Andrew and Kim -->>
KIM'S POV
[FLASHBACK]
"Boys, dalhin yan si Andrew sa malayong lugar at doon nyo patayin. Ayoko kasing makita ni Kim kung paano mamatay ang asawa nya"
Nang sabihin iyon ni Barbi ay agad namang sumunod ang mga tauhan nya at kinaladkad si Andrew na noon ay hinang hina na. Mukha na nga syang lantang gulay dahil halos hindi na sya makatayo. Basta patuloy lang sa pagdurugo ang mukha nya at punong puno din ng sugat ang katawan nya dulot ng matinding pang bubugbog sa kanya ng mga walang kwentang tauhan ni Barbi.
"Saan nyo dadalhin si Andrew?! Napakasama mo talaga Barbi!"
Hinablot naman ni Barbi ang buhok ko At tinapat nya ang mukha ko sa mukha nya.
"Sa malayong lugar sya dadalhin ng mga alaga ko. Ikaw na ang bahalang mag hanap sa kanya! Yun nga lang, isang malamig na bangkay na lang sya kapag nakita mo."
Kasabay noon ay ang mala demonyo nyang pagtawa.
------
"Uy, Kim. Ayos ka lang ba?"
Napalingon ako sa katabi ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala si Carla, nasa canteen kami ng school ngayon. Lunch break kasi namin. Oo nga pala, nakabalik na rin ako sa school simula ng manganak ako kay Andrey. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng mawala si Andrew. Hindi ako naniniwala na namatay na sya, hindi ko matatanggap yun. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakikita ang katawan ni Andrew. Kaya naniniwala ako na buhay pa rin sya hanggang ngayon, Pero kung buhay pa sya bakit hindi pa rin sya bumabalik?
"Iniisip mo nanaman sya noh?"
Tanong sa akin ni Carla habang patuloy sa pagkain ng spaghetti. Uminom muna ako ng tubig bago ko sya sinagot.
"Hindi mo naman maiaalis sa akin yun. Asawa ko sya at natural lang na isipin ko sya.Hindi ko alam kung saan ba sya dinala ng mga tauhan ni Barbi, ni hindi ko nga alam kung anong ginawa sa kanya eh."
Sabi ko habang pinaglalaruan ang Carbonara na nasa harap ko. Wala nanaman kasi akong ganang kumain eh.
"Hindi naman kasi pwedeng palagi na lang ganyan. Isipin mo rin naman ang sarili mo at ang anak mo no, Wag kang mag-alala dadating din ang araw na babalik sayo si Andrew."
"Sana nga.."
Pag katapos naming kumain ay dumiretso na kami sa classroom, Wala naman kaming gaanong ginawa discussion lang at Quiz. Pero kahit na magulo utak ko ngayon dahil sa pagkawala ni Andrew ay hindi ko naman nakakalimutan na pag butihin ang pag-aaral ko. Sinisiguro ko na nakakapag participate ako sa klase at naipapasa ko ang mga Exams. Kailangan ko rin namang mag pursigi sa pag-aaral para sa anak ko, At syempre para na rin kay Andrew.
"Carla, Una na ako sayo ah. Kailangan ko pa kasing i breast-feed si Andrey."
Paalam ko kay Carla. Tanging tango lang naman ang isinagot nya sa akin. Malapit na sana ako sa kotse ng biglang may nag takip sa mata ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Andrew"
Pero pagkatanggal mo ay bumalik sa pagiging malungkot ang mukha ko. Si Jansen lang pala, hindi naman ako naiinis kay Jansen. Friends na nga kami eh kahit na Ex-boyfriend ko sya.
" 'to naman oh, minsan na nga lang tayo magkita eh."
May himig ng pag tatampo sa boses ni Jansen. Naging mag kaibigan na kami ni Jansen matapos 'kong makipagbreak sa kanya. Alam ko din naman na bukal sa loob nya ang pag paparaya para makasama yung taong mahal ko at yun ay si Andrew.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.