A/N thank you sa lahat ng nag babasa, nag vovote at nag cocomment sa story ko. Hehe. Post na lang kayo sa message board ko yung mga gustong mag padedicate nakakalimutan ko kasi eh. Hehe salamat!
ANDREW'S POV
Nakadungaw ako sa bintana.. Sobrang lakas kasi ng ulan. Ang balita ko nga ay may bagyo ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng matinding pag-aalala para kina Kim at Andrey. Paano na lang kung may mangyaring hindi maganda? wala pa naman lalake sa bahay nila.
"Wag ka ng mag-alala okay lang sila"
Mula sa likod ko ay niyakap ako ni Sophia. Nandito na rin sa bahay ko si Sophia. Dumating sila ng anak nya kagabi lang. Ngumiti lang ako kay Sophia at lumipat ako ng pwesto. Medyo naiilang din kasi ako sa ginagawa nya sa akin. Ewan ko ba bakit nag iba na ako nitong mga nakaraang araw.
"Andrew!! Andrew!! Sorry na umuwi ka na sa atin!"
Nagkatinginan kami ni Sophia at sabay kaming napatingin sa bintana. Doon namin nakita si Kim nasa labas at basang basa sa ulan. Ano ba sya?! bakit nya ginagawa 'to? nababliw na ba sya? hindi nya yata alam na pwede syang magkasakit sa ginagawa nya.
Kumuha ako ng payong at ready to go na sana ng hawakan ako sa braso ni Sophia at tinitigan nya ako ng masama.
"Dito ka lang, hindi ka lalabas ng bahay."
"Ano ka ba naman Sophia?! Baka magkasakit si Kim! at napaka delikado sa labas."
Tumakbo si Sophia sa pinto at humarang doon. Ano ba kasi 'to si Sophia.. kung kailan naman ako nag mamadali tsaka pa umaarte ng ganyan. Minsan talaga hindi ko rin maintindihan si Sophia.
"Alis ka na kasi dyan! Kailangan 'kong puntahan si Kim."
"Dito ka lang Andrew. Ako ang lalabas.. ako ang pupunta kay Kim."
Agad na lumabas si Sophia at kinuha yung payong na hawak ko. Dumungaw ako sa bintana at doon ko na lang sila tiningnan.
Mula sa bintana ay natanaw ko na binigyan ni Sophia ng payong si Kim. Noong una ay nanlalaban pa si Kim. Halata na ayaw pa nyang umalis at pinipilit na makapasok sa loob ng bahay. Lalabas na sana ako para ayusin yung gulo na 'to kaya lang nakita ko na pumasok na sa kotse si Kim at umalis na. Ano kayang sinabi ni Sophia?
Hinintay ko lang si Sophia hanggang sa makapasok ulit sya ng bahay.
"Oh. Anong nangyari? Bakit biglang umalis si Kim?"
"Ha? ano kasi.. Sinabi ko na ayaw mo na syang makita dahil nga sa galit ka sa kanya. Ayun biglang umalis."
"Ganun lang kadali?"
"Oo Andrew ganun lang kadali. Sabi ko naman sayo hindi ka kayang ipaglaban ni Kim, alam mo kung bakit? kasi hindi ka nya mahal."
Hindi ako mahal ni Kim? Hindi nga ba? pero bakit nung paalis na ako ng bahay ay grabe sya kung makapigil sa akin? tsaka mukha namang hindi sya umaarte. Halos madala na nga rin ako sa emosyon nya eh. Pero.. Baka kasi tama rin si Sophia, baka hindi nya lang talaga ako mahal. Kasi kung mahal nya ako ipaglalaban nya ako.
KIM'S POV
Pag dating ko sa bahay ay nakapatay na ang ilaw. Nanlulumo ako sa nalaman ko.. Kaya pala ayaw umuwi ni Andrew dito sa bahay kasi mas pinili na nya si Sophia at ang... ANAK nila.
FLASHBACK.
"Sophia! ilabas mo si Andrew"
"Umalis ka na Kim! ayaw ka ng makita ni Andrew"
"Hindi! hindi ako naniniwala sayo! hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama si Andrew"
"Wala akong pakielam sayo Kim! tatanda ka lang sa kahihintay kay Andrew! hindi na sya babalik, hindi na nya kayo babalikan ni Andrey! alam mo kung bakit? kasi.. Buntis ako at si Andrew ang ama!"
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.