// Emerald Shanelle Libunao's POV //
"Nakakainis! Di katanggap-tanggap na natalo tayo ng Last Section. Taenang yan! Sino ba kasi naglock sa'yo sa c.r?! Jusko! Pag nalaman ko kung sino siya, malilintikan siya sakin!" Paghyhysterical ni Gracielle, isa sa mga classmate ko. Hanggang ngayon palaisipan padin saamin kung sino ang nagkulong saakin sa c.r. Kung sino man siya, I hope nakokonsensya siya.
Mali kasi yung ginawa niya e. Ginawa niya yun para manalo ang section nila? Parang di naman tama yun diba? Unfair yun. Pero wala na kaming magagawa. Nangyari na e. Na 'kay Marielle na yun e.
"Okay lang yan Cielle. Wala na tayong magagawa. Nangyari na yun. Ang mahalaga e, Nakalabas at ligtas 'tong si Emerald." sabi ni Marianne. Tama nga naman siya. As long as ligtas ako at walang nangyaring masama, ayos na.
"Oo nga. Pero di padin ako matahimik hangga't di ko pa nalalaman kung sino yung nagkulong kay Emerald sa c.r. Hindi tama yun. Dapat maging fair!" May point din naman 'tong si Gracielle. Haaay! Ewan ko ba. Pero di din ako matahimik. Gustong gusto ko ding malaman kung sino ba may pakana nun. Malakas ang kutob ko na si Marielle yun pero ayokong manisi.
Diba nga nakipagbati na siya sakin? Edi ayos na. Pero sino naman ang babalu-balugang mukhang pwet ang nagkulong saakin sa c.r? Dapak! Kung sino man siya, sana amininin na niya kasalanan niya. Tumatanggap naman ako ng sorry e.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong lahat ng classmates ko ay badtrip. Yung iba tahimik lang pero mahahalata mo talagang badtrip sila. Yung iba naman, yun din ang pinaguusapan. Halatang di nila nagustuhan ang nangyari.
"Good Morning Class" Nagsitayuan na kami at kanya kanyang balik sa mga tamang upuan namin. Tumingin ako sa paligid, hinahanap ko si Rain At Steven pero ni anino nila hindi ko nakita. Late nanaman yun panigurado.
"Ba't nakabusangot kayo? Dahil ba sa nangyari kahapon? Mga anak. Nangyari na yun. Wala tayong magagawa" sabi ng Math Teacher namin na si Ms. Dela Paz. Napabuntong hininga na lamang kaming lahat. Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Gracielle.
"Pero Ma'am, unfair padin po para samin! Kaya po kami natalo, dahil may nagkulong kay Emerald sa c.r. Dapat po mabigyan ng advising form kung sinuman ang gumawa nun." Gracielle talaga. Ipaglalaban niya talaga ang gusto niyang ipaglaban.
"Yun na ang ginagawa ng mga teachers. Iniimbistigahan na namin kung sino ang gumawa noon. Don't worry Section A. Masosolve din ang problem niyo" Nakita kong isa-isa nang nagngitian ang mga classmates ko.
Magsa-start na sanang maglesson si ma'am ng biglang dumating yung dalawang pugo. Pumasok silang dalawa sa classroom ng walang paa-paalam at dere-deretso sila sa upuan nila. Tsk. Napailing nalang si Ma'am sakanilang dalawa.
Sanay na siguro si Ma'am.
********
"Oo Emerald. Hindi kami nagbibiro. Kitang kita mismo ng mga mata namin kung paano ka ilock nila Marielle sa c.r." sabi ng isang taga Section B. Si Marielle ang naglock sakin? Akala ko ba ayos na kami? May paiyak-yak epek pa nga siya e.
"Oo Emerald. Promise! Hindi kami nagsisinungaling. Believe us! Pinicturan namin siya kaso kay Musa yung phone. Absent pa naman yun ngayon" Ayaw ko pading maniwalang siya yun. Gusto ko, kung hindi sa teachers nanggaling ay sakanya mismo. Hindi kasi ako makapaniwala. Nagkaayos na kami diba? diba diba? Diba dibs?
"Sinasabi ko na nga ba! Yung Marielle na yon ang may pakana ng lahat! Yung babaeng yun! Grr!" galit na sabi ni Chia. Susugod na sana siya sa room ng Section F, pero pinigilan siya nila Gracielle.
"Kakausapin ko siya mamaya" sabi ko sakanila. Tumango naman silang lahat saakin. Tumayo ako at pumunta sa room ng Section F. Sumunod naman sakin si Chia at Marianne.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...