DJ's POV
Nakakapanibago si Kath. Hindi na niya ko pinapansin. Problema non? Tss. Malamang nagalit sakin kasi iniwan ko siya kahapon. Kasalanan ko 'to e.
Lapitan ko na nga. Di ko na matiis.
"Kath. Sorry kahapon ah? Kasi an-ano e. Ahh-mmm." Leche nauutal ako. Wala kasi akong valid reason eh.
"Okay lang Dj. Alam ko naman e. Gusto mo si Liza diba? Syempre siya yung mahal mo, siya yung uunahin mo. Okay lang. Naiintindihan kita." Ngumuti siya ng nakakalungkot tapos umalis na.
Di ko alam. Di ko alam kung gusto ko ba yong si Liza. Oo maganda siya. Oo mabait din siya. Pero kasi ano eh. Ewan ko pero hindi solid. Alam mo yon? Parang kasi may kulang sa kanya.
"Oh brad! What's the matter? Lungkot natin ah?" Biglang sumulpot naman si Seth.
"Tss. Wala ka na dun! Asan na sila?" Sabi ko, eh mag isa lang siya eh. Malamang. Hahanapin ko ba kung nanjan sila?
"Sila Kats? Nandun sa Canteen lumalamon na naman. Teka, diba ngayon na malalaman yung resulta? Ano, nakapost na daw sa Bulletin Board sa Lobby ah?" Ayy oo nga pala.
"Tara!" Pumunta na kami dun sa may Lobby. Then tinignan ko yung mga nanalo.
President: Daniel John Estrada
Vice President: Kathryn Bernardo
Secretary: Liza Soberano
Ahh. Nanalo pala si Liza. Si Kath kasi, expected na yon eh. Hahaha. Di ko na tinignan pa yung ibang mga nanalo kasi trip ko lang. Tss. Basta, badtrip ako ngayon! ><
Nakita ko si Kath na tinitignan din yung Bulletin. Di pa rin niya siguro nakita kanina.
Ano lalapitan ko ba? Aishh! Bwiset naman 'oh! Bakit kasi iniwan ko pa siya e. Ayan tuloy!
No choice. Lumapit ako sa kanya. "Kath, congrats nga pala ha?" Sabi ko. Tinignan lang niya ko at ngumiti. "Ikaw din." Tapos umalis na siya. So galit nga siya sakin? Di ko naman siya masisisi diba? Kasi ako yung nag iwan. Tapos may sakit pa siya 'non.
"Hey DJ. Congrats." Sabi ni Liza. Ang ganda pa rin niya. *0*
"Ahh. Thanks. Sayo din." Tipid kong sagot.
"So, sabay tayo mag lunch?" Tanong niya. Ano kaya?
"Ge." Hinila na niya agad ako papuntang Canteen.
Kathryn's POV
Masaya ako kasi nanalo ako. Pero yung puso ko...... MASAYA rin syempre. ><
"Ayy teh? Emo tayo ngayon?" Sabi sakin ni Kiray. Tss.
"Hindi 'no! Masaya ako! YEHEY! Kasi nanalo ako! WHOOO!" Sigaw ko.
"Nako Bes, wag ka na nga magkapakaplastik dyan!" -Julia. Lumungkot yung mukha ko. Oo na, hindi na ko masaya. Kasi? Kasi siguro dapat ako yung President at hindi si DJ? Urghh!
"Posible bang mainlove ka sa Worst enemy mo?" Out of nowhere kong tanong sa kanila. Nagulat naman sila. Baliw tong mga 'to.
"Uy! So, mahal mo nga si DJ?! AYIEEEEEEE!" Pang aasar sakin ni Ate Yen.
"Di ah. Pero seryoso." -Ako
"Posible!" Sabi sakin ni Julia with kilig smile. Problema neto?
"Ha? Eh pano?" -Ako
"Iniisip mo lang kasi ng imposible." -Kiray
"Tsaka hindi mo 'yan tatanungin kung hindi mo na siya mahal." -Yen