// Marianne Janelle Silvestre's POV //
"Uy. Yung ate mo na yung magpeperform!" sabi ni Rain saakin. Tumango lang ako sakanya at tumakbo papunta sa lugar kung saan nandon ang lahat ng contestant sa singing contest. Ibibigay ko kasi tong tubig kay Esme. Sakto di na to malamig. Baka kinakabahan kasi siya ng sobra. Pampakalma lang.
Pagdating ko dun ay wala si Esme.
"Ma'am Fuertes! Si Emerald po?" tanung ko dun sa teacher na kasama nila dito. Tumingin siya sa paligid niya.
"Ay Nagpaalam siya saakin na magc-cr lang daw siya pero teka! Ba't wala pa siya? Siya na ang next kay Ielle!" Hala. Asan na kaya yun? San ba kasi nagpupupunta yung babaitang yun? Jusme.
"Ay ma'am, ako nalang po maghahanap kay Emerald" Tumango lang sakin si Ma'am. Agad ko naman siyang hinanap. Inikot ko ang buong campus pero ni anino niya, hindi ko nakita. Asan na ba kasi siya? Ano ba naman yan? Ba't ba siya nawawala? Tsk.
"Hoy! Marianne!" Lumingon ako sa tumawag sakin at si Steven yun. Tsk. Maka-hoy naman tong lalaking to.
"Si Emerald?" Oh? Hinahanap din pala niya si Esme.
"Hindi ko nga alam e. Hinahanap ko din siya kanina pa. Siya na susunod kay Ate. Paano ba to?" Nag-aalala na talaga ako sa babaeng yun. Saang lupalop ba kasi nagpunta yun?!
"MARIANNE! MARIANNE! SI EMERALD!" narinig kong sigaw nung classmate namin na natakbo papalapit saamin ni Steven. Nung nakalapit na siya ay tila hingal na hingal siya.
"Anung nangyari kay Emerald?" tanong ko.
"Nakulong siya sa cr! Wala kaming susi! Kandadong kandado ang pintuan! Nakakadena pa nga e! Daliii! Tulungan natin siyang makalabas!" Ha?! Nakulong?! Sino naman ang naglock ng pintuan ng cr? Imposibleng si kuya janitor yun kasi pagkatapos pa ng event niya ilalock ang pinto ng cr?
Hinila ako ng classmate namin. Lumingon ako kay Steven at nakita kong nasunod naman siya saamin. Di mo makikita sa mukha niya kung nagaalala ba o ano kasi as usual, naka poker face. Lagi naman e.
Pagdating namin sa may cr, narinig ko na agad ang sigaw ni Emerald.
Hala! Nakakadena yung pinto! Paano na to? Hala! Hala!
"Steven! Paano natin to tatanggalin?!" sabi ko habang inaalog ko siya. Di ko na alam gagawin ko. Halaaaaaaaa. Di pwedeng di magperform si Esme. Masisisi kaming dalawa ng iba naming classmate.
"And the last but not the least! Let's all welcome the representative of the unbeatable section! Section A! Emerald Shannelle Libunao!" narinig naming sabi ng MC. At dahil dun mas lalo pa kaming nagpanic. Lumingon ako kay Steven pero wala na siya. Asan na yun?!
"Chia! Pakisabi sa iba nating classmate 'to para matulungan nila tayo!" Tumango siya saakin at tumakbo papunta sa mga classmate namin. Jusme! Paano ba 'to?! Kung sinuman ang nagkulong kay Esme sa loob makonsensya sana siya.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si Steven na tumatakbo papalapit dito. May hawak siyang bakal. Concern din naman pala siya kay Esme e. May kabaitang taglay din pala 'to?
Pagkadating niya dito ay agad niyang hinampas ng baka yung kadena. Napangiti ako sa ginawa niya. Kinikilig ako. Concern siya sa girlfriend niya. Kahit fake lang yung relationship nila, kinikilig padin ako. Nawala yung pagpapanic ko dahil sa ginawa nitong badboy na to.
"Ngini-ngiti ngiti mo diyan?! Humingi ka ng tulong sakanila!" Ayos na sana e. Sumungit nanaman siya. Tsk.
"Humingi na ng tulong si Chia!" Inirapan niya lang ako. Bakla ba 'to?! -_-
//Emerald Shanelle Libunao's POV//
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Narinig kong tinawag na ako. Paano ako makakapagperform kung nandito ako sa loob. Sino ba kasi naglock nung pinto? Impossible namang si Kuya Janitor.
Pumunta ako sa isang sulok at umupo. Inub-ob ko nalang ang ulo ko sa mga tuhod ko at nagdasal.
"Lord, Sana po makalabas na 'ko dito. Di ko na po alam ang gagawin 'ko. Ayoko din pong magalit saakin ang mga classmates ko ng dahil lang dito."
Tumulo na ang luha ko. Natatakot na 'ko. May trauma nadin ako sa ganito. Kinulong ako ni Tatay sa c.r at narinig ko ang pagsapak at paguntog niya sa ulo ni nanay. Ito nanaman ako. Naalala ko nanaman 'to.
Kinakabahan na 'ko. Di ko na talaga alam gagawin 'ko.
Patuloy padin sa pagtulo ang aking luha. Habang ako ay naiyak, narinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng c.r na ito. Tumingin ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko si Marianne, Steven , Rainier at mga kaklase ko.
Tumakbo si Marianne at iba pa naming classmate papalapit saakin. Niyakap nila ako. "Ayos ka lang ba?" tanong saakin ni Marianne. Tumango lang ako sakanya habang nakatingin sa kawalan. Nanginginig padin ako.
Sa Tuwing naaalala ko yung pangyayaring yun, ganito ang nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng takot.
Binigyan nila ako ng tubig at ininom naman yun. Kailangan ko ng kumalma. Kailangan ko munang itayo ang bandera ng Section A. Tumayo na ako pati narin ang mga classmates ko na umupo.
"Kunwari walang nangyari." sabi ko sabay ngiti sakanila. Tumango sila at tumakbo na kami papunta sa may stage. Pero pagdating namin ay huli na ang lahat. Panalo na si Marielle.
Tumingin saakin si Marielle at nagsmirk. At dahil sa pag-ngisi niyang iyon ay nakaramdam ako ng hindi maganda.
"Pakiramdam ko siya ang nagkulong sa'yo" Bulong saakin ni Chia. Malakas nga ang kutob ko. Ibig sabihin? Pinaplastik niya lang ako? Hindi naman siguro diba?
----------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry po kung maikli. HAHAHAHA. Yan lang po kinaya ng powers ko ngayon.Hahahaha
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...