ANDREW AND KIM ---->>
KIM'S POV
Nasa living room kaming lahat ngayon habang hinihintay si Sophia at ang anak nya na makababa galing sa kwarto nito.Hay sa wakas sumuko na rin ang babaeng yun sa pang gugulo sa pamilya ko.
"Mag behave ka lang ha? baka naman sunggaban mo si Sophia."
Umakbay sa akin si Andrew tapos ngumiti lang. Ako naman umiwas lang ng tingin. Sa totoo lang gusto kong Kalbuhin si Sophia sa lahat ba naman ng ginawa nya eh ni minsan yata hindi ako nakaganti sa kanya.
"Andrew,Kim mauna na kami ni Intoy. Salamat sa lahat ng naitulong nyo at pasensya na rin sa mga nagawa ko.."
Lumapit si Sophia. Akmang yayakap pa sana kay Andrew kaya lang agad akong humarang kaya naman napahinto sya. Kalokang babae 'to! may huling hirit pa sa pagnanasa sa asawa ko. Hindi na lang umalis agad at may nalalaman pang drama.
"Umalis ka na Sophia Wag ka ng mag paawa pa. Sana naging masaya ka sa panggugulo mo sa pamilya ko."
Hinawakan ni Andrew yung balikat ko, tsaka sa tumingin kay Intoy..yung anak ni Sophia, Napatakip naman ako sa bibig ko. May bata nga pala sa harap ko dapat hindi ako basta basta na nag sasalita ng kung anu ano. Kahit naman na masama yang si Sophia, hindi pa rin naman tama na idamay ko yung anak nya sa galit ko. Yan tayo eh. Mabait!
"Sige mauna na kami."
"Tatay.."
Tumakbo si Intoy papunta kay Andrew na umiiyak. Pati tuloy ako ay nalungkot para sa bata, Yung magaling kasing nanay nito ay kung anu-ano yung ipinasok sa utak nya ayan tuloy inakala nya na ang taay nya talaga si Andrew. Wish ko lang, sana makita nya yung tunay nyang daddy.
"Intoy, mag papakabait ka ha. Tsaka aalagaan mo lagi yung sarili mo ha"
Ginulo ni Andrew yung buhok ni Intoy. Lumapit naman yung bata sa nanay nya tapos ay binitbit na yung maleta nila, Si Sophia naman ay umiiyak pa rin. Akala naman nya ay maaawa sa kanya si Andrew. Ang hindi nya alam maging si Andrew ay galit na rin sa kanya.
"Oh ayan, Wala na yung kinaiinisan mong babae. Ano nang gagawin natin?"
Tanong ni Andrew habang nakatingin kami sa papalayong taxi na sinasakyan nila Sophia. Ngumiti ako at tumingin ako kay Andrew, Eto na yun! Sigurado ako na ito na yung tamang panahon para makapag simula kami ni Andrew tsaka ni Andrey. Akala ko talaga hindi na namin maaayos 'to ni Andrew.
"Andrew, nood tayong concert ng Perfect 8. Alam ko banda yun ng mga teen ager na lalaki. May concert daw sila dun sa Park na malapit sa bahay natin."
"Eh? Nakakatamad naman Wifey. Mag movie marathon na lang tayo o kaya naman mag bake tayo ng cake. Just like the old times.. Namimiss ko na yun eh."
Nabigla ako sa sinabi ni Andrew, ano daw? Just like the old times? Ibig sabihin ba nyan naaalala na nya yung mga bagay na ginagawa namin dati kapag mag kasama kaming dalawa? Hindi kaya bumabalik na rin yung ala-ala nya?! Grabe!! Sobrang saya naman nyan.
"Bakit Kim? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? O kaya naman gusto mo pumunta tayo sa Pagudpud beach. Diba doon tayo ikinasal?"
Niyakap ko agad si Andrew. Tapos ay pinaghahalikan ko yung mukha nya. Oa nanaman ako, kasi naman eh sobrang saya ko lang. Sana mag tuloy tuloy na yung pag balik ng ala-ala nya. Para mas masaya.
"Naaalala mo na Andrew? Naaalala mo na yung mga ginagawa natin dati! Ano pa? Ano pa yung naaalala mo? I'm Happy for you."
"Ha?! Oo nga! May mga bagay na naaalala ko. Pero, Hindi pa masyado. I love you Kim! Sana maalala ko na yung lahat. Konti na lang babalik na din sa dati ang lahat."
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomansaWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.