Chapter 21: Road to Forever

4 0 0
                                    

Katniss POV

Hindi na yata siya masyadong masungit ngayon, he let me drive his own car and that's it he trust me! Wow! BUT hindi niya ako kinakausap busy sa phone.

"Ah Johanne, I just want to say thank you for letting me join you in your car."

Napatigil siya sa pagkalikot at blangkong humarap sakin.

"Excuse me? As far as I remember, YOU PUSH YOURSELF para sumabay sakin" Ipinagdiinan pa talaga! Fine!

I rolled my eyes. "Do you like me?!" Hah?! Bat yan ang lumabas sa bibig ko?!

Pero nakita ko naman agad ang gulat sa mukha niya. "WHAT!"

"Lagi ka kasing nagsusungit sakin and I don't know why!" Wala yata akong maalalang oras na hindi siya nagsusungit sakin.

"Cause you're stupid and I hate STUPID!"

Hiinarap ko siya na salubong ang kilay. "Yah! Bawiin mo yang sinabi mo, I'm not stupid!" Bubugaan ko siya ng apoy raaaawwwrrr!

"Shit!" Pero nakita ko siyang kinabahan at mabilis na humawak sa manibela.

Napatingin ako sa harap. "Waaaahhh" Halos sigaw kong sabi.

Mababangga kami ng malaking truck! Helppppp! Ipinikit ko ang mata ko. Naramdam ko nalang na malakas na nagpreno ang sasakyan and we stopped. Naririnig ko ang malakas na hingal niya. "What the hell! Muntik na tayo dahil sa pagiging stupid mo." Agad siyang lumayo sakin.

"S-sorry! Nadistract lang kasi ako! Are you okay?" Pagtingin ko sakanya may galos siya sa noo. "Oh my God may sugat ka! I'm really sorry!" Hindi niya yata naramdaman yun kaya nagsalim siya agad.

"Damn! This is your fault!"

"Wait here!" Agad akong bumaba at pumunta sa compartment, binuksan ko ang maleta ko at hinanap doon ang small emergency kit ko bago ako pumasok napansin kong nasa midst of nowhere pala kami lahat ng nasa palagid ay taniman ng palay. Where are we?! Hindi ko alam kaya pumasok na ako.

"Lumapit ka sakin gagamutin ko yang sugat mo." Sabi ko pero di siya gumalaw.

"Where did you got that thing?!"

"Girl scout?!" Ako na yung lumapit, dinampi ko yung bulak na may alcohol. "Aww!" Parang aso ah. Inihipan ko yun para mawala agad yung hapdi, pagkatapos ay nilagyan ko ng band aid. Nagulat nalang ako nung pagtingin ko sakanya nakatitig na siya sakin, this man has the cutest eyebrows ang kapal eh! And add his dark brown eyes para akong malulunod. Pero yung dark brown eyes na to ay unti-unting lumalapit nang lumalapit. I can smell his breath, cool mint!

1 inch,... half inch... and...

I felt our noses bump each other.

And.........

Japanese song playing

Damn! Malapit na eh! Badtrip yung tumatawag!

Natigil ang malapit na naming paghahalikan, pakiramdam ko ang laki-laki ng mata ko at pulang pula ang mukha ko.

"You're phone is ringing" He said without moving his eyes on me at ganun parin kami kalapit.

Halos nakapatong na pala ako sakanya kaya naman agad-agad akong lumayo, kinuha ang phone sa dashboard at tiningnan kung sino ang nasa screen, Ang galing mo talaga tumayming Miss Castro!

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon