chapter 6 continuation...

23 1 0
                                    

........

"I'm Johanne Gray Sy,... now, get out of my office while I can control myself not to hurt you." He's serious in his statements.

Nagulat si Katniss sa sinabi nito. Then she laughed.

Is she laughing? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Kaya ko siyang saktan... ugh depende pala.

"hahaha gosh, this is really different hahaha... hoy ikaw ah, pinagloloko mo ako haha." Naglakad ito papunta ulit sa upuan at umupo. "You're not Johanne, so mind you, lumabas kana." Nag make face pa siya na ngingiti-ngiti.

He finds it cute but he will not tolerate this kind of behavior. Iniinsulto siya ng harap-harapan. Akalain niyo yun pinapalabas siya sa sarili nilang opisina. Hindi rin daw siya si Johanne.

May iba na pala akong katauhan ngayon. Tsk!

Ginugulat talaga ako ng babaeng to. Nakawala yata to sa mental.

He chuckled. "Me? Are you serious Miss?" He crossed his arms at lumapit kay Katniss.

Tumaas ang kilay ni Katniss sa isip lang niya. Ano bang gustong palabasin ng lalaking to?

Nairita siya. "Yeah... I'm Katniss Jade Windsor don't call me miss, it's too formal."

Sasakalin ko na talaga siya. Somebody stop me.

Pinagdiin niya ang bibig nito na halata ng galit. Pero nagpipigil lang siya. "Whatever! Takas ka ba sa mental? Alam mo ba yang mga sinasabi mo? Hindi ko alam kung anong ang tumatakbo sa isip mo at hindi ka naniniwala saakin ...now, kung wala kang magawa sa buhay wag akong pagtripan mo, lumabas kana ng office ko, umuwi kana bago pa ako makatawag ng security"

Hinawakan niya sa braso si Katniss dahilan para mapatayo siya.

"Don't touch me." Pinalo ang kamay ni Johanne sanhi para mabitawan siya nito. "If you're Johanne, then explain this to me." May bagay siyang nilabas. "I got this from other person, siya yung may-ari, tapos ngayon kinaclaim mong ikaw si Johanne, ikaw ang baliw, impostor" Sigaw niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya, yun ang matagal na niyang hinahanap kay Jack, 2 weeks ago kinuha niya ito sakanya tapos hindi niya maibalik-balik sakanya yun pala ay nasa kamay ng iba. Damn that asshole. Sabi ng isip niya.

"Don't you dare call me impostor, ... Akin na yan." Lumapit siya para kunin ito.

"oooppss... too slow babe" Mabilis na tumayo at nailihis ni Katniss ang kamay niya, tinago niya ito sa likuran niya.

Babe huh? Yuck! Sabi ng isip niya. Pero sa babaeng ito niya lang narinig na hindi malaswa ang pagtawag sakanya ng babe.

"Give me that thing, you crazy woman." Agaw niya ulit. Pero mabilis talaga ang kamay ni Katniss.

"Ayoko nga. Not now, never!" Umatras si Katniss saka niya pinandilatan si Johanne. Nakaguhit na sa pagmumukha ni Johanne ang galit at inis.

"Pwede ba Miss ibigay mo na sakin yan." Sigaw niya.

Aba! Sinisigawan ako? Ang isang Windsor, sinisigawan lang niya? Gusto na ba niyang mamatay dahil right now, I can do it. I CAN!

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon