Chapter 13- Complicated..

374 11 2
                                    

Kath's POV

Isang bwan na din matapos yung Acquaintance Party. Changes? Madami. Sa isang bwan na yon, madami na nga talagang nagbago. Katuland ng ano? Dj and Liza. Nagkakamabutihan na sila. Feelings, eh?

Look, hindi ako affected. Hindi lang ako makakain ng maayos, hindi lang ako makapag-concentrate sa quizes at lagi lang malalim yung iniisip ko. See? Hindi nga ako affected. -_________-

"Kathy Babes!" Yes, maaalala lang niya ko pag bored siya.

"What?" Bored kong sagot.

"Ang saya nung project namin ni Liza. Pag natapos namin yon, sayo ko unang ipapakita." Proud niyang sabi sakin. Can't he see that I'm not even interested? Like hell.

"Enjoy much? Sige, babalitaan na lang kita pag may pakielam na ko." Then umalis na ko. Ayokong makita niya kong nasasaktan. NASASAKTAN?! No. I mean, wala naman kasi akong interest sa mga sinasabi niya. MAGSAMA SILANG DALAWA!

Lunch Break na. Pumunta muna ko sa Garden, may project kasing inassign yung Pricipal namin sa ibang Officers ng Student Government dito sa school. Ang unfortunately, hindi ako kasali don, wala tuloy akong kasama. Intramurals na kasi namin next month. At para maging maganda daw yung Intramurals, pinaghahandaan na talaga nila. And my set lang ng Officers ang gagawa para don. Yep, Dj and Liza, perfect combination.

"Hindi naman halatang nagseselos ka."

"Hindi ba? *Giggles* Wala e, may karapatan ba ko?"

"I miss you." O//////////////////////O

"JC?! OMYGHAAD! IKAW PALA YAN! SHEMAYY. Kalimutan mo na yung sinabi ko! Nakakahiya." Nasa state of shock pa den ako. Si JC kasi biglang sumusulpot e.

"Hahaha! Wag ka ng mahiya Kath. Ngayon na nga lang kita nakita ulet e." Sabi niya na halatang nagpipigil pa den ng tawa.

"Oo nga e, simula nung Acquaintance Party, di mo na ko kinausap." Sabi ko. Ang awkward.

"It's because of Kuya." He gaved me that 'bullshit' look.

"Ha? Si Dj?" Nag-nod siya and tumingin siya sakin.

"Pinabawalan niya kong lumapit sayo. At first, ayoko talaga pumayag. Kaso nung nakita kong masaya kang kasama siya, tumigil na ko. Pero ngayon? Nakikita kitang malungkot e. Nakikita kong wala siya sa tabi mo. Pano kung may mangyaring masama sayo, tas wala siya? And worst? Nakikita kong nasasaktan ka. That bullshit." Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Ginawa ba talaga ni Dj 'yon?

"Jc. Okay lang ako. Di ako nalulungkot at lalong hindi ako nasasaktan." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh.

"Kath! Wag ka ngang magsinungaling sakin. Kitang kita naman sa mata mo na nasasaktan ka sa mga nakikita mo e. Don't deny it. Spill it out.." May pag aalalang sabi niya sakin.

"Okay. If that's what you want." Huminga muna ko ng malalim. "Sa totoo lang. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasasaktan ako. Gusto kong isiping hindi, pero di iyon ang nararamdaman ko. Simula nung Party na 'yon? Wala. Nawala na lahat ng communication namen. Nagbago lahat. Siguro kakausapin lang niya ko kapag sasabihin niyang ang saya nila ni Liza sa project nila. I know, ang childish isipin pero yun kase nung nararamdaman ko. Hindi naman ako magkakaganto kung walang problema e. Pero ewan ko kung si Dj ba yung problema o ako.." YUNG LUHA KO! T.T

Hinawakan ni Jc yung kamay ko.

"Ayoko ipagtanggol si Kuya or what pero... Maybe he has reasons.." Sabi niya.

"Reasons? Na ano? Mahal na niya si Liza? HAHAHA!" Tumatawa ako pero actually tumutulo na yung luha ko.

"Mas mabuting kausapin mo na lang siya para magkaliwanagan kayo. Intindihin niyo ang isa't isa. Kath, tandaan mo lang na nandito ako sa tabi mo palagi." Sincere niyang sabi sakin.

It All Starts Here (Kathniel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon