CHAPTER TWO

11.3K 150 13
                                    

Si SOPHIA -->

SOPHIA'S POV

Nakadungaw kami ngayon ni Tiya Belen sa bintana habang pinag mamasdan sina William at Intoy na nag lalaro sa labas ng bahay. Masaya ako para sa anak ko kasi alam ko na masaya din sya ngayon.

"Hanggang kailan mo lolokohin si William o kung sino man sya."

Sabi ni Tiya Belen habang nag papaypay.

"Hangga't kaya ko po.. "

Binaba ni Tiya Belen yung pamaypay nya tapos ay tumingin sa akin.

"Sophia ano ka ba naman?! Bakit mo ginagawa ito. Wag ka naman maging makasarili! Paano na lang kung may naghahanap pala sa kanya?! Sigurado ako na hinahanap na yan ng mga magulang nya."

Tumingin ulit ako kay Intoy. Masayang masaya talaga ang anak ko habang nakikipaglaro kay William.

"Tiya, hindi po ako makasarili.. Ginagawa ko ito para kay Intoy! Ginagawa ko 'to para sa anak ko."

Ngumisi lang sa akin si Tiya Belen. Kainis, hindi nya talaga ako naiintindihan.. Palibhasa kasi ay matandang dalaga kaya hindi nya alam ang pakiramdam ng isang ina.

"Makasarili ka Sophia! Hindi lang si William ang niloloko mo pati na rin ang anak mo, Pinaniwala mo yung anak mo na si William ang tatay nya. Susme Sophia alam natin parehas na matagal na kayong iniwan ng asawa mo! Kung bakit ba naman kasi sa edad na 17 ay nag asawa ka. Ayan tuloy ang nangyari."

Nagpaypay ulit si Tiya Belen. May punto sya sa sinabi nya, pero kahit ano pa ang sabihin nya ay hindi ako makikinig sa kanya. Buo na ang desisyon ko na ipagpatuloy ang kasinungalingan na 'to.

"Alam ko na mali ako Tiya, pero naaawa ako kay Intoy. Palagi nyang hinahanap ang tatay nya, paano ko naman matitiis ang anak 'kong may sakit?! Si William lang ang makakatulong sa akin."

Maluha luha 'kong sabi kay Tiya Belen. Ginagawa ko lang naman 'to para sa anak ko.. Bago pa man ako manganak ay iniwan na kami ng asawa ko, hindi nya daw kasi kayang panagutan ang magiging anak namin. Masyado akong swerte sa buhay dahil pagkapanganak ko naman kay Intoy ay nalaman ko na mayroon pala syang Aortic stenosis isa iyong komplikasyon sa puso. Ayokong malungkot ang anak ko kaya nang makita ko si William sa bangin at malamang buhay pa sya sinunggaban ko na ang opurtunidad. Pumunta ako sa dagat at Tinapon ko yung Cellphone nya para kung sakaling may makapulot niyon ay akalain nilang patay na si William.

"Hindi mo ba alam kung sino sya talaga?"

Tanong sa akin ni Tiya Belen.

"Hindi na ako nag abala pang usisain ang tunay nyang pagkatao, mabuti nang alam nya na sya si William. Pakiusap po Tiya.. Wag nyo na po akong pigilan sa balak ko. Ginagawa ko lang naman ito para kay Intoy."

Nag lakad lakad si Tiya Belen sa sala habang nag papaypay tapos ay umupo ulit sa tabi ko.

"At paano kung makita na sya ng pamilya nya? Anong gagawin mo? O kaya naman paano na lang kung bumalik na yung ala-ala nya."

Naisip ko na rin iyan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong niisip na solusyon o palusot kapag dumating na ang sitwasyon na yan.

"Bahala na po.. Pero sisiguraduhin ko na mahuhulog sya sa akin.. Sisiguraduhin ko na mamahalin din ako mi William. Para hindi na nya kami iwan ni Intoy."

Tumayo si Tiya at pumunta sa pintuan. Siguro ay aalis na sya, pero bago pa man sya umalis ay may huling hirit pa sya ng sermon.

"Bahala ka, pero alam mo ang pwedeng mangyari ng dahil sa isang kasinungalingan."

At umalis na ng bahay si Tiya Belen. Tsaka ko na lang iisipin yung mga bagay na owdeng mangyari dahil sa pag sisinungaling ko. Ang importante sa akin ngayon ay mapasaya ko ang anak ko. At dapat na bukisan ko na ang kilos ko para mapa ibig ko si William. Hindi ako makakapayag na pati sya ay iwan kami.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon