CHAPTER TWELVE

8.3K 124 9
                                    

ANDREW'S POV

Maaga akong nagising dahil sa pag iyak ni Andrey. Binuhat ko yung anak ko tapos ay bumaba kami sa dining area bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Pag baba ko naman ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Sobrang tahmik kasi ng bahay. Si Kim, maagang pumasok sa school Si sophia naman ay malamang na maagang pumunta sa ospital para kay Intoy. Si manang naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Ang tahimik dito sa bahay noh, baby.. Tara sa garden na nga lang tayo."

Ibig sabihin kami lang dalawa dito ni Andrey. Nasan naman kaya si Manang? Wala kasi akong makausap dito eh. Hindi naman sumasagot si Andrey kapag kinakausap ko puro ngiti lang ang alam na gawin.

"Andrey, gusto mo bang mamasyal? Di ka ba nababagot dito? Parati ka na lang nandito sa bahay."

Syempre ngumiti lang sa akin si Andrey.. Grabe ang gwapo talaga ng anak ko, paglaki nito malamang na maraming babae na paiiyakin 'to. Tama nga si Kim.. Kamukhang kamukha ko si Andrey, parang ayaw ko na tuloy na lumaki si Andrey. Ayokong dumating yung panahon na iwan nya kami ng mommy nya.

"Hay naku, nag dadrama ako sa harap mo anak. Kahit hindi ka nakakapag salita alam ko naman na naiintindihan mo ako diba? Ano na, gusto mo bang mamasyal?"

Ngumiti lang ulit sa akin yung anak ko, adik sa ngiti 'tong bata na 'to ah. Umakyat na ako sa kwarto namin at binihisan ko na sya. Ako din syempre nag bihis na rin. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng mukhang engit lang diba? Dapat hot Daddy pa rin ang dating ko. Nang masiguro kong ok na ang ayos namin ni Andrey ay lumabas na kami ng bahay.

"Ayan! Diba baby, ang saya dito sa labas? Yung mommy mo naman hindi ka makuhang ipasyal."

Dinala ko si Andrey sa isang park na malapit sa University na pinapasukan ni Kim, bigla namang umiyak si Andrey.. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Kanina lang tawa ng tawa ngayon naman biglang iiyak. Bipolar yata 'to eh. Sinayaw sayaw ko si Andrey, hanggang sa makatulog. Inaantok lang pala 'to nag wawala pa ng ganun. Pero.. Kakagising nya lang ah. Tapos tulog ulit? Yaan na, ganyan ang trip nya eh.

"Halika, na nga iuuwi na kita.. Akala ko pa naman mag eenjoy ka dito sa labas. Yun pala tutulugan mo lang ako."

Nag umpisa na akong maglakad para maiuwi ko si Andrey sa bahay. Pero hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Kim sa di kalayuan. Nakatayo lang sya sa may Waiting Shed at panay ang tingin sa wrist watch nya. Mukhang may hinihintay sya. Pero sino naman kaya yun? Ah. Baka kaibigan lang.. Lalapit na sana ako ng biglang may humintonh kotse sa tapat nya.

"Si Jansen Yun ah.. Saan naman kaya sila pupunta? Tsaka.. Ano ba ni Kim yan si Jansen?"

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko na niyakap ni Jansen si Kim. Yung asawa ko naman ay todo ngiti habang nag uusap sila nung lalake. Bigla naman akong nakaramdam ng selos? Selos nga ba? Basta ang alam ko lang ay nabwisit ako ng makita ko yung eksena nilang dalawa. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan kong tawagan si Kim.

"Hello,Kim nasaan ka?"

"Nandito ako sa school ano ka ba naman? Nasa canteen ako. Free time namin eh. Bakit Hubby?"

"Ah, wala naman.. Sige bye."

Malungkot kong ibinaba yung cellphone ko, nag lakad na lang ako pabalik sa bahay namin. Akala ko ba gusto ni Kim na bumalik ako sa buhay nya? Pero bakit nya ako ginaganito? Nag sisinungaling pa sya sa akin, akala ko pa naman seryoso sya sakin peri mukhang hindi naman. Mukhang kailangan nya lang ako para sa anak namin. Bwisit namang buhay 'to oh. Pag kapasok ko palang sa bahay ay sinipa ko yung electric fan kaya naman natumba yun.

"Ay Andrew! Ano ba yan bata ka? Bakit nag sisira ka ng gamit?"

"Wala po, pasensya na.. Sige ho akyat lang ako sa itaas. Ilalapag ko lang si Andrey."

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon