//Emerald Shanelle Libunao's POV//
"Ate, Kapag nasa States ka na padala ng madaming pera ah? Tapos bibili ako ng prada bags at isasampal sa pagmumukha ni Misha! Mwahahaha!" Napafacepalm nalang ako sa sinabi ng kapatid kong abnormal. Paano ba naman kasi nagsinungaling dun kanila Misha na mayaman ang pamilya niya para lang maging kasali siya sa tropa nun. Kaya ayun, binully siya ng mga gaga.
"Ewan ko sa'yong bata ka. Osiya sige. Magpapahinga na ko. Baboosh" sabi ko sabay end call. Kaya naman pala maldita ang batang yun kasi maldita ang mga kaibigan. Nako nako!
*tok tok*
"PASOK!" sigaw ko sabay tayo sa kinahihigan ko. Ayjusme! Isang araw nalang aalis na ko papuntang States. Parang excited ako na hindi. Ewan ko ba sa sarili ko naguguluhan ako.
"Emerald, Sis" Tumingin ako sa tumawag saakin at nakita ko si Marielle iyon na nakasimangot.
"Ba't ka nanaman nakasimangot? Ano ka ba naman! Smile lang palagi!" sabi ko sakanya. Kahapon pa kasi siya nakasimangot. Ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit. Siguro namimiss na niya yung pang bubully niya saakin. Dejoke lang. Oy ha. Mabait na siya ngayon, pati na rin si Ma'am Mary ayos na. Ayos na din pala silang magkapatid. Kung hindi talaga kami nahuli ni Ma'am Arellano na nagsasabunatan, malamang magkaaway padin kami hanggang ngayon.
Umupo sa tabi ko si Marielle. Nagcling siya sa left arm ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Kasi... Aalis ka na bukas. Kung kailan naman ayos na tayo. Sana mas matagal pa tayo nagka-ayos no? Ang bitch ko kasi dati e. Sorry talaga/" sabi niya sabay pout. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at iniharap saakin.
"Ayos lang yun nukaba! Wag mo nang alalahanin yung dati. Past is past. Atsaka wag kang mag-alala pagbalik ko dito mas magiging close pa tayo!" sabi ko sabay yakap sakanya at niyakap naman din niya ako pabalik. Sana pagbalik ko, makilala parin nila ako. Pero sabagay, may skype naman kaya makakapagusap padin kami at hindi nila ko malilimutan.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin.
"Andiyan na nga pala si Steven sa salas. Go Ahead. Magdate na kayo alam ko namang last day na ito ng pagsasama ninyo! Byeeee! Enjoy bibi!" nagwave siya saakin at tumakbo na siya palabas ng kwarto ko.
Tanggap na rin pala niya na hindi siya gusto ni Steven. Ayos lang daw sakanya. Makakahanap din naman daw siya ng kanya at masaya daw siya para saamin ni Steven. Ang drama nga namin kahapon nung naguusap kami. hahahahaha.
Buti nalang talaga at ayos na ang lahat. Buti nalang ayos na kami bago pa ko makarating sa States. Ayoko namang pumunta doon ng may kaaaway no? Konsensya ko pa yun.
Tumayo na ako at pumunta sa harap ng salamin. Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at hindi na nag-ayos pa. Mas gusto daw kasi ni Steven yung simple at walang kolorete sa mukha at kung anu ano pang abubot.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa may salas. Nasa ground floor lang kasi yung kwarto ng mga maids. Eh maid nga ko diba? hihi.
"Tara na?" sabi ni Steven. Tumango lang ako sakanya at ngumiti. Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila na papalabas. Haaaay! Mamimiss ko tong abnormal na to kapag nasa States na ako.
***
Magkahawak kamay kaming naglalakad lakad ni Steven dito sa may dalampasigan kung saan niya ako dinala noon. Yung oras na nagconfess siya saakin at nilayasan niya ako. Iniwan niya akong mag isa. Ito ang huling destinasyon namin ngayon. Kanina naggalagala lang kami kung saan saan.
At ngayon, dito naman. Kung saan may magandang alala kaming iniwanan. Kahit may misunderstanding kami nun at iniwan niya kong magisa. Magandang ala-ala parin yun para saakin.
