Chapter 12: Brothers

8 0 0
                                    

******

Lumayo ako ng two meters sakanya at di na nagsalita. Sinabayan ko nalang ang kantang tumutugtog sa tenga ko. Para naman di mapanis ang laway ko. Tinatamad narin akong magjogging, nawala lahat ng energy ko sa bad vibes na nasa unahan ko. I started to sing...


I dont wanna fight no more, I dont know what were fighting for.
When we treat each babe, like an act of war.
I could tell a million lies and it would come as no surprise.
When the truth is like a stranger, hits you right between the eyes.


Duet ito ni Taylor Swift at Deff Leppard, When Love and Hate Collide. Argh! Wait! Playlist ko ba to! Wala akong maalalang may ganitong kanta sa fone ko. Fan ako ng 1 Direction at never naging fan ni Taylor Swift.

Whatever! Napatigil ako sa pagkanta nang huminto siya.

"ohmygee! Bakit ka huminto?!... May aso na naman ba?!" Tanong ko, as I removed my earphones.


But I heard him whisper.


STUPID STALKER!

Isa pa! Patay na sakin ang taong to!

Ngayon ko lang napansin ang paligid namin, magaganda ang mga bahay parang american style na walang matataas na gate, bush ang nagsisilbing wall. Samantalang yung bahay ko, mataas ang wall at natadtad ng CCTV.


"Bunso kumusta jogging?! Here" May nagsalita at naghagis sakanya ng bottled water sa kung saan.


Hinanap ko iyon. Nanlaki ang mga mata ko.


O__O


O! M! G!


"Thanks Kuya, ... not really fine. Meron kasing stupid stalker sa paligid" Saka siya tumingin sakin sabay irap.


Wait! Kuya!?

Nilingon ako nung tinawag niyang kuya na may kunot ang noo at unti-unting nanlaki ang mga mata niya same as me.


"Are you... Miss Windsor?!"


"M-Mmmmr. L-Lawyer!" Bulalas ko.


Siya nga. Ang lawyer ni Tyler. Nagmura ako sa isip ko as I remembered kung ano yung ginawa ko noon sakanya sa labas ng supreme court. Kung sinuswerte nga naman.


"You know each other?" Tanong ni Johanne sa Lawyer ni Tyler, nilingon niya ako at bigla namang tumaas yung kanang kilay niya saka ngumisi. Oh no! Am I in trouble again?!


They are brothers! Really?!


"Magkapatid kayo?" Diko makapaniwalang tanong.

Pero nagsimula nang humakbang si Mr. Lawyer PATUNGO SAKIN! Shit! baka kasuhan niya ako ng kung anu-ano dahil sa ginawa ko sakanya noon. Idagdag pa ang mga ginawa ko kay Johanne. Sheeeeet! Naloko na!

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon