KIM'S POV
"Oh, manang.. Ayos lang po ba kayo?"
"Ayos lang ako anak.. Wag mo akong intindihin."
"Pero po, namumutla na kayo.Sige na po mag pahinga na muna kayo.. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo eh."
"Eh? Hindi pwede anak. Tatapusin ko pa yung mga labahin. Tambak na yung labahin ko eh."
"Yaan mo na po yan Manang. Ako na po ang bahala dyan."
Inalalayan ko si Manang Rosie hanggang sa maihatid ko sya sa kwarto nya. May edad na rin kasi si Manang Rosie kaya ayan, medyo nahihirapan na rin sa mga gawaing bahay. Bumalik ako sa utility room, doon ko lang talaga natitigan yung mga nilalabhan ni Manang Rosie.. Ang dami pala talaga. Pero kailangan kong tapusin 'to kasi wala ng damit si Andrey nasa labahan na rin lahat. Wala na rin masusuot si Andrew, syempre hindi pwedeng mag hubad si Andrew dito sa bahay syempre alam nyo na may kasama kaming Snake dito sa bahay.
"Paano ko naman tatapusin 'to? Ang dami nito tsaka hindi ako marunong mag laba."
Napakamot ako sa ulo ko, may washing machine naman kami pero kahit na! Mukhang nakakapagod pa rin eh. At tsaka hindi ko talaga alam kung paano mag laba. Hindi naman kasi ako naturuan eh. At tska bumalik na kasi ako agad sa school pagkapanganak ko so ayun.. Masyado na akong naging busy kaya ayan, wala akong alam. Kinuha ko yung mga damit na galing sa washing machine.tapos ay nilubog ko ang lahat ng iyon sa planggana na may tubig. Nilubog ko yung paa ko dun. Infairness masarap pala mag laba kapag paa ang ginagamit.
"Akala ko nakakapagod ang mag laba.. Hindi naman pala eh, pwede naman palang paa ang gamitin sa pag lalaba."
"Kim si andrey ba-"
Pumasok si Andrew sa utility room tapos napahinto sya sa pag sasalita ng makita nya ako. Ewan ko pero parang nagulat sya sa ginagawa ko. Lumingon sya sa paligid at parang naengkanto sa nakita nya. Siguro ay nagulat din sya sa dami ng dapat labhan.
"Nagulat ka ba kasi ang dami kong dapat labhan?"
Umiling lang si Andrew bilang sagot nya sa tanong ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinagot nya sa akin. Eh kung ganoon saan sya nagulat? Binuhos ko sa isa pang timba yung mga damit na nilabhan ko gamit ang paa ko, tapos ay kinuha ko naman yung mga damit na nakasalang sa washing machine tapos ay nilabhan ko ulit gamit ang mga paa ko.
"Ah alam ko na! Nagulat ka kasi nakita mo akong naglalaba?"
Umiling lang ulit sa akin si Andrew. Pero halatang halata naman na pinipigilan nya lang ang pag tawa nya. Naguguluhan na talaga ako sa kanya hindi ko alam kung anong dahilan nya atkung bakit sya nag pipigil ng tawa. May nakakatawa ba sa ginagawa ko? Sa pagkakaalam ko kasi ay seryoso naman ako sa ginagawa ko so walang dahilan para mag ganyan sya. Nasisiraan na nga yata 'to si Andrew eh.
"nagulat ako kasi... Mukhang gagamitin mo nga lang talaga ang paa mo sa paglalaba"
Lumapit sa akin si Andrew at umupo sa tabi ko. Tinanggal nya yung mga paa ko na nakalubog sa balde tapos ay nag umpisa na syang mag kusot ng mga puting damit. Inuna pa nga nya yung mga puting damit ni Andrey. Wala akong magawa kundi ang titigan na lang sya habang nag kukusot ng mga damit, Kitang kita ko na hindi lang sya nag mamarunong o nag papabida. Halata naman na marunong mag laba si Andrew.
"Andrew? Paano ka natutong mag laba?"
Tumingin lang sya sa akin at nag patuloy lang sa pag kusot ng damit. Ang sungit naman nito, para tinanong ko lang kung paano sya natutong mag laba hindi na ako pinansin.Parang kagabi lang ang sweet sweet nya sa akin tapos ngayon ganyan naman sya. Ganun ba talaga kapag nagkaka amnesia? Pabago bago ng mood? O sadyang si Andrew lang ang ganun?
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.