ANDREW/WILLIAM'S POV
Maaga akong nagising. Pag dilat ko ay wala sa tabi ko si Sophia. Bumangon ako at pumunta ako sa labas ng bahay doon ko nakita si Sophia na nag sasampay ng damit.
"Uy Sophia"
"Ay! palakang kokak!"
Nagulat si Sophia sa pag sulpot ko kaya naman natapilok sya at nawalan ng balanse. Buti na lang at nasalo ko sya agad.
"Ano ka ba naman William ginulat mo ako."
"Pasensya na.. Naalimpungatan ako, wala ka na kasi sa tabi ko eh."
Sa sinabi 'kong iyong ay ngumiti si Sophia. Parang high school lang 'to si Sophia halatang kinikilig sa akin.
"Ah, Sophia bakit napapadalas yata yung pag lalaba mo?"
Sinampay muna ni Sophia yung damit na hawak bago sumagot sa tanong ko.
"Trabaho ko 'to.. Labandera ako. Kailangan 'kong mag trabaho para mabuhay tayo."
Nakaramdam naman ako ng panliliit sa sarili ko kasi imbis na ako ang nag tatrabaho eh si Sophia pa ang nag hahanap buhay para sa amin.
"Sophia! Sophia si Intoy hinimatay!!"
Sabi ng isang matandang babae na lumapit sa amin.Tumakbo naman kami ni Sophia kung saan nahimatay si Intoy.
"Intoy! Intoy! gumising ka! Anak!"
"Sophia dalhin na natin sya sa ospital!"
Binuhat ko si Intoy at agad namin syang dinala sa ospital sa bayan. Pero pag dating namin doon ay tinanggihan din kami hindi na raw kasi kaya ng ospital ang kaso ni Intoy kaya dapat daw ay sa Maynila na namin dalhin ang bata.
"Anong gagawin natin William?"
Iyak ng iyak si Sophia habang hinahaplos ang buhok ni Intoy na noon ay hindi pa nag kakamalay.
"Dadalhin natin sya sa Maynila."-Ako
"Pero William wala tayong pera! tsaka saan naman tayo titira doon?!"
"Wag muna nating isipin yan ang mahalaga ay madala natin sa Maynila ang bata."
Pumayag naman si Sophia bandang huli at dinala nga namin si Intoy sa Maynila para ipagamot. Ang hirap pala talaga kapag walang pera. Ilang oras din na byahe ang pinagdaanan namin at nakarating din kami sa Maynila.
"Wag kang mag-alala magiging okay din ang lahat."
"Sana nga William. Habang tumatagal ay lumalala ang lagay ni Intoy. Naaawa ako para sa anak natin."
"Sophia, sorry ha. Sana pala nag hanap na ako ng trabaho noon pa para nakatulong ako sayo."
"Ano ka ba wala yun.. syempre kailangan kitang intindihin dahil sa Nawala nga yung memorya mo."
hinawakan ko na lang ang kamay ni Sophia. Alam ko na malalagpasan din namin ito.
"Ah.. Okay na po ang lagay ng bata. Pero kailangan pa rin syang obserbahan sa ngayon po pakibili na lang yung mga gamot na 'to."
inabot ng doctor kay Sophia ang reseta. Ganun na lang ang pag simangot nya ng makita nya ang reseta.
"Bakit Sophia.. May problema ba?"
"h-ha? wala naman. William.. pakibili naman 'tong mga gamot dyan sa botika."
"Sige.."
kinuha ko na ang reseta at nag simula na akong mag lakad.Pero hindi pa man ako nakakalabas ng ospital ng may bigla akong marinig.. isang pamilyar na pangalan.
BINABASA MO ANG
My Husband Lost His Memory
RomanceWhat will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Husband [Andrew] doesn't know his wife anymore. But Kim believes that the heart remembers what the mind forgets.