--->>>
Katniss POV
Paggising ko ng umaga yung kahapon parin ang naaalala ko, ang laki ng problema ng dalawang magkapatid na yun sakin! Ano bang ginawa ko sakanila? Omo! Hindi kaya alam na nilang isa akong mafia?! Imposible naman! Argh!! bakit ba sila ang iniisip ko. Sabado ngayon at mag-uunwind ako.
May napanood ako kagabi na magkakaroon daw ng meteor shower sa parte ng Tagaytay, kaya naman Here I am Tagaytay!
Hindi ko na isasama ang friends ko, honestly hindi talaga ako nagsasama ng friends pag may mga getaways ako, simple lang ang rason gusto kong mapag-isa mas nakakapag isip kasi ako kung ako lang.
I was on my way when my car stop. What the fuck!
Agad akong bumaba, kinuha ang toolbox at binuksan ang harap. Ano kayang problema ng sasakyang to? Gusto mo na bang mapalitan hah?! Madali lang akong kausap! Tss! Ayaw mo sumagot? Sige aayusin muna kita sa ngayon. I know how to fix cars, part to ng training ko noon bilang isang mafia.
Ilang beses kong in-start at ilang beses na tiningnan ang sasakyan pero wala parin. Badtrip naman oh! Ayaw pang makisama! Inis kong tinadyakan ang gulong pero napaupo aki sa sakit. Shit! Damn it!
Napatingin ako sa mga nagdaraang sasakyan, may dumaang bus sa harap ko, Magcocommute ba ako? Hindi ako marunong! Pero kung tatawagan ko naman ang secretary ko, papasundan na naman niya ako nung mga psg namin. Wag nalang! Commute nalang ako.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago may dumaang bus ulit saka ako sumakay doon, tumawag ako ng toll truck para kunin naman ang sasakyan ko. Buong biyahe ay dilat ang mata ko, ganito ba ang public bus? Ang daming pumapasok na nagtitinda ng kung ano-ano, tapos nakakahilo pa dahil pahinto-hinto. Ito na yata ang pinakaworst na getaways ko.
Halos three hours ang biyahe ko bago narating ang Tagaytay, ang tagal! Agad akong nagcheck in sa hotel na ipinareserved ko. Pinuntahan ko ang verandah at umihip ang hangin.
"Ang sarap naman ng hangin dito. So natural. Ang ganda din ng view" Nag inhale exhale pa ako, tanaw na tanaw din ang famous Taal Volcano sa pwesto ko.
"Yes ma! I'm fine! Don't worry."
Kilala ko ang boses na yun ah?! Agad kong nilingon ang pinagmulan nun. Oh shit! Talaga namang magkapitbahay pa kami! Nagulat din siya nung malingunan ako, saka dahan-dahang binaba ang phone. Ano na naman kayang iniisip ng lalaking to, don't tell me... iniisip niya paring stalker ko siya. Never!
"Hi! Nandito ka din pala!?" Malakas kong sabi. Pero inirapan niya lang ako saka pumasok na sa loob. "Pinaglihi talaga sa kasungitan ang taong yun! Hmmp" Muli ko pang inilibot ang paningin ko sa paligid saka pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
The Art of Falling
HumorHindi lahat ng GWAPO AT MAGANDA ay masaya sa pag-ibig. Minsan nasasaktan din kami. Uulitin ko NASASAKTAN DIN KAMI.