Huminto na kami sa paglalakad at umupo sa sa mga buhangin pero hindi padin kami bumibitaw sa isa't isa. Hindi pa kami pero ganito na kami. Ayaw ko pang maging kami ngayong pupunta na ako sa states.
Okay lang naman magLDR pero gusto ko yung mababantayan ko si Steven. Kasi alam kong kahit basag ulo tong lalaking to, maraming babae padin ang nagkakandarapa sakanya. Tska bata pa kami.
"Talaga bang sa States ka na magaaral?" Tumingin ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Iba siya ngayon sa Steven na nakilala ko.
"Oo e." Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko at narinig ko ang mabigat niyang hininga.
"Wala ng bawian pa? Kaya ko namang tumulong sa pamilya mo" Oo nga pala, alam na niya ang tunay na ako. Na isa lang akong katulong at ang pamilya ko ay mas mahirap pa sa daga at ipis. Nung una, natakot ako na malaman niya dahil baka ayawan niya ako pero hindi pala.
"Ano ka ba naman. Nakakahiya naman sainyo kung kayo pa ang gagastos para sa pamilya ko at gusto ko kasi ako ang magsisikap na maiahon sila sa hirap" Sa pangalawang pagkakataon, narinig ko nanaman ang mabigat niyang hininga. Mukhang ayaw niya talaga ako paalisin. Maski ako, ayokong umalis pero kailangan e. Kailangan kong matulungan ang pamilya ko.
Once a lifetime lang to kaya ginrab ko na ang opportunity na makapag-aral at makapagtrabaho sa ibang bansa.
"Wag mo ko kakalimutan" Ngumiti ako sakanya at pinisil ang pisngi niya.
"Siyempre naman hindi kita kakalimutan. Tska babalik din naman ako dito sa Pinas e. Gusto ko pagbalik ko, magiging tayo na. Basta ipromise mo saakin na hindi mo ako ipagpapalit hanggang sa pagbalik ko." sabi ko sakanya sabay binitawan ko na ang pisngi niya. Mamimiss ko siguro yung pag aaway namin dati. Ngayon pa nga lang namimiss ko na, kung nasa States pa kaya ko?
"Oo naman. First love kita e" Napangiti ako sa sinabi niya. Ako din, first love ko siya.
"Promise?" sabi ko.
"Promise"
***
Nandito na ako sa airport at kasama ko ngayon sila Marianne pati narin si Steven. Bakas sakanya ang lungkot.
"Buo na talaga desisyon mo ano? Haaaay. Sige. Ingat ka" sabi niya saakin at naglakad na palayo saakin. Habang siya ay naglalakad palayo saakin, nakatingin lang ako sa likod niya.
Dahil sa ginawa niya parang nasaktan ako. Napagusapan na namin to ah? Pumayag na siya. Pero ano bang nangyayari sakanya ngayon? May problema ba siya?
Naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko. "Kanina pa siya hindi mapakali. Hayaan mo nalang siya. Ganyan lang yan. Ayaw ka niyang mawalay sakanya e." Tumango lang ako kay Rainier at naglakad na. Pupunta na ko sa eroplano.
Habang ako ay naglalakad ay hindi ko maiwasang lumingon at hanapin siya. Hindi manlang kami nakapagpaalam ng maayos sa isa't isa. Di ko alam kung hanggang kailan ako sa States pero sana pagbalik ko, ayos pa kami.
Lumingon ulit ako sa likod at nakita ko siyang nakatayo. Kitang kita ko ang luhang tumulo mula sakanyang mga mata. First time ko siyang nakitang lumuha.
Napapikit ako saaking nakita at kusang tumulo din ang mga luha ko.Pinahid ko naman agad iyon dahil nakakahiya naman sa mga taong makakakita.
Haaaay. Sana makaahon na kami sa hirap. Malaki ang pasasalamat ko kay Sir Frank sa tulong na ibinigay niya. Siya ang gumawa ng paraan sa lahat. Sana din talaga pagbalik ko, maganda ang aabutan ko.
Mamimiss kita Steven. Sobra.
***
A/N: Sorry po kung sobrang ikli at lame. Epilogue na ang next XD Di halatang nagmamadali ako ano? xD
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
De TodoStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...