JANSEN'S POV
"10 am na pero wala pa rin sila.. Sa tingin mo darating pa sila?"
Tanong sa akin ni Kim na halatang kinakabahan na dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sina Sophia at Andrew. Ang usapan kasi namin ay 9 am. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Maski ako ay kinakabahan na rin. Pero ayaw ko lang ipahalata kay Kim na pati ako ay kinakabahan, gusto ko syang bigyan ng pag-asa na maaayos din namin ang lahat.
*Tok Tok*
"Come in"
Dahan dahan na bumukas ang Pinto. At mula doon ay pumasok si Andrew hawak naman nito ang kamay ng isang babae na medyo morena, medyo kulot ang buhok, mahaba ang palda at naka tsinelas lamang halata na galing sya sa probinsya. Pero kahit ganoon ay makikita pa rin yung magandang mukha ng babae. Siguro sya nga si Sophia. Pero napakunot ang noo ko ng makita ko ng malapitan si Sophia.
"Diba ikaw yung sa ospital? Yung babaeng umiiyak doon?"
Nanlaki din yung mata nya ng makita ako malamang na natatandaan nya ako. Ang liit nga naman ng mundo oh. Ibig sabihin nakita nga ni Kim si Andrew sa ospital. Sa wakas ito na ang tamang oras para mag kaliwanagan kami.
"Naku, maraming salamat sa inyo! Hindi na ako nakapag pasalamat ng personal dahil hindi na tayo ulit na nagkita. Malaking tulong sa amin ng asawa ko na nakapagtrabaho sya dito sa kompanya nyo."
"Asawa?!"
Sa sinabing yun ni Sophia ay napatayo si Kim. Aaminin ko na pati ako ay nagulat.. Sya pala ang sinasabi ni Andrew na asawa nya. Pero hindi ko alam kung paano nangyari yun.
"P-paanong naging mag-asawa kayo?! eh si Andrew yan! Asawa ko sya!"
"Teka Kim.. Maupo ka muna"sabi ko kay Kim. Kasi naman sumisigaw nanaman sya. Walang mangyayari kung mag sisigawan lang kami.
"Now tell me the truth. Sophia and nothing but the truth. Is he your legal husband?"
"H-ha?! ano bang tanong yan?! asawa ko si William!"
"Hindi sya si William! Andrew ang pangalan nya. Sya yung asawa ko na matagal ko ng hinahanap! Nag kahiwalay kami dahil sa isang trahedya! kaya please itigil mo na 'to! ibalik mo ang asawa ko!"
Tumabi ako kay Kim dahil nakikita ko na malapit nanaman syang umiyak. Hinawakan ko ang kamay nya para i-assure sya na nasa tabi nya lang ako. Tumingin ako kay Andrew pero nakikita ko na pati sya ay naguguluhan na.
"Sophia, may katibayan ka ba na sya nga si William?"
"Hindi ko kailangang patunayan sa inyo na sya si William! halika na William. Umalis na tayo."
Hinawakan ni Sophia si Andrew sa Kamay at pilit na hinihila. Pero si Andrew ay nanatili lang sa kinauupuan nya. Palipat lipat lang ang tingin nya kina Sophia at Kim. Siguro ay tinitimbang nya ang nararamdaman nya para sa dalawang babae na nasa harap nya. Swerte naman nito, pinag aagawan ng dalawang magandang babae.
"Sophia..Ako ba si Andrew?Hindi ko maalala na ako si Andrew at hindi ko rin maalala na ako nga si William!"
"Pati ba naman ikaw William maniniwala ka sa kanila? ako ang paniwalaan mo! ako ang asawa mo!"
Mukhang tama ang hinala ko. Halatang halata na nag sisinungaling lang ang Sophia na 'to.
"Sophia, sya si Andrew.. tama ang hinala ko. May amnesia si Andrew. Tigilan mo na 'to dahil gagawin namin ang lahat maibalik lang si Andrew kay Kim at sa pamilya nya."
Hindi na sumagot si Sophia sa sinabi ko. Bigla na lang nyang hinila palabas ng opisina si Andrew. Wala namang nagawa yung lalake kaya nag patangay na lang kay Sophia.
"Hindi ako papayag na agawin nya si Andrew!"
tumayo si Kim at mabilis na lumabas ng opisina.
ANDREW/WILLIAM'S POV
Gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari. Sabi ni Sophia ako si William. Sabi naman ni Kim ako daw si Andrew. Hindi pwedeng maging dalawa ang asawa ko. Pero sino nga ba sa kanilang dalawa ang tunay kong asawa?
