KIM'S POV
Isang linggo na yung nakalipas nung natulog dito si Andrew.. Pero hindi na ulit nasundan pa yun, palagi na syang umuuwi kay Sophia. Pero dumadalaw naman daw sya dito sa bahay sabi ni Manang Rosie, yun nga lang tinataon nya na nasa eskwelahan ako kaya ayun hindi na kami nag kikita. Gustuhin ko man syang suyuin pa pero hindi ko na magawa dahil sa super busy ako sa school. Ang sabi din ng mommy ko ay hayaan ko daw muna si Andrew at mag focus muna sa pag-aaral ko. Oo na, yun na yung ginawa ko kahit na masakit sa akin. Basta, palagi pa rin akong umaasa na isanh araw ay babalik sya sa amin ni Andrey.
"Hey! Happy birthday Miss beautiful!"
Si Jansen ang dumating may dala dalang mga regalo. 19 years old na ako ngayong araw.. Pero hindi ko naman maramdaman na birthday ko ngayon kasi alam nyo na, may kulang ... Wala dito si Andrew. Hindi pa nga nya ako binabati eh.
Pilit lang akong ngumiti kay Jansen.. Ayoko namang mag-alala din sa akin yung loko na 'to. Gusto kong ipakita sa kanilang lahat na okay ako pero deep inside.. Sobrang hindi. Akala ko kasi magiging okay na kami ni Andrew nung pumunta sya dito, noong umuulan. Pero hindi pa pala. Pag gising ko kasi noon ay wala na sa tabi ko si Andrew. Tapos.. Hindi na ulit kami nag kita pa.
"Kahit na mag panggap ka pa dyan, alam ko na nalulungkot ka. Sa susunod nga Kim galingan mo ang pag-arte mo."
"Halata ba na malungkot ako?"
Umakbay sa akin si Jansen. Tapos ay pinisil pisik yung pisngi ko. Kainis naman to! Ako nanaman ang napanggigilan. Pero, kahit na ginulpi sya noon ni Andrew, hindi nya pa rin nakuhang magalit sa asawa ko. Ang swerte ng magiging girlfriend nito ni Jansen. Super maalaga at pasensyoso. Bakit ba kasi hindi na lang sya yung minahal ko? Alam ko naman na tatanggapin ako ni Jansen. Pero yung pasaway kong puso ayun! Nag susumiksik sa bwisit na Andrew na yan.
"Hindi lang halata! Halatang halata! cheer up Althea Kim! Birthday mo kaya."
"Eh? Hindi ko talaga kaya eh. Nagiging malungkot pa rin ako."
"Eh kung sabihin ko sayo na pupunta si Andrew? Magiging masaya ka na ba?"
Para namang nabuhayan ako ng loob ng marinig ko yung sinabi ni Jansen. Kaya lang, hindi naman mangyayari yun. Kasi kinalimutan na ako ng baliw na lalaking yun. Si Andrey at Sophia na lang ang mahalaga sa kanya. Pero okay na rin sa akin yun. Atleast diba? May pakielam pa rin sya sa anak namin. Yun nga lang, Wala na ako sa kanya. Isa na lang akong bula para sa kanya. Kaya impossible talagang maalala nun ang birthday ko.
"Mukha mo Jansen! Hindi yun pupunta dito kahit na lumuha ka pa ng dugo sa harap nun. Ano ka ba? Hindi na nga nya ako mahal diba?"
Tumawa lang si Jansen ng nakakaloko at tumingin sa akin.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na tinawagan ko sya para pumunta ngayon? At paano rin kung pumayag sya? Ano Okay na ba yun?"
Nung narinig ko yun ay napayakap ako kay Jansen. Grabe! Malaman ko lang na darating ngayon si Andrew ay isang malaking gift na yun para sa akin. Hindi ko kasi tinext si Andrew na pumunta dito sa bahay kasi naman kung gusto nya naman akong makita ay mag kukusa na lang syang pupunta. Pero ito si Jansen ay kinausap pala yung loko 'kong asawa. Sa wakas! Makikita ko na ulit sya.
"Actually Kim, Kayong dalawa lang ang nandito mamaya sa bahay. Para makapag usap na rin kayo ng maayos. Parang dinner date na rin. Haha. Aalis kami mamaya ni Manang Rosie. But don't worry, okay na yung mga pagkain. Kaya wala ka ng dapat initindihin."
"Thank you Jansen!!!"
Niyakap ko ulit si Jansen, sobrang swerte ko talaga kasi may kaibigan akong katulad ni Jansen. Naku, kung wala sya. Baka lalong naging malungkot ang buhay ko. Palagi na lang nya akong tinutulungan. Basta, balang araw ay makakabawi din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.