ANDREW/WILLIAM'S POV
Nasa opisina ako ngayon ng Ramirez Inc. ang sabi kasi ni Sophia ay pumunta daw ako sa kompanya na 'to dahil may trabaho daw na nag hihintay sa akin dito.
"Tanggap ka na. Wala kang ibang gagawin kundi ang mag linis dito. Pwede ka ng mag simula bukas"
Sabi sa akin ng babae na nag interview sa akin. Mukhang dalaga pa ang isang 'to ah.. Malamang isa 'to sa mga boss ng company na 'to.
napangiti naman ako ng marinig ko na tanggap na ako. Nag apply kasi ako bilang janitor ng kompanya. Wala naman akong ibang alam gawin kundi ang mag linis na lang.
"maraming salamat po"
Sa wakas! makakatulong na rin ako kay Sophia. Ang hirap kaya kapag walang pera.. hindi namin mapagamot ng maayos si Intoy. Atleast kahit papaano ay makakaluwag luwag na rin kami. Kailangan bago makalabas si Intoy sa ospital ay may mahanap na rin akong bahay. Sa ospital lang kasi kami nag lalagi ni Sophia.
"Grabe.. ang laki pala ng Kompanya na 'to siguro sobrang yaman na ng may ari nito."
hindi muna ako agad lumabas ng kompanya inikot ko muna ang buong floor. Manghang mangha kasi ako sa laki nito at sa mga painting na naka display.
"Hello Kim nasaan ka na? Oo, nandito lang ako sa company dumaan ka na lang.. Okay sige, bye"
Napatingin ako sa isang lalaki na papasakay sa elevator. Pero hind nya ako nakikita dahil sa nasa gilid lamang ako. Parang kilala ko sya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.
"Kim.. Sino si Kim?"
Napahawak ako sa ulo ko dahil may bigla nanaman akong naalala. Isang babae tapos may naririnig ako na mga boses, tinatawag nilang Kim yung babae na nasa isip ko pero hindi ko makita sa isip ko yung mukha nung babae. Ano ba naman 'to oh, bakit napapadalas yung sakit ng ulo ko?
"bakit kaya ganoon?sino kaya si Kim? sino si Andrew? bakit nung marinig ko yung mga pangalan na yan ay sumakit yung ulo ko? bakit parang konektado sila sa akin?"
Naglakad lakad pa ako.. May mga bagay na gusto kong maalala. Parang pakiramdam ko sa pag pasok ko sa kompanyang 'to ay babalik ang ala-ala ko hindi ko alam kung bakit.
"Haaay.. makabalik na nga lang sa ospital."
bago ako sumakay sa elevator ay sumulyap ako sa baba. Nasa 4th floor kasi ako. Napakatahimik ng buong kompanya may mangilan ngilan din akong nakikita na naglalakad sa lobby. Actually yung lobby lang ng kompanya ang nakikita ko mula dito sa kinalalagyan ko.
"Siguro.. Mayaman ang lahat ng nag tatrabaho dito.Sana yumaman din kako para maipagamot ko si Intoy."
Habang nakadungaw ako ay may isang babae na pumukaw sa atensyon ko. Ewan ko ba bakit ako napatingin sa kanya. Medyo hindi makita yung mukha nya dahil nga nandito ako sa 4th floor. Nag hihintay lang sya dahil sasakay sya sa elevator.
"Mayaman din siguro yang babae na yan. Nagtatrabaho din kaya sya dito? tama na nga, bakit ko ba pinapansin pa ang buhay ng ibang tao? makababa na nga."
Sumakay na ako sa elevator. Excited na talaga ako kasi mag uumpisa na ako sa trabaho bukas. Gagalingan ko talaga para naman mag tagal ako dito sa kompanyang 'to.
"Fighting!"
nasabi ko na lang. Napatingin naman sa akin yung kasabay ko sa elevator. Nakakahiya baka akalain nya na nababaliw na ako. Umiwas na lang ako ng tingin.
*Ting!*
Bumukas ang pinto ng elevator. Ibig sabihin ay nasa lobby na ako, lumabas na ako at sa pag labas ko ay napatingin ako sa katabing elevator. Pasara na ito, bago pa man sumara ang pinto ng kabilang elevator ay may nakita akong babae. Nagkatinginan kaming dalawa. Tapos ay sumara na yung pinto ng elevator.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.