"Dito ka lang Andrew"
Napatigil ako sa pag lalakad at lumingon ako sa likod ko. Doon ko nakita si Kim. Nakahawak sya sa kanang kamay ko, si Sophia naman ay nakahawak sa kaliwang kamay ko. Ang gwapo ko naman masyado! haha! ay hindi, hindi ito ang tamang oras para mag biro.
"Bitawan mo sya Kim."
Sabi ni Sophia na seryosong seryoso. Lumipat naman ang tingin ko kay Kim. Nakatingin lang sya kay Sophia pero yung tingin na mukhang papatay. Kanino ba ako sasama?
"Hindi ko bibitawan si Andrew! Oras na para bawiin ko sya sayo. Oras na para bawiin ko ang asawa ko na inagaw mo!"
hinatak ako ni Kim papunta sa kanya pero mabilis din akong hinatak ni Sophia pabalik sa kanya.
"Tumigil ka Kim! Wala akong inaagaw sayo! kaya wala kang karapatan na kunin sa akin si William."
hinatak ulit ako ni Kim.
"Wala kang inagaw? o sige. Pero hiniram meron! Hindi mo ba alam na hindi uso sakin ang ipamigay ang asawa?!"
hinatak ulit ako ni Sophia.
"Kung akala mo mag papatalo ako sayo. Pwes nag kakamali ka! Oo, wala nga syang maalala.. At sa mga panahong yun ay ako ang nag-alaga sa kanya! Wala kang pakielam sa buhay namin Kim!"
"Tama na! sino ba kasi sa inyong dalawang ang tunay kong asawa?"
sumigaw na ako para matigil na yung pag aagawan nila. Lalo lang akong nalilito sa kanila! para silang mga ewan. Hatak dito hatak doon, pakiramdam ko isa akong lubid na pinaghahatakan nila.
"Ako Andrew/Ako William"
sabay nilang sabi, hay naku bakit ko ba tinanong yun eh obvious naman na yan ang isasagot nila ang engot ko din eh.
"Mamili ka William.. Kanino ka sasama kay Kim na kailan mo lang nakilala o sa amin ng anak mo? Hinihintay ka ni Intoy, William.."
"Matagal na tayong mag-asawa Andrew. Puro kasinungalingan lang ang alam ng babaeng yan.. Hinihintay ka rin ni Andrey, ang anak natin."
Hanggang ngayon ay hawak pa rin nila ang mag kabilang kamay ko. Sino ang pipiliin ko sa kanila? Kung ayaw gumana ng utak ko.. sana yung puso ko na lang. Hindi ko rin naman alam kung sino ang papaniwalaan ko sa kanilang dalawa.
"Sorry Kim.."
tinanggal ko yung kamay ni Kim sa kamay ko. Pinipili ko si Sophia, kailangan ako ng mag-ina ko lalo na si Intoy. Hindi ko kaya na basta basta na lang silang iwan. Gusto kong suklian yung kabutihan sa akin ni Sophia.
"T-teka Andrew! Ako ang asawa mo! Niloloko ka lang nyan ni Sophia"
Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko ng makita ko na umiiyak si Kim. Aaminin ko na mas nasasaktan ako kay Kim. Parang may nag sasabi na sa kanya ako dapat sumama. Pero kasi naman kailan ko lang sya nakilala. At hindi ko naman pwedeng ipag palit ang samahan namin ni Sophia. Kung bumalik na sana ang ala-ala ko hindi siguro magkakagulo ng ganito.
"Wag kang umiyak.."
Namalayan ko na lang yung sarili ko na nakalapit na ako kay Kim at pinupunasan mga luha nya. Bakit ba naman kasi naipit ako sa ganitong sitwasyon.
"Sira ulo ka pala Andrew eh! Iiwanan mo na nga ako tapos hindi pa ako iiyak?!"
"Wag ka namang sumigaw! matutina ka talaga. Babalikan kita sa oras na mapatunayan ko na ako nga si Andrew. Pero sa oras na ako nga si William.. wag ka ng umasa na babalik pa ako."
hinalikan ko sa noo si Kim. Niyakap nya ako ng mahigpit at ganoon din naman ang ginawa ko. Iba ang nararamdaman ko noong niyakap ko si Kim. Parang may something special.
"Tama na yan! hindi na babalik pa si William. Hindi ko hahayaan na sirain nyo ang pamilya ko!"
hinatak na ako ni Sophia palabas ng building. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Basta ang alam ko lang ngayon na si Sophia ang dapat 'kong samahan. Dikta ng isip ko na tama ang ginawa kong pag sama kay Sophia pero ang puso ko... iba ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
Storie d'amoreWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.