Nakatungo lang ako at nagbubunot ng mga damo nang may makita akong pares ng paa ng isang lalaki saaking harapan. Siguro si Steven ito. Buti naman at naisipan na niya akong balikan dito. Halos mamuti na ang mga mata ko kahihintay na makaalis ako dito.
Tumunghay ako para makita siya at...
"Rainier?!" Laking gulat ko nan makita kong hindi si Steven iyon. Anong ginagawa ni Rainier dito? Ahh. Oo nga pala. Alam niya din itong lugar na ito.
"Tumayo ka na diyan. Tara na" Teka, paano niya nalaman na andito ako? Manghuhula ba siya o ano?
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod na sakanya. Sumakay na siya sa kotse niya at sumakay na din ako. Dun ako sa passenger's seat umupo dahil baka kapag sa back seat ako umupo, parang ginagawa ko na siyang driver ko.
Habang nagdadrive siya, hindi ko mapigilan magtaka kung paano niya nalaman na nandoon ako sa lugar na iyon kaya't hindi nako umeklat pa at nagtanong na ako.
"Uhmm. Rainier. Paano mo nalaman na nandoon ako?" sabi ko habang nakatingin lang ako sa daan na tinatahak ng kotse niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na napangiti siya.
"Steven" tipid niyang sabi saakin habang nakangiti. Ha? Anu daw? Anong Steven? Hindi ko siya magets. Tumingin ako sakanya.
"Ha? Anong Steven?" pagtatanong ko habang nakakunot ang noo ko. Tumingin siya saakin saglit at ibinalik din ang tingin sa daan.
"Malakas na yata talaga ang tama sa'yo ng pinsan ko parang kanina lang dinedeny ka niya pero bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin. " matawa tawang, pailing iling na sabi ni Rainier.
"Deretsuhin mo na nga ako! Andaming mo pang eklavu e!" May pa lakas lakas tama pang nalalaman. Dapat dineretso nalang ako. Andaming echeng. Parehas nga silang magpinsan.
"Chillax! Oo na, sige na. Si Steven ang nagsabi saakin na andito ka." S-si Steven? Pero paano?
"Paano?" kunot noo kong sabi sakanya.
"Ganito kasi yun....."
[Flashback: Rainier's POV]
Naglalaro lang ako ng soccer dito sa soccer field. Amboring kasi kung tatambay lang akong mag isa. Wala kasi yung ugok kong pinsan kaya wala akong kaututang dila.
Saan ba kasi nagpunta yun? Tsk. Palibhasa inlove na ang mokong. Sabagay ako din naman inlove. Kung kanino? SECRET! Aba naman. Privacy ho. Dejoke lang.
"RAIN!" Lumingon ako sa tumawag saakin at speaking of my dearest pinsan. Andito siya, nakatayo sa ilalim ng puno at nakapamulsa. Tumigil muna ako sa paglalaro at lumapit sakanya.
"O? San ka galing?" sabi ko sakanya sabay punas sa pawis ko. Nakakapagod magsoccer oy!
"Our Secret Place." Anong ginawa niya dun? Wag niyang sabihing hinihintay niya si Zy dun? Taga Lee High University lang yun ah? Naaalala na niya si Zy?
"You mean. Secret place natin nung bata tayo? Anong meron dun?" narinig kong nagbuntong hininga muna siya bago magsalita. Tinignan ko siya ng mabuti at mukhang may problema siya. Ito ang unang beses kong nakitang parang malungkot na ewan tong pinsan kong to.
"Dinala ko si Emerald dun" O? Ibig sabihin tama ang hinala kong inlababo siya kay Emerald? Sa pagkakaalala ko kasi nung bata pa kami, pinromise namin na dadalhin namin dun ang babaeng mamahalin namin.
"Nagconfess ako sakanya at iniwanan dun." pagdudugtong niya. Ay gagu! Ba't niya iniwan dun yon?! Tatlo lang kaming nakakaalam ng mga pasikot sikot sa lugar na yun.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meet The Probinsyana (Editing)
RandomStatus: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilala niya si Ian At Rain na isang badboy at laging nasasangkot sa away. Anu kaya ang mangyayari sakanil...