Chapter 7: The Bully, The Accused, The Lawyer, The Vocalist

14 1 0
                                    

Katniss POV


Another week past again. Naibalik ko na yung ID at naingkwentro ko ang totoong may-ari nun, hmp ang sungit niya, anyways wapakels na akets sakanya.

Niyaya ako ng bestfriend ko na mag night life naman daw kami. Mabisa din daw itong pang move on, party all night.

Sumama ako para makalimot din kahit saglit.

Dahik broken hearted parin ako, black parin ang motif ng get up ko.

Pagpasok namin naamoy ko agad ang halo-halong amoy ng alak at sigarilyo, ang disco light, ang DJ na nagpapatugtog ng Solo na kanta ni Iyaz yung iba napapatingin saamin. Kumuha agad ng alak ang bessy ko at nagtungo na sa dancefloor. Tsk! siya lang naman ata mag-eenjoy.

Tsk ang ingay. Malamang, bar ito.

Pumunta ako sa may counter, umupo sa stool at nag-order ng alak.

"hi" Kahit maingay ay narinig ko parin ang nagpapansin saakin.

Nilingon ko siya with 'what' look.

"I'm Tyler, okay lang kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo." Umupo siya sa tabi kong stool.

I rolled my eyes. "Katniss." Sabay lagok sa alak.

"Wow! The girl on fire." Tsk. Halata namang naghahanap ng kaflirt. "Mag-isa ka lang ba?"Tanong niya ulit.

Dahil busy si bessy, pagtyatyagaan ko nalang ang mokong na to. “nope, I’m with my bestfriend, ikaw?"

"I’m with my girlfriends" Nilingon ko yung gawi ng mga mata niya, isang kumpol ng kababaihan, ngiting ngiti siya habang nagpapacute yung mga babae sakanya.

Tsk! Tsk!

Napansin kong hindi niya maubos-ubos yung alak na kanina niya pa hawak-hawak samantalang ako ay nakadami na.

"Hey want to dance?" Baling niya saakin. Suntok gusto mo.

"I'm here to got drank,.. only" Sabay inom na naman. Hanggang sa may naisip ako para naman exciting ang gabing to. "If you want to dance with me, let's make a bet, 20 glass, bottoms up."

"sure, pero dapat may prize ako after. Hirap kayang umubos ng 20 glass."

"sure, pero pag nalasing kana at di pa ubos ang 20 glass... bubugbugin kita." Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero saglit lang yun ng ngitian ko siya.

“Okay pero goodluck” Mataas ang confidence niya ng sabihin yun.

Goodluck sayo!

I smiled sweetly when he agreed.

Matagal-tagal na kasing hindi nakakawarm-up ang kamao ko.

Nagsimula ang battle namin at ilang tao narin ang nanonood, we caught their attentions.

woooooohhhh. Sigaw nila.

Sinisigaw nila ang pangalang...

Tyler, Tyler, Tyler, Tyler.

Sikat pala ang ugok na to ah.

"10"

Sabay naming sabi at toss. Pang sampung baso na namin yun.

"you know what Kat-nish, your goodsh in drinking." Naamoy ko na ang bugbog niya.

"yeah, and you are not... CHEERS." Nakipagtoss ako sakanya, nang itutungga na niya natumba siya sa upuan at nagtawanan ang lahat.

"hindish pa ako lashing." Tumayo siya at pagewang gewang na lumapit saakin. "Ikawsh si Katnish, ibibigash ko na ang prizesh mo" Humawak siya sa balikat ko at akmang hahalikan.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon