Chapter 18 - Lagot

4.1K 99 3
                                    

// Emerald Shanelle Libunao's POV //

"Anak ng tinapang galunggong!" Lagot! Shutabelski! Ba' t andito sila?! Jusko po. Kailangan kong magtago. TT^TT

"Oh iha, May problema ba?" Baka magkawar dito pag nakita nila ako. Naku! Lagot ako nito kay Ma'am Mary at baka malaman pa ni tita Lianne na katulong lang ako. Masira pa yung plano namin ni Steven. Sayang yung libre!

"Uhmmm. Wala po" Meron po talaga. Pwede po bang paki-flush niyo ko sa toilet bowl? TT^TT

Lumingon ako sa direksyon kung nasaan si Ma'am Mary at Marielle at Omaygas de balbas! Papalapit na sila dito! Help Meh! Zombies Approaching! >__

Nung malapit na sila ay tumalikod ako para hindi nila ako makita. "Uy Lianne!" Sumilip ako saglit sakanila at nakita kong bumeso si Ma'am Mary kay tita Lianne. Close silaa! TT^TT

"Oh Mary. Ay Hello Marielle!" narinig kong sabi ni tita. Jusme! Kailangan ko ng umescape dito.

Eescape na sana ko nang biglang pumunta sa harapan ko si Marielle.

"Akala mo di kita makikita at mahahalata?! Stupid You! Tss." sabi ni Marielle sabay irap saakin. At tinulak niya ko paharap kanila Ma'am Mary.

"Esme! What are you doing here?!" gulat na inis na sabi ni Ma'am. Ngumiti lang ako ng peke.

"Magkakilala kayo? Ay! I forgot. Sainyo pala nakatira ang girlfriend ng anak ko" kumunot ang noo ni Ma'am Mary at parang uusok na yung ilong. Binulungan siya ni Marielle na hindi ko narinig.

"Yeah. Emerald naman! Ba't hindi mo sinabi samin na nandito ka pala? Kanina ka pa namin hinahanap. Pinagaalala mo ako" Bait-baitan shet. Ba't ang galing nila umacting mag-ina?!

"Ah Ehh. Si Steven po kasi tita. hehe" Seriously, natataranta padin ako. Baka kasi pagdating sa bahay, dun ako malagot. Tapos biglang lalabas sa school na Katulong lang nila ko. Ang sakit non sa heart.

"Ahh Ganun ba? Uhmm. Sama ka na? Uuwi na rin kasi kami" sabi ni Ma'am Mary. Si Marielle naman nakangiti lang kay Tita at parang nagpapacute pa kay Steven.

Tumingin ako kay Tita.

"Ahmmm. Mary. Hiramin ko muna si Emerald pwede? Gusto ko pa kasi siya makilala. Alam mo naman, girlfriend siya ng anak ko." Parang pinapamukha ni tita kay ma'am na girlfriend ako ni Steven ah? Fake Girlfriend I mean.

"Sige sige. Alis na kami ah? Bye!" sabi ni Ma'am sabay alis. Why so galing galing in acting acting? May workshop ba sila? Kung meron nako! Kikita sila ng malaki.

****

Andito na ko sa bahay at dahan dahan akong naglalakad papunta ng kwarto ko. Jusmiyo! Nakakatae silang mag-ina.

Nang bubuksan ko na ang pintuan...

"ESME!" I'm Dead Meat!

Dahan dahan akong humarap sa tumawag sakin at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Marianne yun.

"Hay Salamat!" I said as a relief.

"Anyare? Ba't Galit na galit si Mommy pagdating?" Nakooo! Baka lagot na ako nito bukas.  TT^TT

"Nakita niya ko na kasama ko si Steven at yung mommy niya." Lumapit saakin si Marianne.

"Really?! Omg! Kaya pala parang may pinaplano sila Mommy para mapalapit si ate kay Steven. Ikaw yata ang magiging tulay!" Anak ng dalagang bukid naman oh! Ba't ako?! Letseng libre kasi yan e! Pahamak!

*****

"Oyy Ems!" Pagtawag sakin ni Rainier.

"Oh?" Hinawi ko ang bangs ko at nagpaypay. Inet dito sa gymnasium ng school. Sa dami ng estudyante di ko na madama yung aircon.

"Samahan mo ko maya. Ayaw akong samahan ni Steven e." Tumango nalang ako. Crush ko naman siya e. Why not? Taglandi ngayon wag kayo.

Tumingin ako sa paligid, asan na ba si Marianne? Kanina ko pa hinihintay yun e. Kaya si Rainier tuloy kasama ko ngayon. Mwehehehehe.

"Tubig. Gusto mo?" sabi ni Rainier sabay abot sakin ng bote ng mineral water. Umiling lang ako sakanya. Ba't kasi ang inet dito?! Tagal tagal pa nung announcement daw. Makalayas na nga dito, itatanong ko nalang kanila Gracielle kung ano yung chu chu nanaman ng school na ito.

Lumabas na ko ng gymnasium at nakahinga na ko ng maluwag. Buti pa dito sa labas malamig at mahangin.

Naglakad lakad lang ako sa buong Campus. At habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng hindi maganda. Feeling ko may asungot na nasunod sakin. Pag lingon ko ay nakita ko si Rainier na nakatayo sa likod ko at nakapamulsa.

"Sinusundan mo ba ko?" nakakunot noo kong tanong kay Rainier.

"Obvious ba? Common Sense mo asan?" sabi niya sabay tulak ng noo ko gamit ang hintuturo niya.

"Letche ka!" sabi ko sabay irap sakanya. Ba't niya ba ko sinusundan? Di kayaa........ Feeler ko -_-

"Salamat! Oy Enge pala number mo!" sabi niya sabay kuha ng cellphone niya at abot saakin.

"Hindi ako maalam diyan. Ikaw na magtype. Ididikta ko nalang" Kung 3210 lang ang silpun niya, malamang alam ko kung paano gamitin. Eh tats iskrin. Wala akong alam sa ganun.

"Okay" tipid niyang sabi.

"09101010101" dikta ko sakanya at ang bilis lang niya magtype. Sanay na sanay sa tats iskrin.

"Okay Salamat." sabi niya sabay banat ng layas. Teka, bakit niya hiningi number ko? OMG! Tama kaya hinala ko? Dejoke. Ayoko mag assume. Masakit pag nalaman kong hindi pala. Chos!

*****

Si Rainier ay naglalaro ngayon ng arcade habang ako, nakatanga lang sakanya. Loko tong pinsan ni Steven na to. Papanguin ko ilong niyang matangos e.

Gusto ko siyang layasan. Kanina pa kami dito. Buti siya nageenjoy sa ginagawa niya. Samantalang ako, uwing uwi na. Andami dami ko pang gagawin no? Lilinisin ko pa yung banyo sa kwarto ni Marianne at Marielle.

Papakainin ko pa yung aso nilang labrador na si Nat. Kaloka! Kung hindi ko lang siya crush, di ako nagtiyaga na samahan siya dito.

"Oy! Tara na" At sa wakas! Natapos na din siya. Dire diretso siyang naglakad na nakapamulsa at ni hindi manlang ako inantay. Bilis bilis niyang maglakad e.

Nang nasa may parking na kami, sumakay na siya ng kotse niya. Nung sasakay na din ako....

"Sinong may sabing sasabay ka sakin? Mamasahe ka oy!" Ay gegu pala to e! Sinara ko na ang pinto ng kotse niya ay nagsimula ng maglakad. Parehas nga silang magpinsan. Nakakatae sila.

Pero mas bet ko tong si Rainier. Okno. Bahala siya. Sama ng ugali niya. Wala akong pamasahe at hindi ko alam ang daan pauwi. Ang galing galing. San na ko pupulutin ngayon? Sa kangkungan? Sa Tae ng Baka o Kalabaw?

Kung nandito lang sana ang mga dudes kong baka at kalabaw sakanila nalang ako sasama. Okno.

Habang ako ay naglalakad biglang tumigil ang kotse ni Rainier sa tabi ko at binusinahan ako. Tumingin ako sakanya at inirapan ko siya.

Binuksan niya yung bintana niya at nakita kong tawa siya ng tawa. Gegu talaga to!

"Ang arte mo! Sakay na!" Inirapan ko lang siya. Bahala siya. Pakipot muna ko. huehue. Dejoklang.

"Sasakay ka o sasagasaan kita?" Aba! Magpinsan nga sila. Sakit nila sa bangs!

"Ay Ambot!" sabi ko at sumakay na ko sa kotse niya.

-----------------------------------------------

A/N: Sorry po kung ang tagal tagal ko pong magupdate. Wala padin pong net hanggang ngayon e. Huehue. Labyu guys!

When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon