marianne. Ano ba kasing pinagkakaabalahan nito?
"Anu ba yung sinasabi mo?" sabi niya with matching kunot noo pa. Wow talaga, Marianne.
"Ayoko ng ulitin! Anu ba kasi ang pinagkakaabalahan mo diyan sa cellphone mo at pangitingiti ka nalang diyan!" sabi ko sabay tingin sa cellphone niya. Aba! Nanonood! Video na nakanta si Rainier. Bakit ba baliw na baliw to kay Rainier na wala namang nadudulot na maganda? Puro papogi lang at kasamaan ang pinapairal. Wala namang espesyal dun sa lalaking yun. In fact, pareho sila nung Steven. Nakakabwisit ang paguugali!!
"Aba! Kaya pala ang laki ng ngiti! Iniimagine mo na para sayo ang kanta ni Rainier na yan ano?!" pang-aasar ko sakanya sabay sundot sa tagiliran niya.
"Hindi ah! Ang ganda lang kasi talaga ng boses niya!" Pagdedeny ni Marianne. Deny deny pa, obvious na obvious naman na nagiimagine siya. Mapapangiti ba siya ng sobra sobra sobra kung wala siyang iniimagine?!
"Awjuuu! Nagdedeny ka pa! Halatang halata namang iniimagine mong kinakantahan ka niya! Naku naman Marianne! Sa dinami dami ng magugustuhan mo sa badboy ka pa nagkagusto! Tsk tsk" sabi ko sakanya. Nagpout lang siya at hinampas ako sa braso. Talaga naman tong si Marianne, oo. Pero in fairness, andali niyang hulihin.
"Magkakagusto ka rin sakanila! Kay Steven man o Kay Rainier!" sabi niya sakin. Hala! Ako? Magkakagusto sakanila? No Way!! Mas gugustuhin ko pang magkagusto sa mga mukhang nadeform kesa sa gwapo nga ugali naman ang nadeform! Wag nalang uy.
"At paano mo naman nasabi?! Aber?!" sabi ko sabay pamewang. Bakit kaya naisip nito na magkakagusto ako sa kahit sino sa dalawa? Duh. Bulag lang sa katotohanan ang magkakagusto sakanila. Ipakita ko kaya ang katotohanan sakanya noh? Nang malaman niyang di pala siya dapat magkagusto dun sa Rainier na yun.
"Basta! Kakainin mo din yang sinabi mo!" sabi niya saakin sabay poke ng tagiliran ko.
"Asa!" sabi ko. Hinding hindi ako magkakagusto sa mga pa-cool na yun. Hindi naman sila cool sa pagiging ganoon. Tss. Famewhores and attention seekers. Dapat nag-artista nalang sila kung gusto nilang magpapansin.
"Weh? Kakainin mo rin yang sinabi mo! Well, Be Nice na nga sa kanila! Malay mo pag nice ka magiging nice na din sila sayo!" sabi ni Marianne. Nagkibit balikat lang ako. Oo nga no? Itry ko kaya? Pero baka lalo naman akong awayin nung mga yun?! Hmm... wala namang masama kung itatry ko diba?
"Siguro nga" sabi ko.
// Marielle Jenylle Silvestre's POV //
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Nung pipila kami agad naman kaming pinauna ng mga students na nakapila. Oha? That's the way they treat our group! Kahit ibang year pa yan, lower year or higher year. That's why our group name is THE QUEENs.
Maraming gustong makasali saamin para katakutan at sundin din sila ng mga students dito. Kaso we don't want brats in our group! Duh. Ayaw ko ng bida bida. Tska yung iba naman ang p-poor! Sino ba namang kasing ganda ko ang gugustuhing magkaroon ng kaibigang simpleng Louis Vuitton lang di maafford? Tch.
Pagkatapos namin bumili ay agad naman kaming pumunta sa table namin and at naginit ang ulo ko nang makita kong may nakaupo doon. The heck! That table is for THE QUEENs only! Who told that bastard to sit there huh?! Lumapit kami dun atsaka ginamit ang powers namin.
"Yah! Why are you seating on THE QUEENs' seats huh?! Umalis ka nga diyan. Our group is the only one allowed to seat and eat on that fucking chairs and table! Get out!" sabi ko dun sa lalaki. Di ko makita kung sino yung lalaking yun dahil nakatalikod. Humarap saamin yung lalaki at.. OMG! It's My Steven! Sht. Wrong move yata ako?
Nilapit yung mukha niya sakin ng mga 4 inches! At feeling ko namumula na ko ng sobra. Omg. Heaveeen!!
"Bakit?! Ikaw may-ari nito?! Reyes ba kayo?! Kamag-anak ko ba kayo?! Hindi naman diba?! Go Find Your own table!" sabi niya saka umupo ulit. Agad naman kaming humanap ng vacant table at umupo doon. Basta pag si Steven ang nagsabi, okay lang saaming THE QUEENs.
"Gosh! Girls, I love this day! Heaveeeeeen!" sabi ko kay Ryla at Macey nang makaupo na kami. Tumingin kami nila Macey at Ryla sa direksyon ni Steven. Nakita naman naming umupo doon si Esme na parang may dalang something or what.
The Heck?! Anong gagawin niya?!!?!
-----------------------------------------------------------------------------
[A/N: Sorry po kung lame at maikli :3]
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...