KIM'S POV
"Oh Kim, Ako na dyan.."
"Hindi po Manang kaya ko na po ito."
Nasa kitchen kasi ako ngayon at nag luluto ng breakfast para kay Andrew. Dito na kasi nakatira si Andrew pero... Dito rin nakatita si Sophia, Badtrip nga eh. Akala ko pa naman ay magiging okay na ang lahat pero hindi pa rin pala. Wala eh, magtitiis na lang ako para makasama ko si Andrew.
"Kim.. Gusto mo tulungan kita?"
Huminto ako sa pagluluto at humarap ako sa nag salita. Sino pa ba? Eh di ang magaling na si Sophia. Nakaramdam nanaman ako ng matinding inis. Ewan ko ba naman kasi kung bakit sulpot pa sya ng sulpot sa harapan ko eh alam naman nyang hindi ako natutuwa kapag nakikita ko sya.
"Thanks, but no thanks"
Humarap na ulit ako sa niluluto ko baka kasi masunog pa 'to ng dahil sa kanya.
"Gusto mo.. Gisingin ko na lang si Andrew?"
"Hindi! Pwede ba Sophia? Intindihin mo na lang yung anak mo."
Pinatay ko na yung stove at tinanggal ko na yung apron na suot ko, tapos ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Andrew. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at doon ko nakita si Andrew na mahimbing pa rin na natutulog. Pumasok ako sa loob ng kwarto at lumapit sa crib ni Andrey, ganun din yung anak namin mahimbing na natutulog. Humiga ako sa kama at niyakap ko yung katawan ni Andrew. Grabe namiss ko talagang gawin 'to. Gumalaw naman si Andrew at bahagyang dumilat.
"Goodmorning Hubby. The breakfast is ready"
Bumangon si Andrew at pupungas pungas na tumingin sa akin. Kahit na bagong gising sya ang gwapo gwapo pa rin. Tumayo sya at lumapit naman sa crib ni Andrey tapos ay kinapa nya yung diaper ni Andrey.
"Kim, Puno na yung diaper ni Andrey.. Grabe naman pala 'tong bata na 'to ang lakas umihi"
Napangiti ako sa ginawa ni Andrew. Actually, feel na feel ko talaga na nasa isang kwarto lang kami lahat.. Mas naramdaman ko na buo na ang pamilya ko. Kagabi nga eh, si Andrew ang nag puyat sa pag babantay kay Andrey. Paano kasi ayaw matulog ni Andrey ewan ko ba kung bakit ayaw matulog ng batang yan. Kaya ngayon ayan sya at nakahilata sa crib. Puyat eh.
"Sige na bumaba ka na, susunod na ako papalitan ko lang ng diaper si Andrey."
"Okay"
Pumunta na agad ako sa cabinet para kumuha ng diaper. Kaso nasagi ko yung bag na nakapatong dun. Bag yata ni Andrew kaya ayun nalaglag din yung mga gamit nya.
"Ano ba naman 'to si Andrew. Hindi man lang sinara yung bag nya.."
Isa isa 'kong pinulot yung mga gamit nya na nahulog. Isa isa kong pinasok sa loob mg bag nya yun, tapos ay may nakatawag ng pansin sa akin.. Yung wallet nya. Ewan ko pero naintriga ako sa laman ng wallet nya eh. Kaya binuksan ko.
"I love you Sophia.."
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang nakaipit na papel sa wallet ni Andrew. Nakita ko na may nakasulat sa papel at ayan na nga yung 'i love you Sophia' na nakalagay. So... Mahal nya pala si Sophia?! At ano ako? Wala? Hindi na nya ako mahal?! Tinago ko ang wallet ni Andrew at pinunit ko yung papel na hawak ko.
"Bwisit talaga!"
Nag umpisa nang tumulo yung luha ko. Paano naman kasi.. Dati sa akin lang sweet si Andrew, dati ako lang ang sinasabihan nya ng I love you, dati nasa akin lang yung atensyon nya. Dati ako lang ang inaalagaan nya pero ngayon iba na eh.. May Sophia kasi na biglang sumulpot. Pero naisip ko din na hindi ako dapat sumuko dapat na ipaglaban ko yung karapatan at pagmamahal ko kay Andrew. Pagkatapos kong palitan ng diaper si Andrey ay bumaba na ako at dumiretso sa kitchen.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.